Three

413K 7.1K 544
                                    

"So ano'ng plan mo sis? Talaga bang magpapapayat ka na for Rowell your prince charming?" tanong sa akin ni Allison habang sumubo ng cheesecake.

"Yeah! Magpapapayat na ako at aagawin ko na talaga sa Daphne na yan si Rowell my loves! Nako, pag pumayat na ako, tignan na lang natin kung hindi pa mahulog sa akin yan si Rowell!"

Napatingin sa akin si Allison.

"Umm, sure ka na sis? Kasi parang iba ata ang sinasabi mo sa ginagawa mo ngayon."

Napatingin ako sa plato ko, pangatlong chocolate cake ko na pala ito. Napabitaw ako sa tinidor ko at pinunasan gamit ng table napkin ang pisngi ko. Uminom ako ng tubig. Tapos nagsalita na.

"Ahem. Promise last na yan." Napatingin ako kay Allison. "Ikaw kasi, ano bang secret mo at nama-maintain mo ang ganyang body?"

"Talagang mabilis lang ang metabolism ko," sabi niya sabay subo pa ng cheesecake. Nakakainis naman 'tong babaeng ito. Kain ng kain, ang takaw pa pero hindi naman tumataba. Samantalang ako kakain lang ng 3 chocolate cake tataba na agad!

"Sis, gusto mo ba tulungan kita magpapayat?"

"Of course!" masigla kong sagot sa kanya sabay subo na naman ng chocolate cake. Napatingin sa akin si Allison at napabitaw ako sa tinidor ko. "Sorry, nadala lang."

Akala niyo wala akong friend no? Well, meron. And isa lang. Okay lang, at least naman I know I could trust her. Allison goes to the same private all-girls college as me. Pero magkaiba kami ng course but same batch kami. Daphne is also my schoolmate, pero 2 years ahead siya sa akin. 1st year college ako and that Daphne monster is in 3rd year.

Well anyway, I'm sure talaga na pag nagpapayat na ako eh maaagaw ko na si Rowell mula sa impaktang iyon. Ako naman talaga ang nauna kay Rowell eh, umeksena lang siya sa kwento ko.

And now I'm taking what's rightfully mine.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon