Eleven

316K 4.9K 552
                                    

After namin bumisita ng sementeryo, nagyaya si Rowell ng lunch date. Oo, lunch date talaga, as in kaming dalawa lang. Yung dalawang panira sa love story namin ni Rowell eh iniisip ko na lamang na mga bangaw. Mga maiingay na bangaw.

"Babe, kahit water lang sa akin and salad." sabi ni Daphne bangaw # 1 na todo makadikit sa Rowell ko. Paniguro, mighty bond lotion nito eh.

"Akin yung large na coke, hmm... 2 pcs. ng chicken, lagyan mo na rin ng extra rice at saka fruit salad para dessert lang." sabi ni pulubs. Aba! Ang kapal ng mukha.

"Wag mo na lang pansinin 'to Rowell." sabi ko.

"Sige, okay lang. Lilibre ko na 'yang boyfriend mo." sabi ni Rowell. Nangiti na lang ako kahit sa kaloob-looban ko ay gusto kong isuka yung mga kinain ko the last 2 months. Boyfriend daw?! At talagang sa soon-to-be boyfriend ko pa nanggaling ang mga katagang iyon!

"Boyfrie-" tinapakan ko ang paa ni pulubs bago pa siya makaangal. Napa-aray tuloy sa sakit.

"Pwede bang humanap ka na lang ng mauupuan? Yung pang-apat please ha?!"

"Eh pano yan sampu ka?" sabi niya pa. Inapakan ko naman yung kabila niyang paa. Ayun, natahimik din at sumunod. Susunod din naman pala. Buti nga at Charles & Keith pa 'tong sapatos ko. Privilege yan!

"Sige, upo na rin ako," sabi ni Daphne. Hay thank goodness at naisip niya rin iyon! Naiwan na lang tuloy kamin dalawa dito ni Rowell my loves. Ayee. This is my moment!

"Sa'yo Tabby?" tanong niya tapos nagflash pa ng kanyang napakacute na smile. Namula ata ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko!!! May gash. Parang may paru-paro na sa tyan ko.... oh my gassssshhh!!!

"Tabby?" tawag niya pa ulit.

"Ahh, ehh... kahit ketchup na lang." nasabi ko. Diet nga kase ako diba?! Okay na ang ketchup. Titigan ko nga lang si Rowell busog na ako kaso parang wala rin kase pag makikita ko naman si Daphne masusuka lang ako.

Natawa naman siya. Ang cute niya talagang tumawa! "Ikaw naman Tabby. Kahit anong iorder mo. Alam ko namang nagugutom ka na."

Tama siya. Gutom na nga ako. Hindi ako nakakain ng almusal kanina eh.

"Umm, kahit yung burger steak na lang. At saka mashed potato na rin with chocolate mousse. Tapos siguro extra rice and gravy ah? And yung drinks ko, kahit large sprite lang. Sulit na ako doon. Thank you!"

Nangiti na lang siya. Hayyyy!!! Sana akin ka na lang Rowell! Ba't kase napaka-animal lover mo to the point na pumatol ka na sa isang hayop? Aww. Hayop din naman ako ah, hayop sa ganda!

Naka-order na at naupo na kami doon sa sinave na upuan ni pulubs. Magkatabi kami ni pulubs. Magkatabi sila Rowell my loves at Daphne. At talagang magkaharap pa kami ni Daphne ah! Pano pa ako makakain nito?! Ang panget ng view.

"Babe, wash room lang ako ah," sabi nung babaeng iyon.

"Ako rin, I'll go to the wash room." Para kasing shunga yang babaeng yan, wash room lang daw siya? Sabagay, mukha naman siyang washroom. Nandun na kami at aba, nagretouch pa ang impakta!

Humarap ako sa salamin. "Hay, ang ganda ko talaga kahit kelan oh. Natural beauty that the God the Father above has bestowed upon me. Ikaw Daphne? Nung umulan ba ng kagandahan nagpayong ka no?"

Hinarap niya ako. "Alam mo, punung-puno na talaga ako sa'yo eh! You're such a big fat bitch!" tapos sinugod ako at pinagsasabunot.

Ano 'to?! At may away na pisikal na ah? Ayoko nito! Tinulak ko siya palayo sa akin kaya sa sobrang lakas ko eh nahulog siya sa lapag.

"Sorry ah, ayokong makipagsabunutan sa isang loser katulad mo." sabi ko at lumabas na ng wash room. Kainis. Hirap kaya mag-plantsa ng buhok.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon