Thirty four

234K 3.6K 291
                                    

Mahirap maging mataba. Anong akala niyo, madali lang 'yun?

Kapag sasakay ka ng elevator. Pwede hanggang pang-walo na tao, tapos may anim na sa loob. Papasok ka na, edi ikaw na yung pang-seven, eh bigla ba namang nag-FULL at umingay ung hinayupak na elevator na 'yan. Da heck. Eh paa ko pa nga lang yung pumapasok. For sure mabibigat yung nasa loob no, kaya na-full na yung elevator.

Isa pa. Kapag may nakita kang magandang blouse na the moment you saw it, naimagine mo agad yung sarili mo na bagay na bagay sa'yo yun and you'll look like those damn celebrities na fashionable. Then pagkasuot mo? Para kang binalot na shawarma. O kaya puputok na suman. Kainis eh!

Gusto niyo pa magbigay ako ng example? Sa isang kwarto kung saan maraming tao pero ikaw lang yung mataba, tapos tumatawa lahat. Bigla ba namang may umutot. Tapos lahat ng mga mata nakapako sa'yo. Gosh, ikaw pa ang sinisi! Anong connect ng pagiging mataba sa pag-utot?! Kapag payat ba hindi na umuutot? 

Kahit na sabihin niyo man na maldita, masama ang ugali, salbahe, or what ako, syempre hindi ko pa rin maiiwasan yang mga insecurities na iyan. I mean, no one is really secured with herself. Lagi mong winiwish na sana you could be someone prettier, skinnier, more popular.... basta yung mga bagay na wala sa'yo. 

And trust me, walang taong hindi naiinsecure. Pero then again, hindi pala ako tao. Kase isa akong....

"HOY BABOY!" nagulat ako nang may tumawag sa aking isang batang lalake. Nasa park kase ako ngayon, nagmumuni-muni. At saka para hindi ako matempt kumain sa bahay. Nagpapaka-emo na nga ako, at minsan lang 'to, tapos may sisira pa ng moment.

"Sinong tinatawag mong baboy ha?!" tinaasan ko siya ng kilay. Nakakainis kaya! 

"Edi ikaw, ang taba-taba mo. Baboy baboy baboy!!!" bumebelat pa. Sarap hilahin ng dila. Kaya ayoko ng mga bata eh. Nakakairita. Kung hindi lang ako mabait, naku, papatulan ko talaga 'to eh. Pero pasalamat siya may kabaitan ako. Oo may kabaitan ako. May kabaitan nga ako sabi. Talagang-talaga paulit-ulit tayo dito?!

"Rui!" may nagsalita. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nanggagaling yung boses and...... what. Hindi ba... hindi ba.... si Kiana Dela Vega 'yun? Yung model? Saka... kapatid ni Kei?

"Mommy! Inaaway ako ng baboy oh!" biglang sumbong naman nung bata. Hindi talaga ako tinigilan eh no. Naku, kakalbuhin ko talaga 'tong batang ito!!!

Niyakap siya ni Kiana. Yung bata naman nag-acting pa na umiiyak daw siya kuno. Sus. Inaalo naman siya ni Kiana tapos napatingin sa akin 'yung Kiana na iyon. "Hi, sorry ah. Ganito lang talaga 'to... medyo iyakin."

Wow, she's actually nice. Hindi ko expected 'yun ah... kase naman no, yung kapatid niya, napaka-squatter ng ugali. Baka naman ampon lang yung Kei na 'yun? Hindi. Medyo hawig din naman sila ni Kiana eh.

"Wala... okay lang. Anak mo?" I asked. Tinawag kasi siyang mommy nung bata. Kung hindi ako nagkakamali, Kiana is 27 years old. Balita ko rin na may Japanese boyfriend siya pero nagka-break na ata sila...? Malay ko. Hindi ako masyadong mahilig sa mga celebrity chuchu.

Nahiya pa siya pero tumango din. "Secret lang ah. Kase you know... umm isa kasi akong.."

"I know you, Kiana Dela Vega." sabi ko. Mukhang nagulat siya. "Pero don't worry, I won't tell anyone."

Nginitian niya ako. "Sige thank you ah. Um, we got to go. May hinahanap lang kasi 'tong si Rui eh, yung tito Kevin niya... dito kasi sila madalas sa park na 'to... oh, by the way Kevin is my younger brother and... well, he's lost. Hindi namin alam kung saang lupalop na ng Pinas siya but we're looking for him."

MAYGASH. Pano kaya kapag nalaman nilang nandun yung Kevin Dela Vega na hinahanap nila sa bahay ko?! Baka makasuhan pa ako ng kidnapping neto ah. Naku naku. Papalayasin ko na nga mamaya 'yang Kei na 'yan. I just smiled at her kahit sa looban ko kinakabahan ako. Baka kasi mahalata niya na alam ko kung nasan yung kapatid niya... pero mukhang hindi niya naman napansin kase nag-wave na siya ng goodbye. Whew. Pinanood ko lang silang umalis. 

Nakakainis. Habang tinitignan ko siya, naiinggit lang ako lalo. She's 27, I'm 17. 10 years ang pagitan ng ages namin! At may anak na siya! Pero bakit ganun... ang sexy sexy niya?! Sana pala tinanong ko yung secret niya huhu...

Basta. Magpapayat na talaga ako. I really have to.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon