Seven

345K 5.8K 271
                                    

Ang panget agad ng umaga ko. Sino ba namang hindi masisira ang araw kapag ang unang nakita mo pa talaga sa eskwelahan mo ay yung taong pinakakinakainisan mo sa lahat?

Nandito ako sa Ladies' Room ngayon. Nasa harap ng salamin. And a few steps away from me, may nagme-make up na impakta. I didn't know pati pala mga impakta ngayon marunong ng mag-make up. Well, pagbigyan na natin, ganyan talaga 'pag panget. Tinatago ang kapangitan gamit ang make-up.

"Oh my gosh, what a surprise. Good morning little Tabby," sabi niya sa kanyang ever so high-pitched voice na sobrang sakit sa tenga. Boses ipis, kainis. "Teka." she stopped putting on make-up at tumingin sa akin.

"Grabe, lalo kang tumaba!" 

Kalmado akong napatingin din sa kanya. "Oh? Ikaw din, lalo kang pumangit." sabi ko at naghugas ng mga kamay. Mukhang madudungisan kasi ang mga kamay ko at may mamo-murder ako dito eh.

"You're so funny talaga forever!" sabi niya with sarcastic laugh pa.

At syempre 'di ako papatalo. "Your face is so funny talaga forever!" talagang minatch ko pa yung mataas niyang sarcastic na tawa sabay flip ng buhok at iniwan siya mag-isa doon. Akala niya siguro ako pa rin yung Tabby noon na uto-uto at mahina. Well, wala na iyon. Dahil ang Tabby ngayon ay handa na siyang tapatan.... no, should I say lamangan pa nga eh.

Pumasok na ako sa una kong class. When I came in,  lahat sila tahimik. Unlike the last time, no one dared to talk to me. Sorry sila, hindi nila kayang ubrahan ang maldita powers ko. Kaylangan pa nila ng practice to be a diyosa maldita like me.

Naupo na ako sa upuan ko and a few minutes later, pumasok na yung Prof namin. Blah blah blah. Hindi naman ako nakikinig sa kanya kase parang mas interesting pa magdaydream tungkol kay Rowell kesa makinig sa mga sinasabi niya. Then the bell rang, napatayo ako at nagsi-labasan na ang mga diablets.

Sinuot ko na yung PRADA kong bag when three girls came up to me.

"Hoy. Can we talk to you?" one girl asked.

I looked at my watch. May 20 mins vacant ako. "Okay fine, bored ako so come entertain me. Mga mukha naman kayong payaso eh."

Oh diba? Talk about maldita talaga!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon