Forty nine

236K 3.7K 433
                                    

2nd week of December. Saturday at huling klase ko na tapos bakasyon na for the holidays. May quiz kami ngayon sa English 2, tapos katabi ko yung pinakamatalino sa klase namin. Gahd, wala akong nireview dito! Napatingin ako doon sa papel nung katabi ko na nerd, ang dami niyang sinusulat, samantalang dito sa papel ko napaka-blanko. "Blaire, pakopya naman oh," bulong ko sa kanya sa pinakamahina kong boses.

Napatigin siya sa akin, doon sa mga mata niya na natatakpan ng makapal na salamin. "Ahh... ehh... a-ako..?"

"Um, may nakikita ka bang hindi ko nakikita?" napalingon-lingon ako sa paligid.

She shook her head. "Kase... first time mong makipag-usap sa akin eh..."

Nako, so magcha-chat lang kame dito? Baka mahuli pa kami ng prof neto eh. Hay, nevermind. Bahala na bumagsak. Mayaman naman kami kaya okay lang kahit 100x ko pang itake 'tong subject na ito.

Natapos na yung quiz kaya tumayo agad ako para ready to go home na. Kaso nung lumabas naman ako ng classroom papunta ng gate ng school, napansin kong nakasunod naman si Blaire sa akin. Nung tinignan ko siya, medyo kinalma ko pa ang sarili ko pero nainis na rin ako dahil ang stalker niya na ah!

"Ba't mo ako sinusundan ha?" tanong ko sa kanya at nasa may lobby na kame, malapit na sa gate.

Nahihiya pa siya. "Ahh.. ehh kase ang totoo niyan Tabby... umn..."

"Ano?" nakakairita na kase.

"I.... I l-like you!" medyo pasigaw pa yung pagsabi niya kaya napatingin lahat sa amin. Nagbulungan. Nako! Nakakahiya!!! Ang hirap talaga kapag mala-dyosa ang ganda mo tapos sexy ka pa tapos mabait ka pa tapos matalino ka pa tapos talented pa tapos mapapakanta ka na lang ng nese ye ne eng lehet tapo ang corny ko na tapos paulit-ulit na lang ako tapos finally nag-react na ako sa sinabi niya.

Tumaas ang kilay ko. "Ba't mo naman ako nagustuhan?" Kase naman, straight ako no.

"K-kase... ang t-taas ng self-confidence m-mo... ka-kahit na sobrang mataba k-ka... k-kaya nainspire ako sa'yo..."

Ewan ko ha, hindi ko alam kung matutuwa o masasapak ko 'tong nerd na ito eh. Kaylangan pang lagyan ng "mataba"?! Ano ba?!

Wala na lang akong masabi sa kanya. Hindi ko naman alam ang pwedeng ireply sa babaeng ito, kase sa totoo lang first time na may babaeng nagkagusto sa akin. Like duh! Ang ganda ko kase!

"Tabby!" nagulat ako nang may marinig akong napaka-pamilyar na boses. Napatingin ako sa may gate at nakitang palapit sa akin si Kei. Lahat ng girls pinagmamasdan siya. What the, ba't nandito yan? Ba't pinapasok yan ng school? Porke gwapo hindi na mukhang nanakawan 'tong school? Hay nakooo mga tao nga naman ngayon.

Nakalapit na siya sa akin sabay inakbayan ako pero tinanggal ko din yung kamay niya kahit na sa totoo lang kinikilig ako. Syempre dapat hindi pahalata no. "Ba't nandito ka ha?" tanong ko sa kanya ng pataray kahit na natutuwa ako na nandito siya at nasurprise ako. Pakipot ko no? Sorry, kinaganda ko 'yan! (At talagang maganda na ako at the first place)

"Niyaya ka ni Ate sa isang lunch. Tayong tatlo daw," sabi niya sa akin.

"What?! Then let's go!" sabi ko. Aalis na sana ako nang maalala ko si Blaire doon. Napatingin ako sa kanya. "Hey, baka nagkakamali ka dyan sa feelings mo. Baka gusto mo lang talagang maging katulad ko, na super sexy and pretty, kaya baka naco-confuse ka lang, Blaire." sabi ko sa kanya.

Mukhang napaisip siya at napatango. "Umm, m-may tanong lang ako... b-boyfriend mo ba s-siya...? Bagay kasi k-kayo...."

Bigla tuloy akong namula. What... The..... Hell......?! BAGAY DAW KAME?! Omg, napaka-honest naman ng nerd na ito!!!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon