Sixty seven

192K 3.1K 764
                                    

Medyo kinakabahan talaga ako. Kagabi pa nga ako nagdadasal na sana masagutan ng maayos ni Kei kung anuman yung ipapahulang word. 

Nakapulong kaming lahat dito sa salas. May isang upuan sa gitna. Nandun lahat, sila Manong Driver, Nay Erma, Leah, at iba pang mga muchacha at hardineros sa amin. Sila Mommy at Daddy naman hinahanda na yung para sa Pinoy Henyo. Si Kei mukha ding kinakabahan.

Bale, sa harapan ako ni Kei. Ako yung mag-oo o hindi. Oh my gosh, nangyari na naman ang ganitong eksena. Sana nga lang hindi magkatulad ang kapalaran.

Inexplain ni Mommy yung rules. Dapat hindi pwede yung "starts with letter..." something. Dapat oo o hindi lang daw ang sasabihin ko. Bibigyan si Kei ng 2 minutes para hulaan ang word. Dapat maka-3 points siya out of 5 words na hinanda nila Mommy. Si Dad yung timekeeper. Kinakabahan ako lalo. Yung mga audience namin nagsikain pa talaga ng popcorn with matching iced tea pa. Nagulat nga ako biglang nagsisulputan yung mga pagkain nila hindi man lang ako inalok.

May hawak na si Mommy na paper. "Okay, get ready Kei hijo ha... lalagay ko na 'tong papel sa ulo mo." and Mom did. Madali lang naman yung word, Carbonara. Hay! KEI PARANG AWA MO NA.

"Timer starts now." biglang sabi ni Papa.

"PAGKAIN?" Biglang sigaw naman ni Kei. Napatango ako. Nag-isip pa siya lalo. "Ummm ummm... Carbonara?"

"WOOOOOOOOOO!!!!" Hiyawan naman ng mga audience sabay palakpak. Pati ako tuwang-tuwa. Ang galing ni Kei ah! May pag-asa! Thank You Lord for hearing my prayers!

Sumingit si Dad. "Sa loob ng 5 seconds? Incredible! Welcome to the family!"

"Ooops, naka-one point pa lang siya hun. Ikaw Tabitha 'wag kang masyadong matuwa. That's just a point. Kaylangan niya pa ng 2 points, remember that." sabi naman ni Mommy. Epal talaga 'to si Mommy kahit kelan. Nilagay niya na agad yung sunod na word. Si Kei seryoso. Wow, mukhang mananalo nga siya ah!

Second word: Tabo. Ewan ko ba kung bakit yan yung word.

Nag-time na agad si Daddy. Si Kei naman nagtanong na agad kung tao, pagkain, chuchu, nakuha niya yung bagay. Naghihiyawan na naman yung mga tao sa paligid namin habang kumakain ng popcorn. Huhu penge.

"Ginagamit araw-araw?" tanong ni Kei.

Tumango ako. "Oo!!!"

"T-BACK!" sagot niya naman. Napakamot naman ako ng ulo. WHAT THE HELL? ANONG T-BACK? Ginagamit ba yun araw-araw? Sarap upakan neto eh! "Tuyo! Twalya! Turtle!" sabi lang siya nang sabi ng words kahit hindi naman bagay. Hay nako. Nawala agad pag-asa ko.

"Time's up." sabi ni Dad. Nangiti naman si Mommy. Napa-aww yung mga tao. Si Kei seryoso pa rin. Napa-crossed arms na lang ako sa sobrang inis. 

Third word: Cory Monteith. Huhu crush ko yan eh.

Nag-umpisa na yung time. May naririnig pa nga ako sa likod ko, si Nay Erma na tinanong si Leah kung ano daw yung word. Sabi naman ni Leah pagkain daw ata na 'Frinch'. Pinilit ko na lang hindi tumawa. 

"Tao?" tanong ni Kei.

Sumagot ako kaagad. "Oo! Oo!"

"Umm lalake?"

"Yes!!!!" sagot ko sa kanya.

"Sikat?"

"Oo naman!" sabi ko rin. Narinig ko naman si Leah na nagsabing, 'Ay tao pala yun artista pa. Kala ko pagkain sa frinch na parang tinapay yung frinch brid.'

"Buhay pa?" tanong niya ulit.

Umiling ako na napa-sad face pa. "Hindi na." nag-iisip pa rin si Kei. Nagsabi ng mga patay na lalake. Si Albert Einstein, Steve Jobs, Fernando Poe Jr., Benigno Aquino Sr., Magellan, Jose Rizal, Bonifacio.... grabe talaga 'tong lalakeng ito. Nagsabi pa si Dad na 1 minute na lang natitira kaya nagmadali si Kei.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon