Twenty four

246K 3.8K 114
                                    

Natapos yung Stat. Vacant time na, kase lunch time na. Hinarap ako nung Daphne na iyon at may evil smile na naman sa kanyang mukha.

"Lunch tayo, Tabby." sabi niya.

I smiled at her. Lunch daw kame oh. Eh kung siya kaya kainin ko dyan. And my goodness! Paano na lang ako makakakain kung siya kaharap ko no? My gosh! Makaka-lose ako ng 123 pounds neto kapag araw-araw kaming maglu-lunch kasama eh.

Sa isip ko pinapatay ko na siya. Pero yung bibig ko pinaplastik siya. "Sige, I'm so excccciiiiiiteeeedd!" hinook ko pa talaga yung arms ko sa arms niya ah. Kumakawala nga siya pero hinihigpitan ko. Nung naglakad kami palabas ng gate, pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Gusto mo sa house ko na lang tayo mag-lunch?" tanong ko sa kanya.

"Ahh... s-sure."

Umalis na kami ng school at nagpa-drive ako kay Manong sa bahay. In 5 minutes, andito na kame. Nagpaluto ako kay Nay Erma. Half day lang naman ako ngayon eh, thank God. Nandun si Kei at napatingin siya sa amin ni Daphne.

"Kei, kakain kami ni Daph ahh. 'Wag kang sasabay."

"Edi wag." sabi niya.

Pumunta kami sa dining table at natapos na magluto si Nay Erma. Pinaupo ko si Daphne sa tabi ko.

"Ang cute pala nung kasama mo dito sa bahay." sabi niya pa. Aba! Haliparot na ito!

"Bakit? Aagawin mo rin sa akin?" binigyan ko siya ng ngiti. Eew! Ano ba... am I saying na akin si Kei na yun? Yuckkk!! Pero sige keri na rin.

Natawa lang siya ng mahina at ngumiti. "I gotta go. Diet ako, uuwi na lang ako."

"Aww uuwi ka na? Sayang hindi ko pa nalalagyan ng lason yung pagkain mo eh. Sige, ingat na lang."

Ngumiti siya sa akin. "Better luck next time ah?" tapos ayun umalis na. Aba. Marunong ng lumaban ah. Talagang pinapakita na sa akin ng diablet na iyon ang true colors niya ah. Nakakatawa. So I guess kaylangan ko na siyang paghandaan ah?

"Kei! Sabayan mo nga ako sa pagkain dito!"

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon