Fifteen

315K 5K 1.2K
                                    

Kung gaano kadali kumaen ng marami, ganun naman kahirap magpapayat. Dalawang linggo na rin akong nag-eexercise at nagdi-diet pero wala namang nagbabago eh! Nako. Love na love ba ako ng fats ko at ayaw nila akong lisanin?

Kung sana kada like mo sa facebook eh isang pound din ang mababawas sa 'yo. Pero hindi eh.

Kung sana fats na lang ang sinisipsip ng mga lamok at hindi dugo, magpapalagay pa ako ng mosquito garden dito eh. Pero hindi eh.

Kung sana nakakapayat na lang ang mga chips, sweets, sodas, pork, at rice. Pero hindi eh.

Bakit ba ganito?! Kulang pa ba ang ginagawa kong pagpapayat! My goodness! Paano ako papayat nito? Paano ko na lang maaagaw si Rowell mula sa bruhildang iyon?! Dapat magkakaroon ako ng isang huge make-over at papayat ako... then, magkakagusto sa akin si Rowell and mawawala sa landas ko yung Daphne na yon... and then..

"Ba't kase tumaba ka ng ganyan? Tas ngayon nagpapapayat ka. Kayo talagang mga babae, ang lalabo niyo." sabi ni pulubi habang kumakain ng kanin at chicken pastel. Ang takaw niya talaga forever. Samantalang ako kinakain ko dito isang piraso ng saging.

"Eh bakit ba?! Kaylangan ko 'to para maging akin na si Rowell!"

"Hindi ba kung gusto ka niya talaga magugustuhan ka niya anuman itsura mo? Kung mataba ka man o payat. Panget o maganda. Negra o maputi. Kung siya talaga yung tipo ng lalake na tunay na magmahal, at kung hindi siya bulag sa kagandahan mo sa loob, edi hindi mo siya deserve. Ganun lang yun. Hindi mo naman kaylangang pilitin ang sarili para lang magustuhan ka ng isang lalake."

"Wow, at talagang sa'yo pa nanggaling yan ah." sabi ko at binato yung balat ng saging sa trash can. "Alam niyo ba kung bakit kaming mga babae ayaw namin tumaba? Kase wala namang lalakeng katulad ng sinasabi mo. Kayong mga lalake, ang gusto niyo sexy, maganda, mahinhin, blah blah blah. Kasalanan niyo rin kung bakit kaming mga babae pilit naming binabago ang sarili namin kahit ayaw talaga namin. Kase ano? Para magustuhan niyo kami."

"Aba, sa tingin niyo lang yon." uminom siya ng tubig saglit. "Oo, gusto nga namin yung mga ganung tipo ng babae. Pero hanggang gusto lang yun. Nakakapukaw lang talaga sa atensyon namin yung mga sexy at magaganda, pero ang nagpapahulog sa amin eh yung mga babaeng maganda ang personalidad. At hindi ka pasok dun."

"Wow talaga! Utot mo!!! Pare-pareho lang kayong mga lalake. Kelan pa nag-exist sa dictionary niyo ang mga salitang 'inner beauty'? Aysus! Sinasabi niyo lang yan para ano? Tawagin kayong iba sa lahat? Ay alam ko na teknik niyo!"

Napabitaw siya sa kutsara't tinidor na hawak niya. "Bahala ka nga dyan. Ba't ba ganyan ka makareact? At saka kase ikaw, wala ka na ngang gandang panlabas, pati sa loob nagkulang ka pa!"

At doon na ako napuno. Kinuha ko ulit sa trash can yung balat ng saging. "Akala mo kilala mo ko. Pero hinde!!" binato ko yun sa mukha niya. Tumakbo paakyat agad at padabog na pumasok ng kwarto. Nahiga ako sa kama ko. Nakakainis talaga... hindi niya naman ako kilala para sabihan niya ako ng ganyan.

Hindi naman ako pinanganak na mataba eh. Payat pa ako nung second year high school. Second year high school, 3 years ago. Yung mga panahong payat pa ako, pero mahina at uto-uto. Hindi kayang lumaban. Masyadong mahiyain. Iyakin. Masyado akong naging mabait noon kaya nate-take advantage ako ng mga tao sa paligid ko.

Ni Daphne na tinatawag ko pang ate noon. Lagi akong naging sunud-sunuran sa kanya. Kase iniidolo ko siya noon (yuck) kaya akala ko pag sinunod ko yung lahat ng gusto niya, magiging katulad ko siya. (And I'm glad hindi nangyari iyon)

Ng mga kaklase ko nung high school. They bully me, call me names. Names na hindi naman ako. Sobrang dami... sobrang nakakasakit. Na pakiramdam ko tuloy noon kasalanan ang pagiging mataba. Na para bang masyado na akong makahigop ng hangin kaya kaylangan ko ng mawala sa mundo. (ew i know i'm so emo noon) Hindi ako lumalaban sa kanila kahit sa totoo lang sobrang nasasaktan na ako.

At nung lalakeng una kong minahal. Ang totoo kasi niyan, may mas nauna pa talaga akong nagustuhan bago kay Rowell. Tagadoon siya sa school malapit lang kina kuya. Gwapo. Sikat. At syempre, chickboy. At ano pa nga ba? Nung nagtapat ako sa kanya, anong sabi niya sa akin?

"Sorry miss, ayoko sa mga panget katulad mo eh. Ang taba-taba mo pa."

Sobra akong naiyak noon kaya pagkain ang nag-comfort sakin. Pero thinking that now, natatawa na lang ako. Nakakatuwa pa nga eh. Saka ano bang sexy para sa mga tao? Yung mga tipong Kim Chiu na kulang na lang eh hipan mo at liliparin na papuntang South China Sea? Ang gulo-gulo ng mga tao. Kahit mukha ka namang normal, para sa kanila 'mataba' ka pa rin. Shit lang eh.

Kaya nga napagod na rin ako sigurong magpaka-goody goody. Being nice is too mainstream. Ayokong makiuso. Kaya eto ako ngayon, naging super fabulous and gorgeous and sexy. Taong malakas ang confidence. Taong hindi na tinatapak-tapakan ng iba. Yan na si Tabby ngayon.... pero bakit pa ako nasasaktan sa mga sinasabi ng pulubing iyon? Kase alam kong may punto nga naman siya? Pero maganda naman ako! The hell. At mabait pa nga ako sa lagay kong ito.

Nakakainis. Stop sulking na nga Tabby! Hindi bagay sa'yo yan. Nakakadiri ka pala mag-drama. Ewww ewww ewww. Ako si Tabby, at kahit mataba man ako sa paningin ng iba, naniniwala akong I define the word 'sexy'. Ako at ako lang!

Biglang may kumatok sa pinto. Pagkabukas ko, si pulubi. May hawak na cake. Maliit lang, pero paborito kong chocolate cake yun eh.

"Tababoy... ay este Tabby... sorry na. Hindi ko naman sinasadya na masaktan ka ng ganun. Sorry. Please?" inabot niya sa akin yung cake. Tinignan ko lang siya at yung cake kahit na takam na takam na ako at nagugutom na ako.

At aba, marunong pala mag-sorry ang loko.

"Pilitin mo muna akong sincere ka dyan sa sorry mo."

Lumuhod siya. Napangiti naman ako. Tinaas niya pa yung chocolate cake na para bang nagpo-propose siya sa akin. Yung ganun. "Oh my majesty, ang sexy mo talaga at ikaw ang pinaka magandang nilalang na nakilala ko sa balat ng lupa. Pero dahil walang balat ang lupa, hindi ikaw ang pinaka maganda. Pero joke lang, baka hindi mo pa ko patawarin."

Hinablot ko sa kanya yung cake. "Hay nako, tumayo ka na nga lang dyan. Oo na. Papatawarin na kita kahit nakakainis kang pulubi ka."

Tumayo siya at alam niyo ba?!

Bigla ba naman akong niyakap!

"Yehey! Buti naman pinatawad mo na ako. Sorry na ahh," sabi niya. Nakakainis. Ba't naman biglang nanyakap ang lalakeng ito?!

"Oo na, okay okay. Bitawan mo na ako please? Kakainin ko pa 'tong cake."

Napabitaw siya sa akin at napakamot ng ulo niya sa hiya. "Ay sorry."

Nginitian ko na lang siya. "Sige. Salamat Kei ah." tapos sinara ko na yung pintuan. Teka... sinabi ko ba yung pangalan niya? Weird. Parang ang sarap pa banggitin ng pangalan niya.

Kei.

Pero mas masarap 'tong hawak ko.

Chocolate KEIk.

Hindi niyo nagets? O corny ako? Eh ba't ba?! Aangal ka pa nagbabasa ka na lang! Nako. Kakain na nga lang ako at syempre, bukas promise diet na talaga ako :D

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon