Forty seven

229K 3.6K 804
                                    

"Ate Kiana...." sabi ni Kei. Napatingin ako sa kanya, parang hindi ito yung Kei na kilala ko. Yung Kei na unggoy. Ngayon para siyang maamong tupa sa harapan ng ate niya. Weird. Ganito ba talaga siya? Tahimik? Edi sana ganyan din siya sa akin no at magkakaroon pa ako ng peaceful life.

 Napatingin si Kiana kay Kei. Tapos sa akin. Nahiya tuloy ako, kaya pinilit kong tumayo. "Oh Tabby," sabi ni Kei tapos hinawakan yung kamay ko at inakbayan ako. Sana din kanina inakbayan niya na lang ako at inalayan pabalik ng bahay no? Hindi yung kakaladkarin niya pa ang beautiful diyosa like me!

 "Diba.. diba ikaw yung nakita ko noon sa park?" tanong ni Kiana sa akin. Napatingin tuloy si Kei sa akin, kaya napatango na lang ako. Nabaling yung tingin niya kay Kei. "Kevin.. nandito ka lang pala. Ang tagal ka na naming hinahanap eh."

 "Hinahanap niyo ako? Weh?" sabi ni Kei. Iba talagang Kei yung nakikita ko ngayon, medyo masungit. Ewan ko, pero parang ang cool niya tignan. YUCK, TABBY YUCK.

 "Hinahanap ka namin! Nag-aalala na sa'yo sila Mommy. Sa sobrang pag-alala niya nga sa'yo lagi lang siyang nakakulong sa kwarto. Si Daddy naman... well... ganun pa rin siya..."

 Tumawa si Kei, yung mahina lang. "Tsk. Si Dad? Ano? Gusto niya pa rin ako ipakasal kay Shanize no?"

 "Pero Kevin... alam mo naman na para din yun sa future natin 'yun eh... saka childhood friends naman kayo ni Shanize ah, you've known each other since the two of you were kids... close naman kayo diba? You like her, right?"

 "Gusto ko nga siya." sabi ni Kei.

 "Eh kung ganun naman pala, bakit hindi ka pa pumayag sa gusto ni Papa?"

 "Kase may mahal na ako ate. Iba yung gusto sa mahal." sabi niya. Pwede ba akong kumuha muna ng popcorn sa loob? Para kasi akong nanunood ng teleserye dito eh, grabe, first time kong maka-witness ng ganito. Kulang na lang yung background music ng 'Maalaala mo kaya....'

 Lumapit si Kiana sa kanya para hawakan yung kamay ni Kei pero tinaboy lang siya ni Kei. 'Ang sumpa mo sa akin na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw....'

 Umiiyak na si Kiana, si Kei naman parang pinipigilan din yung sarili niya sa pag-iyak. "Sa buong buhay ko lagi na lang sila ang nasusunod, ate. Sa buhay natin, sila ang nasusunod. Yung mga gusto nating gawin, ayaw nila. Dapat ang mangyayari eh yung gusto nila. Ayoko. Gusto kong maging malaya, malayo sa kanila... nakakasakal na kaya doon. Bawat kilos mo, pinupuna. Para na tayong puppet. Hindi na nga bahay ang matatawag doon kundi isang kulungan. Hindi na ako papayag na makontrol lang nila ako at maging sunud-sunuran sa gusto nila, kahit na mga magulang ko sila."

'Kung nais mong matanto

 Buksan ang aking puso

 At tanging larawan mo

 Ang doo'y nakatago...'

 Tinakpan ni Kiana yung bibig niya kasi parang sisigaw na siya sa sobrang pag-iyak. Sa tingin niya siguro tama nga naman si Kei. Umiiyak siya, umaagos yung mga luha niya, pero bakit ganun? Maganda pa rin siya. May poise. Samantalang ako kapag nanunood ng Titanic o The Notebook may uhog pang kasama na lalabas. Kadire lang eh.

 "Kevin.. pasensya na.. hindi ko alam na ganun na pala ang nararamdaman mo, sa totoo lang ganun din ang pakiramdam ko eh...

'Di kaya magbago sa iyong pagmamahal, Tunay kaya giliw ko hanggang sa libingan?'

"Ate!" lumapit si Kei sa ate niya. Nagyakap silang dalawa, tapos iyak pa rin ng iyak pa rin si Kiana. Nagbubulungan sila, na miss na daw nila ang isa't isa, mahal nila ang isa't isa.. ganun... close pala silang dalawa. Napalakpak ako dahil buti na lang at maganda yung ending ng kwento, nakakaiyak siya in fairness. Ipapa-send ko talaga 'to kay Charo at ang title neto ay... ano kayang pwedeng ititle dito?

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon