Twenty two

267K 4.2K 421
                                    

"Oh ba't parang bad mood ka ata? Hindi ka ba nag-enjoy sa birthday party na yun?" tanong ni Kei na chillax lang na nanunood ng TV sa salas.

"Hay nako, hindi lang siya bad mood! Galit na galit pa." sabi ni Allison na tumabi sa kanya sa upuan.

Inabot ko kay Kei yung tupperware na may lamang pagkain mula sa bahay na iyon. "Oh, kumain ka na nga lang at parang makakadagdag ka pa sa inis ko."

"Thanks!" sabi niya na tuwang-tuwa pa.

Naiwan doon sila ni Allison na nanunood ng TV. Dito matutulog si Allison kase pasukan na sa November 4. Umakyat ako ng kwarto para magbihis ng pangbahay. Hmph. Nagbihis pa naman ako ng maganda wala naman pala si Rowell ko.

May kumatok sa pinto. "Best! Nood tayo movie."

"Anong movie?" tanong ko.

"Insidious."

"Baduy yon." sabi ko naman habang nakatingin sa salamin.

"Aysos takot lang." biglang narinig ko naman yung boses ni Kei.

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan iyon. "Anong takot ka dyan?! Ako? Takot? Si Tabitha Mary Jane Zaragosa natatakot? Wala akong kinakatakutan no!!!"

"KYAAAAAAHHHH!!!" pagtili ko nung lumabas na yung panget na parang diyablo doon.

"Hindi daw takot ahh? Eh naka-eleven times na tili ka na nga eh." sabi ni Kei habang sumusubo ng microwaved popcorn.

"Oo nga friendship, ang sakit sa eardrums ng pagtili mo eh."

"FYI! Hindi ako tumitili dahil natatakot ako. Napapangitan ako sa dyablong yan oh. Naaalala ko si Daphne sa kanya! Ekkk! Ang panget!"

Hindi na lang nagsalita pa yung dalawa at nagpatuloy kami sa panunood. Tapos malapit na sa ending. Sumubo ako ng popcorn. Nagising na yung bata tapos pinakain nung nanay. Yung parang espiritista naman doon kinakausap yung tatay ng bata. May feeling ako na may mangyayari doon. Tapos biglang nawala yung tatay at yung nanay naman ng bata nakita na lang yung espiritista na patay na. Tapos... Tapos biglang....

"OH MY GULAY!!! SHEMAY!!! KYAAAAHH!!!"

Bigla namang tinakpan ni Kei yung bibig ko. "Ang ingay ingay mo! Ang sakit sa tenga eh!"

Tumawa lang sila ni Allison doon. Tawa ng tawa. Eh mas masakit nga sa tenga yung mga tawa nga nila eh. Hindi ko na lang sila pinansin. Tas maya-maya kumaen na kami ng hapunan tapos nun pumunta kami ni Allison ng kwarto ko para mag-pajama.

Naupo si Allison sa kama ko. "You know what, bagay kaya kayo ni Kei. Ang cute niyo kayang dalawa. Saka gwapo naman si Kei ah. Mas gwapo pa nga siya kay Rowell."

Tinatowel ko yung buhok kong basa. "Ha? Ew ah! Hindi ko type yun."

"Hindi din naman kita type." biglang bumukas yung pintuan ko. Aba, tsismoso 'tong mokong na ito ah. Inirapan ko na lang siya tapos naupo sa kama sa tabi ni Allison para maglagay ng lotion.

"I'm bored. Hm, may alam ka bang ghost story Kei?" tanong ni Allison.

Pumasok na yung Kei na iyon at naupo doon sa upuan sa may desk ko. "Meron akong alam na ghost story. Nakakatakot talaga. Isang gabi daw dumating si Tabby. The end. Katakot ano?! Hahahahahahaha-"

Naputol siya dahil binato ko yung mukha niya ng unan.

Aba at gumanti pa. Babatuhin sana ako ng unan kaso natamaan niya naman si Allison. Nagbatuhan na lang kami ng mga unan doon, tawa ng tawa, hanggang sa mapagod. Nagkwentuhan konti tapos inantok na rin. 11:30 pm na kaya. Lumabas na si Kei at naiwan kami doon ni Allison.

Tabi kami sa kama. Matutulog na sana ako nang nagsalita siya.

"Friend, break na kami ng boyfriend ko." sabi niya sa akin. "Kahapon lang."

"Hindi mo naman mahal yun diba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi nga." sabi niya sa mahinang boses. "Pano kapag nagkagusto ako kay Kei?"

"Edi magkagusto ka." sabi ko sa kanya. "Ba't pa kaylangan mo kong tanungin?"

"Wala lang. Malay mo kase may gusto ka din pala sa kanya." sabi niya at humikab. "Sige na, good night na best. Mwah mwah hugz."

Nakahiga lang ako doon at mulat pa rin ang mga mata. Hindi ako makatulog. Hindi dahil sa sinabi ni Allison ah?! Na baka may gusto daw ako kay Kei. Eww! No way! Hindi ako makatulog kase mamaya matulad ako doon sa Insidious. Eeeekk.

Pero hindi naman siguro mangyayari sa akin yun no? Kase mabait akong bata. Yes, you read it right. Mabait akong bata.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon