Fifty one

231K 3.7K 474
                                    

"Shanize.. umm erm... hi," sabi ni Kei. Tumatawa na nga lang si Kei kahit na halata na talaga sa impaktang iyon na galit na galit na ito. Tinitigan niya ng masama si Kei.

"Hinahanap ka namin... Kevin, ang tagal mong nawala... tapos makikita na lang kita na nandito kasama ang isang baboy?! Kevin!! Papakasal tayo diba?" lumapit yung impaktang iyon kay Kei at hinawakan pa yung braso ni Kei. Tch. Si Kei naman halata na nakukulitan at gusto ng lumayo. Sabagay... kanina naman "niligtas" ako ni Kei dun sa mag-syotang panget, eh ngayon... hay nako, ang bait ko talaga! Sige na nga.

"Hoy babae ka, bitawan mo nga yang boyfriend ko!" sabi ko dun sa Shanize na iyon. 

Napatingin sa akin yung Shanize. "Ano? What are you talking about?" sabay taas pa ng kilay yan ah. Hay naku, ang arte, sarap sabunutan! Kainis.

"I told cha, you stop dikit-dikit on my babe!" sigaw ko tapos inagaw si Kei sa kanya. Tumalsik si Shanize doon at hinawakan ko si Kei. 

Tinignan na naman ako ng masama ng babaeng iyon. Kahit na mas matangkad siya sa akin, akala niya siguro matatalo niya ako. Well, malakas ata ako no! Saka ang payat payat ng babaeng yan parang feeling ko liliparin na siya anytime.

"Hoy baboy! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako lang naman si Shanize Del Mundo."

"Oh? Ikaw si Shanize Del Mundo?"

"Kilala mo ako?" tanong niya.

"Hinde kita kilala. Tsupe, feeling sikat." sabi ko sa kanya at hinigpitan yung hawak ko kay Kei. "Tigil-tugilan mo nga 'tong boyfriend ko ha, baka gusto mong ipahunting kita kay Shomba."

Hindi siya naimik. Instead tinitigan niya lang si Kei. So... this is the fiancee of Kei. May itsura naman talaga siya, tall, mayaman pa ata 'to... pero yun nga lang, mas greater nga lang talaga ako sa kanya. Wala na kayang mas gaganda pa sa akin no.

"Kevin... susumbong kita kina tito! Hmph!" ayun nag-walk out ang impakta. Madali lang naman pala siyang kausapin eh. Hay, kung ganyan lang si Daphne, edi baka sana medyo nawala pa ang kamalditahan ko no. Well, sabi nga nila, once a bitch always a bitch. And ako naman, once a pretty and sexy girl, always a sexy and pretty girl! Mwahahahaha.

Nung wala na yung impakta, ngumiti ng malapad sa akin si Kei. "Salamat babe ah," sabi niya pa. Kinurot-kurot ko nga. Kaasar kaya. Lumakad na lang kami. Sabi ni Kei wag na daw ako magpasundo, kaya ayun, sumakay kami ng jeep. 

"Miss, hindi na po kayo kasya eh," sabi nung konduktor. Sarap sapakin nako! Kaya ayokong mag-commute eh. Napakasikip dyan. Eww.

"Okay lang po kuya, kakandong na lang ako sa kanya." sabat naman ni Kei.

Tinignan ko siya ng masama. "At talagang ikaw pa ang kakandong sa akin ah? Napaka-gentleman mo!" 

Tumawa naman si Kei. "Ikaw naman, hindi ka mabiro babe. Kahit mabigat ka, kahit ang sakit-sakit kapag binuhat kita, kakandungin pa rin kita. I love you just the weigh you are." sabi niya sabay kindat. Sinapak ko sa braso tapos hinila na siya paloob ng jeep. Hindi din naman ako kinandong kase maluwag pa kaya sa jeep! OA lang talaga yung konduktor! Saka as if namang magpapakandong ako doon sa Kei na iyon ah. 

Nandun na kami sa village at naglalakad-lakad. Hanggang sa napadaan na kami sa may park. Napansin kong nakatitig si Kei sa park. Napatitig din tuloy ako.

"2 months ago, dyan, dyan sa park na yan lahat nagsimula."

Syempre alam ko kung anong tinutukoy niya  no. Of course. Dyan nga sa park na 'yan yung nage-emo emohan ako tapos bigla ko siyang nakabunggo at sabihan ba naman akong taong baboy! Ang galing no. Sobrang naiinis talaga ako sa kanya noon. Pero ngayon... bakit parang ang bilis naman? Kung tutuusin hindi ko pa nga talaga gaano kakilala si Kei eh. 2 months pa lang kameng nagkakakilala. 2 months. HAYOP, ANG PEE-BEE-BEE TEENS KO! 

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon