Twenty three

261K 3.9K 187
                                    

Pasukan na. Makikita ko na naman yung mga diablets kong kaklase. Well, I kinda miss them naman. Just kidding.

"Bye bye Tabby! Agahan mo uwi ah!" sabi nung Kei na yun. What the heck. Eh sobrang lapit nga lang ng bahay dito sa school. Pwede ko na ngang lakarin pero nagpapa-drive ako kase baka mangitim ang fair skin ko.

Nandito na ako sa school. Pumunta ng classroom. So nandun na nga ako and bigla na namang tumahimik ang classroom. Well, may dumating kasing anghel eh.

Biglang nagsalita yung isang girl doon. "Tabby? Kamusta GWA mo?"

Umupo ako sa upuan ko. "Ayun, parang ikaw."

"Parang ako?"

"Hindi maganda." nangiti ako sa kanya dahil sa kumukunot yung noo niya sa inis. Nakakamiss din palang inisin ang mga diablets na ito. Puro kasi si Kei lang ang nakikita ko sa bahay, kaya maganda din na kasama sila.

"Tabby, you never change talaga." sabi ng isa pang girl.

"Oo nga eh, maganda pa rin ako. Eh ikaw? Ba't di mo itry ichange yang mukha mo?"

"Ang yabang mo talaga. Tsk. You're really anti-social. Kaya ka walang friends eh, diba girls?" Napameywang siya at nag-smirk sa mga tao na nasa classroom.

I looked at her. "I'm not anti-social. I'm anti-bullshit, dear." binigyan ko siya ng sweet smile.

May isa pang babaeng nagsalita na naman. Naka-pink headband pa. "So ang pinaparating mo sa amin bullshit kami?! Aba!"

"Alam mo kung pokemon ka, sure na sure ako ikaw si Slowpoke." sabi ko sa kanya. Binigyan niya pa ako ng 'huh' at isang nagtatakang expression. Oh diba. Slowpoke talaga. What the hell kaurat eh.

Dumating na yung prof namin. English 2 Creative Writing ang klase. Boring. Introductions na naman dahil second sem at bagong teacher siya. Walang kwenta. Sarap mag-cut eh.

Finally natapos na yung napakaboring na klaseng iyon. Next class, Stat. Talagang paboritong klase ko pa ah. (insert a frigging sarcasm here slowpoke) Naiisip ko nga na after nung creation ng mundo, sumingit si Satan at nagsabi ng 'Let there be Math'. The fudgee bar.

"Oooh, what a surprise! Classmates tayo!" at talagang kampon pa talaga ni Satanas ang sumalubong sa akin.

Binalik ko yung plastik niyang ngiti. "Oooh, what a surprise! Nagte-take ka ulit ng Stat!" kitang-kita ko sa mukha ng Daphne na iyon na naiinsulto siya kahit nakangiti pa siya dyan. She looks really funny. She never fails to make me laugh, I mean, just seeing that face no! Bentang-benta na talaga.

Talagang tinabihan ko pa siya sa upuan. "Gusto mo pag maluwag sched ko tutor kita sa stat?" I asked her with a sweet voice with matching bat of eyes pa.

Tumawa siya na pa-sarcastic. "Oh? Since kelan ka pa naging math genius?"

"Kumpara sa'yo, genius nga ako." I told her. Kahit ayoko naman ng math eh pumapasa pa naman ako no. Hindi ko ba alam. Talaga sigurong natural na ang talino ko. I told you naman diba? Nasa akin na ang lahat. Ang ganda, ang bait, ang talino. Woooohhh, nasa akin na ang lahat.

"This is gonna be a fun sem," sabi niya.

"Yeah, I'm looking forward to it." sabi ko naman.

Tignan lang natin. Talagang magiging impyerno ang Math class mo Daphne. Humanda ka.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon