Sixteen

287K 5.7K 1.2K
                                    

Dahil wala pa akong maisip na idea for the next chapter, POV muna tayo ni Kei ngayon. Hehehe. Once lang 'to or twice o thrice... pero basta! Don't forget to comment and vote nga pala. Ang silent reader idadagdag ko sa bilbil ni Tabby! Mwahahahaha >:)))))

------

Kei's POV

Naiirita talaga ako kapag nakikita ko yang babaeng iyan. Naiirita kase para bang may kakaiba akong nararamdamang saya kapag nakikita ko siya. Naiirita kase nagiging corny ako dahil sa kanya. Naiirita kase bukambibig niya yung baklang Rowell na yun.

Kesyo magpapapayat daw siya para sa lalakeng yun. Ba't niya pa kaylangang magpapapayat? Halata naman sa kanya na ayaw niya at tamad na tamad niya. Halata naman sa kanya na gustong-gusto niyang kumain. Halata naman sa kanya na yang iniisip niya na sa oras na pumayat siya eh magugustuhan daw siya nung lalake at happy ending pa sila.

Aysus kalokohan.

Hindi ko talaga maitindihan ang mga babae...... kaya nga. Di bale na nga, may naalala lang ako. Pero huwg na nating pag-usapan yon kasi climax pa yun ng istoryang ito. Ayun nga, maganda naman siya eh. Totoo, maganda siya. Mas maganda pa siya kesa sa best friend niya, kesa dun sa karibal niya.

Maganda siya kahit XL siya.

Tapos ngayon nagkaaway pa kame. Hindi ko naman sinasadyang masabihan siya ng ganun eh! Akala ko naman kase hindi maapektuhan. Pero hinde eh. Tao pa rin pala yung babaeng iyon. May feelings pa rin pala siya kahit mukha siyang pusong bato.

At eto naman ako, naiwan na natameme na mag balat ng saging sa ulo.

Ewan ko ba. Nakakainis kase ang liit na bagay lang yun kung makapag-react siya. O naiinis din naman ako sa sarili ko kase ang insensitive ko eh.

"Sarap ho ng luto niyo," sabi ko kay Nay Erma at tinulungan siyang maghugas ng mga pinggan. Kakaunti lang naman iyon.

"Parang nag-away ata kayo ni Tabby ah?" natanong ni Nay Erma.

"Nay Erma, tanda na tsismosa pa." sabi ko at nangiti na lang. "Pero oo po. May nasabi lang akong nakakasakit ng damdamin. Kala ko ho kase hindi naman siya masasaktan dun."

Natawa naman si Nay Erma. "Haynaku hijo, hindi lang halata pero napaka-sensitibo talaga ni Tabby. Bata palang yan eh madali na yang masaktan. Pero hindi mo naman din siya masisisi, mag-isa lang kase siya pareho sa iskul at dito sa bahay. Wala siyang taong makakapitan at malalapitan. Walang taong magpapagaan ng loob niya at aalisin yung pagiging negatibo niya. Kaya nga nagulat na lang ako na bigla, isang araw, taas-noo siyang nagsabi na maganda siya at ipapakita niya daw iyon sa iba. Nakakabilib na bata diba?"

Si Nay Erma talaga. Nagkadialogue lang kinareer na. Talagang hinabaan pa. Pero oo, tama nga naman siya. Nakakabilib nga ang babaeng yon.

Kaya nga pati ako tuloy naniwala na maganda nga siya. Pareho sa loob at labas. Kaylangan kong mag-sorry. Binuksan ko yung ref at may nakitang chocolate cake. Paborito niya 'to. Panigurado di na ako matitiis nun. Kapag hindi niya ako pinatawad, edi ako kakaen ng chocolate cake.

Umakyat na ako.

"Tababoy... ay este Tabby... sorry na. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ka ng ganun. Sorry. Please?" inabot ko sa kanya yung cake. Tinignan niya lang ako at yung cake kahit na mukhang takam na takam na siya at nagugutom na.

"Pilitin mo muna akong sincere ka dyan sa sorry mo."

Nag-pakipot pa.

Lumuhod ako. Napangiti naman siya. Tinaas ko pa yung chocolate cake na para bang nagpo-propose ako sa kanya. Yung ganun. "Oh my majesty, ang sexy mo talaga at ikaw ang pinaka magandang nilalang na nakilala ko sa balat ng lupa. Pero dahil walang balat ang lupa, hindi ikaw ang pinaka maganda. Pero joke lang, baka hindi mo pa ko patawarin."

Hinablot niya sa akin yung cake. "Hay nako, tumayo ka na nga lang dyan. Oo na. Papatawarin na kita kahit nakakainis kang pulubi ka."

Hindi ko alam pero napatayo ako sa saya at...

nayakap ko pa siya.

"Yehey! Buti naman pinatawad mo na ako. Sorry na ahh," sabi ko. Hindi ko alam pero parang gusto ko lang siya yakapin. Ayoko siyang bitawan kahit alam kong nagtataka siya bakit ko siya niyayakap.

"Oo na, okay okay. Bitawan mo na ako please? Kakainin ko pa 'tong cake."

Napabitaw ako sa kanya at napakamot ng ulo sa hiya. "Ay sorry."

Nginitian niya na lang ako. "Sige. Salamat Kei ah." tapos sinara na yung pintuan.

Tinawag niya ko sa pangalan ko. Hindi 'pulubs', 'unggoy', 'panget' o ano pa man. Talagang Kei. Masarap pala pakiramdam kapag nanggaling pa mismo sa kanya yung pangalan ko. Parang umulit-ulit sa utak ko yung boses niya na tinatawag ang pangalan ko.

Tapos tumitibok na naman ang puso ko.

At heto na naman ako, paulit-ulit na nahuhulog sa babaeng kaylanman hindi malalaman na nageexist ako kundi pa ako naging "pulubi".

Tabby.... Oo, siya talaga ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon