Thirty

249K 3.9K 824
                                    

Umuwi na rin naman kami kaagad tapos nun, pero hindi pa rin kami nagkakausap. Tahimik lang siya eh. Waysus. Hindi ko naman siya maitindihan, ba't ayaw niya dun sa modelong yun? Maganda naman yun ah. Pero mas maganda ako.

Papasok na sana ako ng kwarto nang naisipan kong tumuloy dun sa kwarto niya. Wala lang. Ewan ko ba, pero kase... parang ayoko na ganito. Na sobrang tahimik niya at kung anu-anong iniisip niya pa. Wala naman sa aken kung siya si Kevin Dela Vega eh.

"Pwede ba akong pumasok?" tanong ko pagkakatok.

"Ge lang." Nung sinabi niya yung binuksan ko yung pinto at naabutan ko siya dun sa balcony, nakatingin lang sa stars. Nilapitan ko siya at tumayo sa may tabi niya.

"Gusto mo bang itulak na lang kita dito para matapos na lang ang paghihirap mo?" tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ako, yung expression niya ganito oh ----> -_____- yung naniningkit ang mga mata sa inis. "Ikaw, gusto mo bang batukan kita ulit?"

"Sobra ka na makabatok no! Saka sinusuggest ko lang naman yun para at least diba, kapag wala ka na sa mundong ito matatakasan mo na yung mga problema. Yung mga bumabagabag sa'yo dyan. Kase naman, ang drama mo masyado. Nakakawala kaya sa mood."

"Ikaw yung mukha mo nakakawala ng mood. Saka, pag nawala na ako sa mundo, baka mamiss mo lang ako no."

"Oo nga-" nagulat ako sa sinabi ko. "I mean no way noh!" nakita ko yung mukha niya na mukhang nagulat at what the hell, namumula ba siya?! I could feel myself burning too. Lalabas na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Dug dug dug dug- ang bilis ng tibok ng puso ko.

Sobrang lapit niya sa akin. Nagkakatitigan lang kame. Hawak niya pa rin yung kamay ko at ako naman nakatingala lang sa kanya. May mga paru-parong gutom sa tyan ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Tabby, in love ka na sakin no?"

Biglang kumulo yung dugo ko. Sa inis, tinulak ko siya palayo tapos padabog akong lumabas ng kwarto. Aysus. Ako daw in love sa kanya, pwede ba yun? Eh isa lang naman ang gusto ko no.... Gusto ko no.... Gusto ko.... Gusto....

Diba gusto ko naman si Rowell? Kaya nga naiinis ako kay Daphne diba?

Biglang nag-vibrate yung cell ko. Pagkatingin ko, si Daphne.

Ano na namang kaylangan ng bruhang 'to?

"Oh hello?"

"Tabby. Nasa emergency ulit si Rowell. Bigla kaseng may nangyari. Bahala ka, pag hindi ka pumunta dito.... Oops, gotta go."

Binaba niya na. Ano kaya yun. Mamaya nagsisinungaling lang 'tong bruha na ito eh. Pero... Si Rowell. Nagbihis ako kaagad at lumabas ng kwarto. Bababa na ako ng stairs nang marinig ko yung pangalan ko na tinatawag ni Kei.

"Tabby san ka pupunta?"

"Nasa emergency si Rowell. Kaylangan kong pumunta ng emergency."

"Sama ako."

Umiling ako. "Wag na. Dito ka na lang." sabi ko at bumaba na ng hagdan. Sumakay ako ng kotse at sa gulat ko, sumakay rin ng kotse si Kei. Bakit ba gustong sumama neto?! May gusto siguro ito kay Rowell?

Pinagbigyan ko na lang siya at nagdrive kami papuntang ospital. Nakita ko yung bruhilda sa may lobby, nagpapalamig. Di ko na lang pinansin kase baka sa morgue pa siya dumiretso pag ininis niya ako. Gusto kong makita si Rowell. Gusto ko siyang makita pero hindi naman kami papapasukin sa loob.

"Paano yan? Hindi tayo papapasukin neto eh," sabi ko. Nasa may lobby kami medyo malayo sa bruhilda.

"May naisip na akong idea." sabi ni Kei. Inakbayan niya ako at hinila ako papunta doon sa may mga counters. Ano bang pinaplano neto?!

"Nurse! Nurse! Emergency po, manganganak na ang girlfriend ko," tumingin sa akin si Kei. Tingnan ko siya na confused pa. Anong pinagsasabi neto?! Ako manganganak! As if namang maniwala 'tong mga nurse na ito no! At girlfriend siya dyan!

"Oo nga, ang laki na nga ho ng tyan!" sabi nung nurse tapos nagpatawag ng mga kapwa nurse para mag-assist.

Eh gaga pala yun eh!

"Magpanggap ka lang na manganganak ka na Tabby, tapos pag nakapasok ka na sa loob tumakas ka. Puntahan mo yung kumag na Rowell na yun."

"Oo, pagkatapos neto lago ka saking Kei ka, ginawa mo pa akong buntis walang hiya ka. Pati yung mga nurse na iyon putang ina naniwala pa at sinabi pang ang laki tyan ko. Gago. Hayop."

Nginitian niya ako. "Wag kang mahigh blood dyan, nakakasama yan sa panganganak mo."

"Patay ka talaga sakin Kei ah. Pero thank you na rin." nilagay na ako sa isang kama na yung nagagalaw ewan ko ba tawag dun tapos pinasok sa emergency room. Tapos umalis lang saglit yung nurses.

Pagkakataon ko na.

Umalis ako doon at hinanap kung nasaan si Rowell. Inisa-isa ko yung mga beds doon hanggang sa nakita ko na siya. Natutulog siya. Nilapitan ko naman siya pero ayoko siyang magising kaya instead kiniss ko siya sa pisngi.

"Pagaling ka ahh, Kuya Rowell." bulong ko at pinunasan yung luha ko sa pisngi. Tapos umalis na ako kaagad doon.

Nung oras na iyon... hindi ko alam pero nakasiguro na ako. Sigurado na ako na hindi ko nga siya gusto.... na sa halip kanina nakaramdam ako ng takot na baka mawalan na ako ng kuya-kuyahan. Ang weird....

Nakita ako ni Kei na lumabas agad at nagulat naman siya. "Anong nangyare? Ba't lumabas ka agad? Hindi na ba sila naniwala sa'yo?"

Wala akong imik. Ewan ko ba....

"Hindi sila naniwala sa akin. Sa sexy kong ito? Duh!" binigyan ko siya ng ngiti at hinila na siya palabas ng ospital.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon