Twenty eight

249K 3.8K 169
                                    

"Tabby?"

Pagmulat ko ng aking mga mata, agad na naramdaman ko yung sakit ng ulo ko. Alas tres na kasi ako nakatulog dahil sa pag-aalala kay Rowell. Buong gabi pinagmasdan ko lang siya kase gusto ko siyang makausap.

Gising na siya ngayon. Nakangiti siya sa akin at nangiti din naman ako.

"Rowell! Buti naman at gising ka na!" sabi ko sa kanya.

"Ba't nandito ka Tabby? N-nasan si Daphne?" tanong niya naman. Ouch ah. Nandito na nga yung magandang babae sa harapan niya, yung mukhang paa pa rin na yun ang hinahanap niya. Hanep ang kalandian powers din nung babaeng iyon eh! Nako. Kundi ko lang gusto 'tong lalakeng ito kanina ko pa siya nasampal para magising siya sa katotohanan.

'Eh ikaw? Ayaw mong magising sa katotohanan?'

Shut the hell up, conscience!

"Ahh si Daphne ba... uh, umuwi lang siya saglit. Baka kase mag-alala parents niya. Pero babalik din naman daw siya. Kaya nga nandito ako kase pinaubaya ka niya sa akin. Kapag sakaling nagising ka daw, pasabi ko na lang sa'yo na babalik din naman siya."

"Ganun ba... sige. Salamat Tabby ah."

Nangiti ako sa kanya. "Ano ba kasing nangyari ahh Rowell? Pinag-alala mo ako ng sobra eh."

Binalik niya yung ngiti na iyon sa akin. Nakakapagtaka talaga... wala pa ring tibok 'tong puso ko. Hindi kaya pusong bato na talaga ako?! "Kase... nabangga ako sa isang puno. Hindi ko alam eh, pero may nakita kasi akong bata tapos umiwas ako kaya ayun."

"Ganun ba... at least hindi ka naman napuruhan. Akala ko kase.."

Pinat niya yung ulo ko. "Ikaw talaga. Ano ka ba. Wala 'to."

Biglang bumukas yung pinto. Akala ko si Kei kase wala na siya dun sa sofa, pero yun pala si kamatayan sinusundo na si Rowell. I mean si Daphne pala. Sorry, hindi kasi nagkakalayo eh.

"I'm back!" sabi niya sa high pitched voice niya. "Inalagaan mo ba ng mabuti si babe, ha, Tabby? Babe, grabe you made me worry. Eto, nagdala ako ng fruits for you." nilagay niya yung plastic sa isang table at siyang plastic naman ay umupo sa may kama sa may baywang ni Rowell. And what, hinalikan niya pa talaga si Rowell sa harapan ko! Eww I feel so bad for my Rowell!

"Ayos lang ako babe. Glad you're here." sabi ni Rowell. Wow, nung ako nandito walang 'glad you're here'? Hmph. Tapos kong magpuyat para sa kanya. Kainis ah. Naguusap pa sila doon kaya OP tuloy ako. Asan ba kasi si Kei?

Napansin kong may kumot palang nakabalot sa akin. Teka, wala naman 'to kagabi ah? Tumayo na lang ako at inayos yung blanket. Natigilan si Rowell nung nakita niyang palabas na ako. "Aalis ka na Tabby?" he asked. HINDI BA HALATA EH NAHIYA NAMAN AKO SA INYO DITO PA KAYO NAGKALANDIAN EH.

"Yep. Nandito na rin naman si Daphne eh." at sana siya na sumunod sa'yo.

"Oh, thank you nga pala Tabby ah." sabi ni Daphne na hinahawakan pa ang kamay ni Rowell. Aysus landi mo. Sarap mong ihalo sa fried rice.

"You're most welcome, ATE Daphne." binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at tuluyan ng lumabas ng room. Napakagaling niya talagang umarte! Akala mo napaka-caring girlfriend! Nakakaasar na talaga ah. Kung wala lang si Rowell dun baka kung ano ng nagawa ko sa tsimay na diablet na yun.

Naglalakad lang ako sa may hallway nang biglang sumulpot si Kei sa harapan ko. Nakakagulat naman oh. Yung parang sa mga horror movies kase, ganun yung eksena eh.

"Bakit mo pinagtakpan yung babaeng iyon?" tanong niya sa akin at lumapit siya. Napa-cross arms na lang ako.

"Wala ka na dun." sabi ko na lang at nagpatuloy sa paglakad. Narinig niya pa pala yun ah. Actually hindi ko rin alam kung bakit nagsinungaling pa ako kay Rowell at hindi ko pa binunyag yung katotohanan sa ugali ng babaeng iyon. Siguro kasi alam kong hindi din naman ako paniniwalaan ni Rowell. Wala eh, talo ng malandi ang maganda.

Syempre ako yung maganda at si Daphne yung malandi. At kahit talo ako ngayon, for sure ako pa rin ang winner sa ending. Duh! Ako kayang bida dito.

Nasa tabi ko na si Kei sa paglalakad at nakangiti siya ng malaki sa akin. Mukhang baliw nga lang eh. Tinignan ko siya. "Anong problema mo at kung makangiti ka ng ganyan ah?"

Tumigil kami sa paglalakad. Humarap siya sa akin at hinawakan yung magkabilaan kong pisngi at pinisil-pisil ito. "Wala, kase akalain mo yun? May kabaitan ka pa pala." tapos nauna na siya sa akin.

Ang weird... kase gumagawa ng kakaibang ingay yung puso ko. Napaka-weird talaga. Hindi kaya.... Hindi kaya nagugutom na talaga ako? Kaylangan ko ng kumaen at baka magka-heart attack pa ako.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon