Seventy seven

187K 3K 324
                                    

A/N: Guys, may interview ako. Basahin niyo bwahahaha. Click the external link. :D and sorry nga pala sa delay ng update. Happy 80K reads <3

"Haha! Sinabi mo talaga 'yun? Grabe, ikaw na talaga Tabby! Sobrang maldita mo talaga!" sabi sa akin ni Allison at hampas pa ng hampas sa mesa. "Saka si Daphne? My gosh! Hahaha nakakatawa! Hindi ko maimagine eh."

Sumubo ako sa lasagna ko. "Talaga. Hindi ko nga alam san na napunta yung Shanize, sa pagkakaalam ko kase, gusto nung Shanize si Kei. Siguro nga mas matatanggap ko pa kung si Shanize eh... pero si Daphne? No way. Kaya nainis na talaga ako eh. Ang yabang pa ng aso nila doon."

"Aso?" tanong ni Ally.

Tumango ako. "Oo, may aso sila doon. Nadreng pangalan."

Kinukwento ko pa kay Allison lahat nung nangyari noong isang gabi. May times na natatawa siya, naiinis, tapos napapahanga pa daw siya sa katapangan ko. Kumain na lang kami pagkatapos tumambay na muna sa may school garden.

Tahimik kami doon. Wala na rin naman akong klase pero ayoko pa umuwi. Si Allison naman may klase pa ng two o' clock. Napatingin ako sa relo ko at quarter na rin eh.

"Sige na, mauna na ako." sabi ni Allison at bumeso sa akin tapos nagpaalam na rin.

Lumakad na lang ako palabas ng school. Parang ayoko kaseng umuwi eh, nakakatamad pa. Maya-maya nung nasa gitna na ako ng kalsada ay may humintong kotse sa may harap ko.

Kidnap! Kikidnapin ata ako!

Tatakbo na sana ako (oo, tatakbo ako.... TATAKBO TALAGA AKO) nang bumukas yung pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Rowell.

Napabuntong-hininga ako. "Hay, ikaw lang pala Kuya Rowell. Kala ko kikidnapin na ako eh."

Natawa siya sa akin. "Ikaw talaga Tabby. Pauwi ka na ba?"

Tumango ako.

"Ahh, pwede bang samahan mo muna ako sa mall? Please? Bago man lang ako umalis ng bansa, gusto sana kitang makausap sa huling pagkakataon."

Kumakain kami ni Kuya Rowell ng ice cream at nakaupo lang sa bench doon malapit sa may event center. Maraming magsyo-syota dito, feeling ko tuloy kami rin ni Kuya Rowell mag-syota eh. May mga dumadaan pang jejemon na napapasulyap kay Kuya Rowell.

"Tabby, kamusta na nga pala kayo ni Kei?" tanong niya sa akin bigla.

Napatingin ako sa kanya tapos dumila muna ng ice cream. Hinarap ko ulit siya habang pinupunasan yung pisngi ko. "Kami ni Kei? Ayos lang naman kame.... ah, eh, nung isang gabi may nangyari nga lang."

"Anong nangyari?" tanong niya naman ulit.

"Nag-dinner kami dun sa bahay nila. Nakilala ko ang parents niya.... Kuya Rowell, ssssh ka lang ah, pero kase... si Kei ay si Kevin Dela Vega, anak na lalake ng mga tanyag na Dela Vega."

Mukhang nagulat naman si Kuya Rowell pero kalmado pa rin siya. "T-talaga? Wow. Mayaman pala ang boyfriend mo."

Medyo namula ako dun sa salitang boyfriend. Gusto ko sanang ideny, pero naalala ko na oo nga pala sinagot ko na si Kei. Pero ewan ko, hindi ako sanay. Saka parang wala nga lang kame eh.

"Oo... tapos yun, nakilala ko nga ang parents niya and well... you know me, hindi ko napigilan ang maldita powers ko. Nasagot ko pa yung dad niya kahit nakakatakot yun. Tapos yung aso pa nilang katulong nakakainis, feeling amo eh."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon