Seventy six

175K 2.9K 699
                                    

"Mom, this is Tabby, my girlfriend."

"What? Girlfriend mo ang babaeng 'yan?!" hirit naman nung feeling amo nilang yaya. Tinignan pa ako mula ulo hanggang paa eh.

"Nadreng, wag mong ganyanin ang girlfriend ko. Yaya lang kita." sabi naman ni Kei.

"What? Yaya mo 'yan?! Akala ko alaga niyong aso!" sagot ko naman. Tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa. "Grabe, tao pala 'yan... hindi kase halata kahit saang anggulo oh."

Sasabat pa sana yung panget na 'yun pero nagsalita yung Mommy ni Kei. "Girlfriend? Kelan pa? This is the first time that I've seen her."

"Hindi na mahalaga kung kelan." sabi ni Kei. "At saka isa pa-"

Naputol siya sa sasabihin niya at napatingin sa may hagdanan. Nabaling din yung tingin ko doon, at napansin ko yung mukhang kagalang-galang na lalake na pababa ng hagdan. Natahimik nga ang lahat eh, kaya hindi na rin ako nagsalita. Si Rui nga na ang kulit-kulit kanina eh nanahimik din.

Nakababa na yung lalake. Tumayo siya sa harap naming lahat. Wala pa ring nagsasalita, kaya lumakad na lang si Kei palapit doon sa lalake pagkatapos ay yumuko siya dito. Tapos nagkatinginan sila. "Dad," sabi ni Kei.

Blanko naman yung expression ng mukha ng dad niya, pero feeling ko galit eh. "Get ready. The Del Mundos will be here any minute now. Nadreng, pasabi na sa lahat na bilisan nila ang kilos." agad na sumunod yung aso nila at umalis doon. Nakakatakot nga yung dad niya... alam ko kase isa siyang pulitiko eh. Mukhang strict.

"Dad..." sabi ni Kei. Napatingin na naman yung dad niya, pero wala na namang sinabi. Instead, umalis sila nung mommy ni Kei dito sa sala at pumunta ata ng kusina.

Naiwan kami nila Kei, Ate Kiana, at Rui doon.

"Kei..." tawag ko sa kanya. Mukha kase siyang malungkot eh. "Okay ka lang ha?"

He gave me a smile. "Oo naman. Tuloy pa rin yung plano ah." sabi niya pa. Kinabahan tuloy ako bigla dahil sa dad ni Kei. Patay tayo neto eh.

Hinawakan ni Ate Kiana yung balikat ko at ngumiti din siya sa akin. "Wag kang mag-alala Tabby, Kevin, nandito ako to support you two." tapos hinawakan niya yung kamay ni Rui. "Sige na, doon na rin tayo sa dining room. Darating na rin naman kase sila Shanize."

Nauna sa amin sila Ate Kiana at Rui. Si Kei tahimik pa rin, pero hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Ang lamig nga ng kamay niya eh.

"Ano ka ba, 'wag ka ngang matakot dyan. Kaya naten 'to." sabi ko na lang sa kanya. Ngumiti siya at tumango tapos naglakad na rin kame papuntang dining room. Nagulat nga ako dahil ang haba ng hallway papunta doon, tapos nung nandun na kame, sobrang laki ng dining room nila. Ang haba ng mesa, tapos may chandelier pa sa taas. Puro luxurious wood ata yung furnitures nila eh. May mga paintings ulit na nakasabit sa wall, tapos basta. Ang ganda talaga.

Umupo kami ni Kei doon sa may right side, medyo malayo sa kinauupuan ng mga magulang niya. Naisip ko tuloy kung si Kei ba madalas na kumakain mag-isa sa mahabang mesa na ito.

Naghahain pa rin ng mga pagkain yung mga yaya. Si Ate Kiana nakaupo sa may tabi ng mama nila, tapos si Rui sa tabi niya. Tahimik lang kame nang biglang nagsalita si Mrs. Dela Vega.

"Kevin, why don't you introduce her to your father?" sabi niya sabay tingin sa akin.

Tumaas ang kilay ni Mr. Dela Vega. Tinignan din tuloy ako.

Mas hinigpitan ni Kei yung hawak niya sa kamay ko. Magkahawak pa pala kami ng kamay. "Um, Dad, Mom... this is Tabby.... and she's my girlfriend."

Natahimik na naman. Maya-maya biglang may tumawa, napatingin ako at si aso pala. Nandun nakatayo, feeling amo talaga nakakainis.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon