Thirteen

303K 5K 1K
                                    

Shopping. Binilhan ko ng magagandang damit yung lalakeng iyon para naman kahit papaano ay bumagay siya sa mansyon ko. Nandito kami sa FH ngayon. Wala lang, gusto ko dito eh. Dito kasi ko igagastos yung mga BARYA ko eh.

Habang nagsusukat si Pulubs sa dressing room, may napansin akong mukhang maganda namang blouse doon. Mukhang babagay sa akin ito. Bagay sa complexion ko yung pale pink na color niya at pwede ko rin siyang iterno sa mga mamahalin kong leggings sa bahay. At saka yung style pwede niyang maitago yung focus sa tiyan ko kase mukha may designs siya sa may top part so dun magshi-shift yung attention kapag nakita yun ng ibang tao. Kukunin ko na sana but then some saleslady blocked my way.

"What?" tanong ko sa kanya na may mataray na tono sa boses ko.

"Eh miss, sa tingin ko po ay mas bagay sa inyo yung itim na sweater po doon, free size po yun Miss saka stretchable. Maganda na po iyon at since black nga siya, nakakapayat siyang tignan."

"Bakit ko naman bibilhin yun? Ano ako pupunta sa lamay? And besides, 'wag mo nga akong pinapangunahan dito! Baket fashion design major ka ba?"

Napailing siya. "Hindi po."

"Hindi naman pala eh. Umalis ka dyan at isusukat ko 'yan." umatras yung babae kaya naabot ko na yung blouse na nakahanger sa may racks. Pupunta na sana ako sa dressing room nang humirit pa yung babae.

"Miss, size XL po 'yan! Gusto niyo po ng double extra large?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Nilakihan ng mata. Napaurong siya. Inirapan ko nga at flip hair na pumasok sa loob ng dressing room. Tinignan ko yung blouse at paniguradong babagay sa akin 'to. Lahat naman bagay sa akin eh. And for sure perfect fit pa 'to, lalo na mukha pa naman akong pumapayat.

Sinuot ko na siya, I barely made it, pero nakaya ko! Okay! Sabi sa inyo XL lang talaga ako eh. No need to add 'extra' on the title of this story.

Napatitig ako sa salamin. What the heck is this?!

Mukha akong puputok na shawarma!! At saka kitang-kita ang mga bilbil ko dito at yung laki ng arms ko!!! Ewwwww!!! Hinubad ko yun agad at nilagay doon sa hanger tapos bumalik sa may saleslady.

"Bibilhin niyo po ba Miss? Or pa-add po ng size?"

"Hindi ko 'yan bibilhin. Ang panget kaya! Ang panget ng texture ng cloth, ang kati sa katawan! Saka mukhang madaling masira! My gosh. Bibili na nga lang ako sa Mango mamaya. Mas marami pang maganda doon."

"Arte mo naman miss." sabi niya nung binalik niya yung blouse na XL pero ang liit naman! Ano bang size extra large sa kanila dito? Yung kuko ko sa paa? Daheck! Padabog akong lumakad doon sa may dressing room na sinusukatan ni Pulubs. Ang tagal magbihis!! Kaya hinawi ko yung kurtina doon para naman madaliin siya.

"AY PANDESAL!" nasigaw ko nung nakita ko siya. Agad ko namang sinara ang kurtina at nandiri sa nakita ko.... or not. Akalain mo yun?! May abs pala ang loko! Pero pulubi lang siya diba? Nalilimos na rin ba ang muscles?

"Tapos na ako." sabi niya at finally lumabas na. "Okay naman lahat."

Napatingin ako doon sa lahat ng damit na sinukat niya. 'Medium' lang siya. Ano ba 'tong lalaking ito?! Mas mataba pa ang kuko ko sa paa at buhok ko sa kili-kili kaysa sa kanya!

Pumunta na ako doon sa may counter at babayaran na yung mga papamili. Nung ilalabas ko na yung cash ko eh biglang nagsalita yung babae sa counter with the ever high note voice. Trending ba 'yan?! "Ang sweet niyo naman ho sa anak niyo. Talagang pinagshopping niyo po."

Halatang pinipilit na ni pulubs ang sarili sa pagtawa. Natigilan ako at napatingin pa sa babaeng ito na nakangiti pa sa harapan ko.

"Ano? Pakiulit nga yung sinabi mo." sabi ko.

Nagflash pa talaga siya ng smile ahh! With labas teeth pa! "Ang sabi ko po, ang sweet niyo naman po Ma'am sa anak niyo at pinagshopping niyo ho ng mga damit."

Natawa naman ako. Sa pagtawa kong iyon, natigilan sa pagtawa ng mahina si pulubs at nawala naman ang ngiti nung babae. Bakit? Kase yung tawa ko, yun yung parang makakapatay ako ng tao! At mukha nga!

"Ahh. Sorry, nabibingi na kasi ako tulad mo eh." sabi ko at napatingin kay pulubs. "Anak, say hi to your lola."

"Hi lola," sabi naman ni Pulubs at nagmano pa sa babae. Nilapag ko na yung bayad ko at kinuha mula sa kanya yung paper bag.

"Keep the change. Pambili mo ng Pond's Anti-aging cream ha?" kinindatan ko siya at hinila na si pulubi palabas sa shop na iyon. Ako daw? Nanay na? Mukhang ito?

"Thank you Nay ah. Sa damit." sabi ni pulubi na nakangiti pa at natatawa na.

"Upakan kita dyan eh."

"Na-"

Bago niya pa natuloy, naupakan ko na siya.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon