Twenty one

260K 4.4K 262
                                    

"Happy birthday my ever loving best friend!" bati ko sa kanya. Mukhang gulat na gulat siya at nandito ako ngayon. Bumeso pa ako sa kanya tapos pinunasan yung pisngi ko ng wipes. Mahirap na, baka magkapalit pa kami ng mukha.

"Wow, what a suprise! This is gonna be the best birthday ever."

Pinapasok ko na lahat ng sampaguita kay Allison. Nilapag niya lahat ng ito sa may paanan ni bruhilda. Napatili naman si bruhilda dahil sa dami ng sampaguita sa paa niya.

"And happy all saints' day," dagdag ko at binigyan siya ng matamis na ngiti. Pumasok na kami sa bahay at puro babae naman ang nandito. Wala si Rowell. Tsk, sayang lang pala ang pagpunta ko dito eh.

"Uy best, tignan mo yun oh," sabi ni Allison at napaturo sa buffet. Wow. Mukhang may perks din pala ang pagpunta ko sa birthday party na ito. Ang sasarap ng mga pagkain.

"Ano pa? Edi halika kumain na tayo. Panigurado hindi naman kakain ang mga anorexic na ito eh." sabi ko sa kanya at sumugod kami sa buffet table. Kumuha ng plato at nagserve ng mga gusto naming pagkain. Naalala ko si Kei na iniwan ko sa bahay, baka gusto niya rin kaya nagpalagay pa ako sa isang tupperware.

Umupo kami ni Allison doon sa gitna. Pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Oh my gosh, ang takaw mo talaga Tabby. Magpapayat ka nga!" sabi ng isang babae doon na may hawak na baso ng wine.

"At least pretty diba? Eh ikaw?"

Aba at may isa pang humirit. "Ba't ba ang maldita mo?"

Tinignan ko siya na double chin up. "Hindi ako magiging maldita kung hindi ka pakielamera." Natahimik naman yung babaeng iyon.

"Excuse me, mas maganda kaya ako sa'yo!" sabi naman ng isa pa na nasa tabi ng stereo. Mataba din siya katulad ko. Naka-red pa. Nagmukha tuloy Jollibee.

"So ikaw talaga ang maganda at hindi ako? Hiyang-hiya naman ako sa'yo. Lagay mo nga sa shopping list mo ang salamin."

No one dared to speak to me again. Lahat na lang sila natahimik muttering under their bad breaths. Nakakatawa talaga ang mga taong ito. Ang lakas ng loob akong insultuhin pero kapag nabara ko naman wala din pala.

Kumakain kami ng matiwasay ni Allison nang biglang may nagtunog sa harapan, as in pinapalo niya yung kutsara sa wineglass. Napatingin naman kaming lahat sa nag-iingay doon.

"Girls, let's play a game." sabi ni Daphne na nakangiti pa sa akin. "Boat is sinking."

Ano 'to childrens' party?! Sabagay isip-bata naman talaga ang mga tao dito eh!

Tapos napatingin sa akin yung Daphne na iyon. "And oh, Tabby, hindi ka pwede sa game na ito. Kasi dahil sa'yo ba't magsi-sink ang boat eh."

Nagtawanan silang lahat doon. Tinignan ako ni Allison na ngumunguya pa. "Best, hindi ata tayo welcome dito."

I stood up. "Oh? Magsi-sink ang boat? Edi mamamatay na kayo? Finally matutupad na ang lagi kong pinagpe-pray ko kay Lord na kunin na ang mga enemies ko.... kaso tanggap ba kayo sa langit? Happy all saints' day, bitches!" sumubo pa ako doon sa plato ko at hinila na palabas si Allison kahit sumusubo pa rin ito ng pagkain.

"Yeah! Go to hell big fat bitch!" narinig kong may nagsabi pa.

"Sure, pupunta ako sa house niyo sometime, devil." sigaw ko din naman at sumakay na kami ni Allison sa kotse. Mga sore losers. Ang boring ng party at mukhang magkakaroon pa ako ng germs sa bahay na iyon.

"Happy all saints' day?" sabi ni Allison na nangiti pa.

"Happy all bitches' day." sabi ko at umandar na ang kotse pauwi. What the hell. Nasayang pa ang laway ko sa party na iyon.

A/N: Mabilis ang updates ngayon kase sinisipag ako. Mwahaha. Don't forget to comment and vote. Saka kung gusto niyo magpa-dedicate, sabihin niyo lang at matutuwa pa akong magdedic sa inyo :> thanks pooo!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon