Sixty four

210K 3.2K 595
                                    

Sumakay kami ni Kei sa MRT. Actually, first time kong sumakay nga dito eh. At wow! Ang daming tao. Sobrang sikip maygulay! Feeling ko nga mall 'to na umaandar eh.

Tapos nakatayo pa kame. Wala na kasing upuan. Ang galing lang eh. Ganito ba talaga dito? Ang hirap pa makisingit sa pagdaan dahil nga sobrang daming tao. Ewan ko ba dito kay Kei bakit pa kami sumakay dito.

Nakahanap na siya na pwesto, yung medyo maluwang naman ng onte. Nakatayo siya doon at sinabit yung kamay niya sa parang handle chuchu na yun. Basta alam niyo na yung tinutukoy ko, yung hinahawakan sa MRT! Yun nga mismo. Kaylangan naman ata talagang hawakan iyon para hindi ko malaglag pag umandar na eh.

So ginaya ko siya.... ang difference nga lang hindi ko abot. Nag-tiptoe na nga ako para maabot ko, pero wala eh. Ang liit ko pala talaga. Nakakaasar! Bakit kase ang taas neto?!

Si Kei naman doon pinipigilan yung pagtawa. Nakakainis din 'tong lalakeng ito eh. Nako lang talaga! Hay. Sinipa ko nga sa hita. Ayun, napaaray sa sakit tapos tinignan pa kami ng mga tao dahil sa kanya.

"Yan ang bagay sa'yo. Tinatawanan mo pa ako ah." sabi ko at nagcrossed arms. Tapos biglang sumara na lahat nung pinto. Aandar na ata. Pinilit ko ulit abutin pero hindi ko talaga abot.

"Hay nako, pandak kase eh." sabi niya tapos hinawakan yung handle chuchu na sa harap ko. "Yan, yung braso ko na lang hawakan mo."

Edi hinawakan ko na lang dahil abot ko na rin naman yung braso niyang may biceps pero eww pa rin ah. Nakakaasar siya. Napa-pout na lang ako at hindi na nakaangal pa kahit wow ah, ang caring grabe. Ugh. Medyo mabilis lang naman yung biyahe thank God at nung nakalabas na kami doon, nakahinga na ako ng maluwag. I'm freee!!!!

Naglakad na kami ni Kei, sumakay ng jeep papuntang theme park. Nung nakarating na kami, nakita ko agad sila Allison at Greg na magkahawak pa ng mga kamay sa gate. Edi nainggit ako malamang. Ako pa. Hinawakan ko rin yung kamay ni Kei.

"Oy, nanantsing ka ah." sabi niya. Loko talaga eh, kaya ayun kinurot ko nga.

Naglakad kami palapit kina Allison.

"Friend!!!" sigaw naman agad ni Allison. Bakit ba ganito makasigaw 'tong babaeng ito? Eh kakakita lang naman namin kahapon? "Yey! Ang saya ko dahil magkaka-double date tayo."

Humirit naman si Kei. "Oo, double nga yung date ko eh." turo niya pa sa akin.

Siniko ko nga siya at hindi pinansin yung pag-aray niya. "Sakto nga yung timing mo, paano ba naman kase, biglang dumating sila Mama kanina. Kaya buti na lang niyaya mo ako at maitatago ko pa si Kei."

"Ha? Umuwi sila tita? Bakit naman biglaan?"

"Ewan ko nga rin eh." sabi ko sa kanya. "Oh siya, pumasok na tayo at mukhang maraming tao oh. Bilis!!!" Pinaghihila ko na sila sa loob. Natatawa na lang sila, sabi pa ni Greg mukha daw akong bata, masyadong excited. Ayun, kinurot ko. Tapos nagkausap pa sila ni Kei na ang violente ko daw masyado. Nako talaga eh mga epal kase sila.

Ewan ko nga rin ba, pero excited ako. Theme parks excite me, lalo na yung mga matataas na rides na nagbibigay sa akin ng adrenaline rush. Astig kaya! Hindi kasi ako takot sa heights, kaya ayun. Sisiw lang yung mga takot diyan. So ayun, bumili na kami ng ticket, yung ride all you can. Syempre para masakyan ko lahat ano.

"Anong uunahin natin?" tanong ni Greg.

Sumagot naman ako. "Viking! Viking! Masaya yun, lalo na kapag sa pinakadulo tayo nakaupo! Bilisan niyo medyo konti pa lang yung pila oh! Bilisssss!!!!" sabi ko. Natatawa na naman sila Allison at Greg. Pero napansin ko si Kei parang kakaiba ata ah. Tinignan ko siya. "Hoy. Nanahimik ka dyan?"

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon