Forty six

235K 3.6K 513
                                    

"Ano?! Ha? Tabby nagde-date pala kayo ni Greg... ba't hindi ko sinabi sa akin? Best friends tayo diba?" tanong ni Allison. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na siya nga dyan hindi rin sinasabi sa akin na nagkakamabutihan na pala sila ni Kei. Pero 'wag na lang, baka mahalata pa yung feelings ko.

"Syempre secret muna yun, diba, Tabby?" ngumingiti pa si Greg sa akin na parang nangba-blackmail pa at napasulyap kay Kei. Nako, swear, ang sarap hugutin ng mata nito! Ang tanga mo kase Tabby! Shunga! Maganda ka! Pero shunga!!!

"Ahh ehh.... y-yeah..?" nasabi ko na lang at bumitaw sa kamay ni Greg. Mamaya nga bibili ako ng hand sanitizer, promise.

At aba! Mukha pang kinikilig 'tong si Allison. "OMG! Grabe, napaka-unexpected naman. Akalain mo yun, yung first love mo at first heartbreak, ngayon first boyfriend mo na!!! Kakilig!"

KIKILIGIN KAYA 'TO PAG HINALIKAN KO BIGLA SI KEI?

Napatingin ako kay Kei. Weird, tahimik lang siya. Nakatitig lang siya sa akin, umiiwas naman ako sa tingin niya. Ano kayang iniisip ng pulubs na ito? Teka... don't tell me.... don't tell me nagseselos siya?! Oh my gee sabi na eh! He's definitely jealous! Mat silbi din pala ang pesteng Greg na 'to.

Hinawakan ko ulit yung kamay ni Greg at tinaas pa, yung as in sa harap ni Kei. "Oo nga eh, grabe dream come true no? I mean we're so sweet to each other nga eh! Hahaha!!!" dodoblehin ko yung sanitizer, dadagdagan ko pa ng mouthwash dahil feeling ko may mga germs sa mga sinasabi ko ngayon.

May nararamdaman akong kakaibang aura kay Kei. Kahit nga si Allison napansin yun, napatingin kaming tatlo sa kanya. Nayuko siya, tapos nung umangat yung ulo niya, humagalpak siya sa tawa. What the eff?

"HAHAHA!!! Nakakatawa naman!!! Akalain mo 'yun may papatol pa sa'yo Tabby?! HAHAHA!!! Eh mas payat pa nga sa'yo yang boyfriend mo!!!! HAHAHA!!!" Halos lahat ng tao sa arcade nakatingin na sa kanya, ang lakas ba naman ng pagtawa. "Tamang-tama, double date oh. Ay, Tabby, hindi ko ibig-sabihin doon na 'double' as in ikaw ah, ang ibig-sabihin ko apat kasi tayo, kaya double date."

Binitawan ko yung kamay ni Greg at lumipat yung kamay ko sa ulo niya, pinektusan ko nga. Buti na lang mataas akong tumalon at naabot ko pa siya. Nakakainis talaga! Nakakainis!!

"Ang panget panget mo!!!!!!" sabi ko sa kanya sabay hinila si Greg palabas. Talagang naiinis na ako sa Kei na iyon ah. Ano bang nagustuhan ko doon sa lalaking iyon? Eh... eh napaka-annoying niya, mukha pa siyang unggoy! Saka hindi kami compatible. Baboy + Unggoy? Ano 'yun?! Ayoko sa kanya. Ang sama ng ugali niya. Mas masama pa siya saken.

"Bakit ka umiiyak Tabby?" nagulat ako sa tanong na iyon ni Greg. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko at basa ito. Shet. Umiyak pa ako sa harap ni Greg. Kaasar. Dapat talaga nandun na lang ako sa bahay, sana hindi ko na sila sinundan.

Pinunasan ko yung luha ko. "Hindi ako naiiyak, laway ko lang 'to, umapaw na. Nagugutom na ako. Halika, samahan mo ko kumain kung ayaw mong maging bulalo."

Sinamahan niya ako sa Wendy's. Ako na 'yung umorder, nakakahiya naman sa kanya eh. Libre ko na din. Kapal ng mukha no.

Umupo na kami sa table at kumain na. Kumain ako nang kumain.

"Tabby, kamusta ka na nga-"

Tinignan ko siya ng masama habang kumakagat sa burger ko. Ayokong makipag-usap sa kanya. Sobrang bad mood ako ngayon, hindi ko rin alam kung bakit. Baka magkakaroon na ako. Ewan. Napaka-panget ng araw na ito.

"Oh my gosh, is that you Tabby?"

Speaking of panget. Nakakarindi talaga yung napaka-high note ng boses niya. Parang pinipipit na ipis. Kaasar. May mas ikakapanget pa pala ang araw na ito. Pero at least may mabubuhusan ako ng galit.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon