Fourteen

310K 4.9K 460
                                    

Sa wakas at natapos din ang first sem ng 1st year ko sa college. Bakasyon na, and I can relax and enjoy but then-

"TABA!!!! Kakaen na daw sabi ni Nay Erma!"

Sino pa bang nagsabi nun? Edi yung napakaingay na pulubing iyon. Yes, I'm still not kicking him out. Mukhang aampunin ko na talaga siya kase.... kase para naman maalsap ng mga unfortunate ones yung sarap ng buhay ko diba? Kayo naman, hindi naman ako ubod ng sama. Mabait naman ako ah? Maldita lang ako hindi demonyo.

Pero kase, that guy is really annoying! Yung nakaraang linggo nga, hindi ako nakareview masyado for exams dahil sa kinukulit niya ako at panay ang tawag sa akin ng mga kung anu-ano. Pero hindi naman talaga ako nagre-review, kunwari lang para naman may magawa ako, pero kase no! Nakakairita talaga siya! Yung random na lang na tatawagin ka niyang 'taba', 'baboy', at minsan 'tababoy' pa nga at kinombo niya pa talaga. Nakakairita kase ang lakas ng boses niya! Ingay ng bunganga! Kalalakeng tao ganyan.

But... dahil sa ingay niya, parang hindi na haunted house ang bahay. At may kakwentuhan na rin sila Nay Erma, at aba heartthrob pa siya among sa mga muchachas ko pati na rin sa mga katulong sa kapitbahay! Pati nga senyoritas! Aso, pusa, kahit nga drivers eh!

Ewan ko ba. Gwapo naman kase talaga 'tong pulubing ito, mas gwapo pa nga siya kaysa kay Rowell kung tutuusin pero kasi.... hindi ko alam. Hindi ko siya type!

Teka... ano ba 'tong iniisip ko? Type agad?

Anyway, ito nga, bakasyon na at mageexercise sana ako kaso wala naman si Allison. Nagbakasyon sa Paris. Siya na. Hmph. Samantalang ako dito naiwan kasama si pulubing unggoy.

At dahil bakasyon nga, ito yung tipong gusto mo ng magpapayat kase wala ka namang pasok kaya mas may time ka.... pero ito rin yung mga panahon na masarap kumain. Kase nga wala kang magawa. Bored ka. Kaya kaen lang!

Exercise ba?

Ayun naging Extra rice!

Lalabas pa naman sana ako ng bahay pero bigla ba namang pumangit ang panahon. Ba't ko ba nasabing pangit? Kase parang nakita ko ata yung mukha ni Daphne doon sa mga ulap.... joke lang kayo naman! Pag nawala yun sa buhay ko magbubunyi ako este mamimiss ko yun. Mami-miss kong lait-laitin at away-awayin. XD

"Wala akong magawa. Laro tayo." sabi ni Pulubi. Nandito kami sa salas ngayon. Kitang-kita sa may mga bintana na sobrang lakas ng ulan, para ngang bagyo na nga ito eh. Naglabas ako ng chess. Naglaro kami. Talo ako. Naglabas ako ng snake and ladders board game. Talo pa rin ako. Naglaro kami ng Candy Crush sa phone ko, pataasan kami ng score, talo pa rin ako kahit first time niyang maglaro.

"Ayoko na! Pabilisan na lang kumaen baka sakaling manalo pa ako!" sabi ko at suko na. Ayoko na kasing maglaro. Kawalang-gana kaya.

"Eto na lang, truth or dare."

"Truth or dare dalawa lang tayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya. "Oo. Okay lang naman ah. Salitan tayo. Ako mauuna."

Napangiti ako. Hmm, mukhang maganda 'to ah. Nasabi ko, "Truth or dare?" 

"Dare." sagot niya naman agad.

"Hmm, kuha mo nga ako ng malamig na baso ng tubig. Maraming yelo ah." sinabi ko. Tumayo siya at lumakad papuntang kusina at bumalik na may hawak na baso ng tubig. Eh kase nauuhaw na ako no.

Nangisi siya. "Ako naman. Truth or dare?"

"Truth." sabi ko. Katamad kaya tumayo para sa dare!

"Sige, sino yung Daphne na iyon sa buhay mo?"

Napaisip ako. "Well, siya lang naman ang archenemy ko. Dati kaming magkaibigan, ate-atehan ko siya dati. Naging gf ng kuya ko. Ngayon inagaw naman ang prince charming ko. Siya ang pinakapanget na nilalang sa mundo samantalang ako ang pinakamaganda."

"Okay na okay na, truth naman ako ngayon." talagang inunahan pa ako ng pulubing iyon ah.

"Hmm... pulubi ka ba talaga?"

"Hinde. Guardian angel mo nga ako." sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama. "Ang daya neto. Nako, sige truth ulit ako. Akala mo ha. Hindi na rin ako magsasabi ng totoo kasi ikaw eh!"

"Oy nagsasabi naman ako ng totoo eh! Hmm... Gwapo ako o hindi?"

"Gwapo." sagot ko agad. Oh my gosh, sinabi ko ba yun?! "Ahh, I mean no way!"

"Aba binawi! Kunwari ka pa alam ko namang gwapong-gwapo ka saken!" sabi niya at kumindat pa. My goodness! Masusuka na ako dito! At talagang pumasok pa ang bagyo dito sa loob na may mahanging weather!! Si typhoon Kei!

"Ako naman. Hm, sexy ba ako?"

"Hinde." sagot niya din agad na hindi man lang nag-isip.

"Truth nga eh! Ano ba 'yan! Ang daya mo hindi ka sumusunod sa rules ng laro." sabi ko at napatayo na lang. "Kakaen na nga lang ako ng spaghetti."

"Kakaen ka na naman?!" sabi niya at napatayo din.

Lumakad ako papunta kay Nay Erma para magpaluto ng spahetti. Gutom na gutom na talaga ako eh. Hindi ako pwedeng magutom.... sinasabi ko sa inyo.... at saka ang sarap kaya kumain! Wala munang diet diet sa akin ngayon! Hinintay ko talagang maluto yung spaghetti sa kusina kahit na naiirita na ako sa pangungulit ng pulubing iyon. Nung naluto na naupo kami ni pulubs sa dining at kumaen ng spaghetti.

"Kaya nataba eh." sabi ni pulubi.

"Ba't ba?! Masama na bang kumaen?! At saka okay na 'to! Konti lang naman! As in konti lang promise!" sabi ko.

At the end of the day, nakakain ako ng isang kaldero ng spaghetti.

At the end of the week, dumagdag ng 2 pounds ang timbang ko.

This is the end of my life! Inis! Bukas talaga magda-diet na ako at mag-eexercise. 'Wag muna ngayon kase paborito ko ulam eh.

Promise! Tomorrow is the day.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon