Fifty four

226K 3.7K 420
                                    

A/N: ang bilis naman ng reads!! Haha. Thank you powhz! Sana magcomment din kayo and vote ^^ Also, gumawa ako ng story, pero hindi siya corning comedy. Try niyo lang basahin hehehe. Click the external link. It's entitled "Transparent". Thanksss~

----

Tabby's POV

Minamasahe ko lang yung mga paa ko doon habang nakaupo sa isang malaking bato. Si Kei naman? Ayun nilibing ko na ng buhay. Joke lang kayo naman. Ayun, mukhang medyo chillax nga siya eh, like kaasar ah! Kaasar talaga!

"Bakit ang kalmado mo dyan ah?! Nawala na nga tayo eh... we're in a middle of nowhere."

Tinignan niya ako. Mukha nga siyang seryoso. "Ehhh, okay lang yan ikaw naman. Makakabalik din tayo. Tiwala lang."

Kahit papaano medyo nagiging kalmado din ako kase kalmado siya. Oo nga, siguro naman makakaalis din kami dito, diba author? Baka nga last chpater na 'to na naligaw kami. Hay sana nga lang. Kaasar kase eh. Ayun, medyo natahimik na lang ako. Tahimik kaming dalawa. Nakakabingi ang katahimikan forever!!!

"Hoy Kei," nagsalita na lang ako. "Ano bang nakita mo kay Allison at nagustuhan mo siya?"

Napatingin na naman siya sa akin. Yung mga mata niya na parang seryoso, nakakatuwa minsan. Kase naman no, minsan lang kaya siya magseryoso. Kaya gusto ko. "Ano nga bang nakita ko sa kanya? Hmm, maganda. Mabait. Sweet."

Maganda. Mabait. Sweet. Ganun din naman ako ah.

Kahit papaano parang seryoso yung atmosphere namin ngayon. Parang biglang hindi na naging corning comedy ang story na ito. Nakakatuwa din pala na paminsan ganito, at least kahit papaano pwede pa pala kami makapag-usap ng seryoso.

"Eh ikaw naman ah? Anong nagustuhan mo kay Greg?"

Inisip ko. Ano nga ba? "Umm, siguro kase gwapo siya. Cool. Funny."

"Gwapo? Cool? Funny? Ako ba hinde?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napanganga ako. Ang serious kase talaga ng mukha niya. Nakatitig na naman yung mga mata niya na feeling ko magiging tunaw na ice cream sundae na ako. Parang black hole yung mga mata niya kase feeling ko hinihigop ako. Kaasar.

"Hinde..." sagot ko na lang. "Kei... Nga pala, ang tagal na nating magkasama. Halos magta-tatlong buwan na ah. Pero kung tutuusin, wala naman talaga akong alam sa'yo. Hindi naman kita kilala masyado. Ang weird no? Ikaw naman kase eh, lagi mo na lang ako iniinsulto at inaasar."

"Eh ikaw nga yun." sabi niya naman. "Pero tama ka, ikaw din wala pa akong masyadong alam tungkol sa'yo."

Napatigin na lang kame sa isa't isa. Then nauna na si Kei. Ngumiti siya. "Ang pangalan ko ay Kevin Dela Vega. 18 years old. Mahilig akong magbasa ng mga libro, tambayan ko nga sa bahay yung library doon eh. Hindi ako masyadong nakikipag-usap sa mga tao. Sa school, wala akog kaibigan. Ni wala ngang masyadong nakakakilala sa akin. Wala atang may alam na ako si Kevin Dela Vega, anak ng may-ari ng Dela Vega Corporations. Pero okay din naman, at least namumuhay ako ng payapa. Wala akong bisyo, ayoko, masyado ng mainstream eh. Mahilig rin akong magluto at maglaro ng games. Hindi ako musician o sporty. Pero natutuwa akong manuod ng NBA at Pro Wrestling. Paborito kong kulay Black at Red. Sa totoo lang, hindi pa ako nagkakaron ng girlfriend."

Pinapakinggan ko bawat salita na lumalabas sa bibig niya. Oo, parang slambook o kaya yung typical na first scenes sa mga ibang stories, pero at least may mga nalalaman ako tungkol sa kanya. Kahit papano nakikita ko kung anong klaseng tao siya. Bakit ganun? Parang iba ata siya sa ibang tao? Pero pag saken... Ugh.

"Hoy ikaw naman, daya mo ah." sabi niya.

I cleared my throat. "Well, ako si Tabitha Mary Jane Zaragosa. Pero Tabby na lang, ewan ko rin kung baket Tabby, eh pangalang pang-baboy yun eh sexy naman ako."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon