CHAPTER 53 (part one)

202 4 0
                                    

CHAPTER 53 (part one)

BLAKE’S POV

Nakarating na kami sa rooftop dito sa One World Trade Center. Tahimik siyang nakaupo sa isang sulok at tinitignan ang city at ako nakatayo lang na medyo malayo sa kanya. Nakalagay ang mga kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket na suot ko at tahimik lang na nakatitig kay Nicolle. 

Nakatingin lang si Nicolle sa malayo at malalim ang iniisip. Binayaan ko na lang siya. Alam kong naguguluhan siya kaya mananahimik na lang din muna ako. 

Tumigil na ang pagbuhos ng snow pero malamig pa din, syempre. Buti nga si Nicolle eh, dahil sanay na dito kahit hindi ganun kakapal ang jacket niya kinaya niya pa. O baka naman tinitiis niya lang. Dahil nakatalikod siya sa akin, hindi ako sigurado kung ano na ang reaction niya. 

Malungkot ba siya?

Bullshit naman! 

Kababalik nga lang niya dito eh, tapos ganito pa ang magiging sitwasyon? Parang napaka-unfair naman ata non. Tss.

Noong mapansin ko na ni-rub niya ang mga palad niya habang tumatayo siya, lumapit ako sa kanya. Tinanggal ko ang pagkaka-zip ng jacket ko. When she turned around, she gave me a small smile. Noong nasa tapat na niya ako, ibinalot ko sa kanya ang jacket habang yakap yakap ko siya. Parehong nakasuot sa amin ang jacket. 

And I was hugging her. 

Kung magalit man siya sa akin at gustuhin man niya na layuan ko siya matapos niyang malaman ang totoo… at least I’ve hugged her. 

I pressed her closer to me and buried my face on her neck. “Sorry,” mahina kong bulong. “Sorry, Nicolle.”

Hindi siya umimik. Sa sobrang hina ng boses ko, hindi na ako sigurado kung narinig niya ba ako o hindi. Ang importante lang, ramdam niya ako. 

I felt her breathe deeply. I closed my eyes as I planted a quick kiss on her collarbone. Binitawan ko na siya at umatras ng konti para mabigyan siya ng space. Hinawakan ko ang frame ng salamin niya at naalala na ako pala ang nagbigay sa kanya neto. Napangiti ako. 

Pina-slide ko naman unti unti ang index finger ko sa nose bridge niya hanggang makababa papunta sa mga labi niyang mapupula. Using my thumb, I raised her head up. My face traveled down slowly closer to hers. 

I’m sorry, Nicolle.

I could almost feel her breath against my lips but I stopped. I couldn’t do this. Damn it. Masyado akong nilalamon ng guilt. Masyado akong galit sa sarili ko. Pinilit ko na lang ngumiti. Siya naman, huminga ng malalim sabay tanong, “What are we doing here?” 

“Just wanna see the view from up here,” I answered, shrugging. “Vincent told me you like it here.”

I walked past her and sat on the spot where she was seated moments ago. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin sa may side kaya napangiti ako ng totoo. “You cold?” tanong ko sa kanya. 

Naramdaman ko ang pagtango niya. “Yeah. I don’t think I’m still used to the coldness.”

I let out a breath. “Sit here,” I told her. I tapped the space in front of me. Agad naman siyang lumipat don. I put my legs on either side of her and hugged her from behind. “Are you still cold?”

Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko kaya nakita ko ang buong mukha niya. Nakapikit na siya ngayon. “You sound so sad, I’m starting to hate it,” sambit niya. 

“I’m not sad,” I denied. 

Binuksan niya ang mga mata niya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. She pouted a bit and told me, “You’re lying.”

Officially Blake'sWhere stories live. Discover now