Epilogue

212K 3.5K 506
                                    

"Ang ganda niya naman." narinig kong sabi ng isang babae sa katabi niya habang nakatitig sa akin. Tumango 'yung katabi niya sa pagsang-ayon.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil mukhang mga freshmen sila kase naka-civilian sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ang layo naman kase ng building kung nasaan 'yung room ng unang subject ko. Tapos mamaya pa 'nyan puro introductions lang at pagtalakay sa course syllabus mangyayari. Sana talaga hindi na muna ako pumasok dahil ang sakit ng katawan ko.

May naririnig na naman akong nagbubulungan. "Diba si Tabby 'yun? Ang ganda niya pala."

Napatalikod tuloy ako tapos tinignan 'yung nagsalita. "Excuse me, matagal na akong maganda no. Ewan ko ba kung kamag-anak mo si Internet Explorer at ngayon mo lang narealize 'yun."

Tumingin ulit ako sa dadaanan ko at nilagpasan na sila. Narinig ko pang bumulong na "Kaso maldita pa rin." Hindi ko na lang pinansin dahil baka malate lang ako sa klase ko.

Naglalakad na ako nang bigla namang may humarang sa daraanan ko. Tatlong babae. Napameywang 'yung babae sa gitna at tinignan ako. "Hi Tabby, happy first day."

Tinaasan ko sila ng kilay. "Do I know you?" tanong ko. "Ay teka, you'll ask for autograph? 'Wag na muna ah, I'm going to be late."

Natawa naman 'yung babae sa right na naka-side pony 'yung hair at pink lipstick pa. Eww, jeje. "Autograph? Yuck. Eh hindi ka nga artistahin."

I smiled. Kahit kelan talaga, may mga babaeng ayaw paawat kahit unang araw ng pasukan. "Mas lalo ka naman no, tignan mo nga 'yang mukha mo. Kamukha mo si Pokwang."

"Really? I'm sure she'll take that as a compliment. Sa ganda kong 'to." sagot niya naman. Aba, magaling sumagot pero 'yun nga lang feelingera eh.

"Oo nga eh, sa sobrang ganda mo napa-wow ako. Napa-wow ako kase akalain mo 'yun, may Insidious 3 na kaagad? Ang bilis, kakalabas lang 'nung 2 ah! Advanced masyado 'yung mukha mo."

Lalapit na sana sakin 'yung babaeng jeje na 'yun pero pinigilan siya 'nung mga katabi niya.

Nagsalita naman 'yung nasa left. "Hindi mo ba kami naaalala ha, Tabby?" Pixie hair siya pero mukha naman siyang bading.

"Oo nga," sabi naman 'nung nasa gitna. "Demi, Ayesha, and Camille. The It girls. Remember?"

Napapalakpak ako. "Ahh oo! 'Yung mga payaso 'nung sa Ladies' Room! Ahh oo nga, naalala ko na. Kayo 'yung noob malditas 'nun eh."

"Haha, very funny." sabi naman 'nung nasa gitna. Siya ata si Demi. "Just watch out Tabby, humanda ka dahil hihilahin ka namin pababa."

I smiled at them. "Oh talaga? Exercise muna kayo ah, sa ganyang kapanget na katawan niyo baka hindi niyo ako mabuhat." Nilagpasan ko na sila at naglakad na ulit.

"Ang panget mo!" sigaw pa 'nung Demi.

I turned to face her. "Talaga? I'm planning kase na gumaya sa itsura mo eh." sagot ko sa kanila. "Tsk, sabi ko naman sa inyo mag-research pa kayo! Try again next time. Sige na, mauna na ako dears." Napatingin ako sa orasan ko at shemay, 7:38 na pala! 7:45 pa naman 'yung klase ko. Kaasar naman kase eh.

Tumatakbo na ako at finally naabot ko na 'yung building. Agad akong sumakay ng elevator at sasara na 'to pero bigla namang may pumasok.

"Good morning." bati niya agad sa akin. Pinindot niya 'yung 4th floor. Mauuna pala siya sa'kin.

Napasimangot ako sa kanya. "Walang good sa morning ko ngayon, Ate Daph." sagot ko naman at saka pinindot 'yung 5th floor. "Malelate na ako sa klase."

Tumawa siya. "Ikaw naman Tabby, smile. Papanget ka 'pag nakasimangot ka, sige." sabi niya sa napakasweet na boses.

Naningkit ang mga mata ko. "Bakit parang ang saya mo ata ngayon? Naka-drugs ka ba?"

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon