Fifty nine

203K 3.3K 595
                                    

Nakaramdam ata yung pulubs na iyon kaya dumiretso na si Kei sa kwarto niya. Naiwan ako kasama si Kuya Rowell dito sa salas.

"Kuya Rowell, anong gusto mo? Softdrinks? Juice? Kape? Milk tea? Black tea? Red wine? Beer? Alcohol? Betadine? Ihi? Kahit anong inumin meron kami dito."

For the first time since nung nakapasok kami dito, he laughed. "Tabby talaga. Haha, I'm glad dito ako nagpunta. I knew you won't fail to make me laugh."

"Kuya Rowell, pwedeng Tagalog?"

He laughed again. Tapos pinat yung ulo ko. Naalala ko tuloy dati, yung crush na crush ko siya, kinikilig ako sa tuwing ginagawa niya yan. Pero ngayon parang wala na lang. Parang Kuya na lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"Daphne and I broke up, because I found out that she was cheating on me." sabi ni Kuya Rowell. Gusto ko sanang sabihin na 'Nako ngayon mo lang nalaman Kuya Rowell, eh ang tagal na kaya', pero alam ko naman na hindi makakatulong yun sa sitwasyon. Kahit naman ganito ako kamaldita, marunong din naman akong maging sensitibo sa paligid ko no.

Nagpatuloy siya. "Mahal ko si Daphne. Simula palang nung mga high school pa lang kami... kami nila Austin." he sighed. "Kaya nga nung naging sila ni Austin, nasaktan ako. Nasaktan ako kase siya ang pinili ni Daphne at hindi ako."

Ngayon ko lang nakita si Kuya Rowell na ganito kaseryoso. Madalas kase, lagi siyang kalmado. Pero ngayon... he's crying. Tumutulo ng tumutulo ang mga luha niya at nangangatog ang kanyang mga tuhod. Feeling ko nga baka mamaya mapatay niya na ako dito eh. Wag naman po sana, bata pa ako at marami pa akong kamalditahang iispread sa iba.

Tumingin siya sa akin na malungkot ang mga mata. "Saka Tabby... you know what.... nung namatay si Austin, I'm sorry... but it actually made me feel.... happy."

Wala akong sinabe. Matalik na magkaibigan sila ni Kuya Austin, matagal na simula pa lang nung high school. Magkasama sa lahat ng bagay. Tapos dahil sa Daphne na iyon, doon, doon nasira ang friendship nila.

"Naiitindihan kita." sabi ko sa kanya. Totoo naman yung sinabi ko. Kahit din naman ako siguro, kapag namatay ang karibal ko may part talaga na matutuwa ako.

"Sorry talaga Tabby. Sorry na ang gago ko," ito rin yung unang beses na narinig ko si Kuya Rowell na magmura. Ang weird pala. "Dahil lang sa isang babae, nawala ko tuloy ang pinakamatalik kong kaibigan."

Umiiyak na siya. Inalo ko na lang siya para kahit papano macomfort ko siya. Hindi naman kase ako magaling sa pag-aadvice except kung tungkol sa pakikipag-malditahan ang topic eh. Umabot ng mga 2 minutes tapos natigil na siya sa pag-iyak.

"Alam mo Kuya Rowell..." sinimulan ko. "Kung nasan man si Kuya, sigurado namang mapapatawad ka pa rin nya eh. Si Kuya pa. Best friends kayo diba?"

He nodded and smiled. Tapos natahimik. "Alam mo Tabby, sana ikaw na lang ano?"

Bigla naman akong namula. Hoy! Hindi sa kinikilig ako ah! Pero kase naman si Kuya Rowell nangbibigla! Kung anu-anong sinasabi. "Kuya Rowell, adik ka!" sabi ko sa kanya at tinakpan yung namumula kong mukha.

Tumawa siya. "Joke lang naman. Pero alam mo kung nasan man si Austin, siguradong proud na proud sa'yo yun. Nakakatuwa na naging isang malakas at matatag na tao ka, Tabby. Isang babaeng marunong tumayo sa kanyang paniniwala at paninindigan ang kanyang mga sinasabi."

"Ay? Panatang Makabayan ba 'to kuya?" tanong ko. Natawa na lang kame. Masaya ako, kase kahit papaano parang nagkaron ulit ako ng kuya. Parang bumalik si Kuya Austin, parang nandito siya... nagmamasid.... NGEE. Joke lang, mamaya multuhin ako eh.

He smiled at me. Tapos ginulo na naman ni Kuya Rowell yung buhok ko. "Mamimiss kita nyan eh, Tabby." sabi niya.

"Huh? What do you mean?" I asked him.

"Aalis ako ng bansa. Magma-migrate na ako sa Canada for good," he said.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Eh? Biglaan naman?"

He smiled again. "Kaylangan Tabby eh. Wala na rin kaseng kasama si Mama sa Canada, kaya doon na lang ako. Siguro tamang-tama din yung timing, lalo na't heartbroken ako. Tabby, pasayahin mo naman ako oh."

Namula na naman ako. "Kuya Rowell! Hala ka! Anyare sa'yo?!" Hindi ako sanay na ganito siya, na parang nang-aasar na ewan.

"Haha, ang cute mo pala Tabby no. Bakit ngayon ko lang narealize yun?"

"Oo nga eh, kung kelan naman hindi na kita gusto."

"Edi ibalik ko yung feelings mo."

HALA SYAAAA. Anyare yung totoo lang? Ganito ba ma-brokenhearted si Kuya Rowell? Grabe pala no. Ang lakas pala ng tama nung Daphne na impaktita na yun.

"Hoy, hoy, ano 'to?" nagulat naman ako at biglang nasa likuran na namin si Kei, naniningkit yung mga mata. "Kinakaliwa mo ako Tabby ah."

Natawa naman si Kuya Rowell. "Sorry Kei, but you got yourself a rival."

"Hoy, 'wag mo kong ma-Ingles Ingles dyan ah, basta sakin si Tabby. Porke single ka aagawin mo ang pagmamay-ari ng iba. Wag ganun uy." umupo pa si Kei sa gitna namin ni Kuya Rowell kaya napausog tuloy ako. Bigla naman akong niyakap ni Kei sa may braso kong payat. Oo, payat yan hindi yan typo leche. "Diba ako ang love mo Tabby?" nagpapa-cute pa siya na parang bata na may yakap lang na maganda at mala-diyosang teddy bear eh.

Bumitaw ako sa kanya. "Oy, hindi naman tayo ah. Kaya may chance si Kuya Rowell."

Nagtawanan kami ni Kuya Rowell at nag-apir. Si Kei naman naniningkit na naman yung mga mata tapos napakamot ng ulo sa inis. Nangingiti ako, kase ang cute niya talagang mainis at magselos. Nagkwentuhan lang kami konti ni Kuya Rowell tapos nagpaalam na rin siya dahil sa kaylangan niya pang asikasuhin yung documents niya para sa pag-alis niya ng bansa.

"Ingat ka Kuya Rowell ah," sabi ko sa kanya.

"Oo, mag-ingat ka. Mamaya makita mo na lang ako sa harap ng bahay mo, kasama si Kamatayan..... joke lang! Hahahaha! Nakakatawa yung joke ko!" mag-isa lang tumatawa si Kei dun, tapos tinignan lang namin siya ni Kuya Rowell. Humina yung pagtawa niya hanggang sa tumigil siya. "Sabi ko nga mauna na ako sa loob ng bahay."

Pumasok na si Kei sa loob at naiwan kami ni Kuya Rowell sa labas ng gate.

Napangiti ako. "Pasensya ka na dun Kuya Rowell ah. Makulit talaga yun, tapos ang corny corny pa."

Binalik niya yung ngiti. "Haha, nakakatuwa nga siya. Masaya ako para sa'yo, Tabby. Dahil mukha namang seryoso siya sa'yo."

"Ay talaga? Nako, haha." yun na lang ang nasabi ko.

Ginulo niya ulit yung buhok ko. Nakangiti pa rin kami sa isa't isa. Tapos, bigla naman ba niyang hinalikan ang noo ko. Ang bagal nga nun eh. Tapos nung bumitaw na siya, kinurot niya ako sa pisngi.

"Ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo, kaya ang swerte ni Kei sa'yo." sabi niya. "Sige, mauna na ako."

Tinaas ko lang yung kamay ko para mag-bye. Hindi na ako nakapagsalita. Grabe no, ewan ko, pero medyo kinikilig ako. Ang gwapo kase ni Kuya Rowell, mas lalo nga siyang gumwapo ngayong break na sila ni Daphne eh.

Pumasok na ako sa loob, pero nandun naman si Kei na nakaharang sa pinto.

"Ba't ka nakangiti dyan ah?" tanong niya sa akin.

Hindi ko nga alam na nakangiti ako, pero nung nakita ko yung repleksyon ko sa glass door, nakangiti nga ako.

"Wala lang yun, haha." sabi ko na lang. "Halika na, nagugutom na ako."

Papasok na sana ako sa loob pero bigla ba naman akong hinila ni Kei. Ang lapit nga ng mukha niya sa akin, naka-bend kase siya para eye to eye level kami. Sobrang lapit ng mukha niya na halos magkakapalit na ata kami ng mukha eh.

Lumapit pa siya ng kaunti. Pinikit ko yung mga mata ko at hinanda yung sarili ko.

Tapos naramdaman ko na lang yung kamay niya na parang pinupunas yung noo ko.

Lumayo na siya sa akin at napadilat na ako. Nakangiti na siya, yung ngiti niya na naman na nakakatunaw.

"Ganda mo talaga." sabi niya tapos nauna na sa loob.

Ako naman napatayo lang doon, hinawakan yung noo ko. Anong meron? May dumi ba noo ko? Nako, ang weird talaga ng Kei na yun kahit kelan.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon