Forty one

241K 3.7K 508
                                    

Monday na naman. Nakakatamad na kayang pumasok. Umuulan pa kaya ang lamig-lamig, sarap matulog. Tapos maganda pa yung panaginip ko kagabi. Panaginip ko daw umuulan ng nutella. Kala ko nung una tae, kaya nandire ako nung natikman ko. Pero yun pala lasang nutella. 

Pumasok na ako sa bathroom at shemz, ang lamig ng tubig. Pinainit ko muna tapos naligo na rin ako sa bathtub. Ang sarap maligo.... tapos nagbihis na ako saka bumaba na para kumain ng almusal.

GANYAN KADALASAN NAGSISIMULA ANG MGA KWENTO. Pero bakit yan ang simula ng chapter 41? Ewan ko din. Kase tinatamad talaga ako ngayong araw na ito? Oh gusto lang talaga ni author na at least humaba naman yung update niya kahit papaano. Ewan, ito ay isang misteryo.

"Good morning Tabby," bati ni Nay Erma. Kumakain ako ng almusal at napatingin sa labas ng bahay. Ang lakas ng ulan, ang dilim pa sa labas. 

Huwag na lang kaya ako pumasok?

Dear Katamaran, friends forever ha?

Sa huli pumasok na rin ako. Malapit na kase exams. Kahit papaano ayoko namang bumagsak no. First subject was really boring. Pero may mga bumati na naman sa akin about nung last Saturday. Medyo bumait ang mga diablet. Hindi kaya may halong holy water yung ulan?

Then next subject. Stat. Eh syempre, sino pa bang makikita ko doon kundi yung ever loving best friend ko na mukhang garbage trash can. Medyo naexcite tuloy ako. Panigurado magwawala na naman yun pag nakita ako nun.

Pumasok na ako. Ako una eh. Tas maya-maya napuno na rin yung classroom hanggang finally dumating na rin yung Daphne na iyon with her ever sunud-sunuran alipins. Daphne took a seat beside me. 

"Hay nako, pumanget tuloy ang araw ko. May MALAKING peste kasi akong nakita eh." sabi niya.

Aba at nagpaparinig pa. Edi humirit ako, "Hay nako, pumanget din ang araw ko. May NAPAKAPANGET NA UBOD NG BAHO na mukhang TRASH CAN akong nakita na itago na lang natin sa pangalang Daphne."

Nagtawanan yung mga alipin ni Daphne pero natigil din nung tinitigan niya ng masama ito. Napatingin naman siya sa akin. "Gandang-ganda ka talaga sa sarili mo Tabby no? Alam mo kung anong maganda? Ako! Ako ang maganda, hindi ikaw. Ilusyunadang baboy."

"Kung meron kang gandang hindi mo INAAKALA, meron ding gandang ikaw lang ang NANINIWALA." sagot ko sa kanya na nangingiti din.

Napatayo na siya and ready in action nang pigilan siya ng mga alipin niya, pinaalala na may mga audience dito. She tried to compose herself and sinuot na naman yung kaplastikan niya.

"Alam mo Tabby... dapat you respect people. Especially those who are older than you."

"Eh pano yun? Hindi ka naman kasali sa 'people'?" I asked. Tawanan na naman sa classroom. Ngumiti si Daphne pero alam kong inis na inis talaga siya. Dapat lang na mainis siya sa akin kase naiinis din ako sa kanya. Diba? Para fair.

"Salbahe ka talaga kahit kelan no? Buti pa ang saging may puso, ikaw wala."

"Buti pa ang sisig may utak, ikaw wala." I replied. Pinagtawanan na ng lahat si Daphne. Loser. Ayun, nag-walk out ang bitch kasama nung alipins niya at sakto pumasok na yung prof namin. Dapat kase dinrop niya na 'tong subject na ito, kung alam niyang kasama niya ako diba?

Tapos na ang Stat. Yun na yung last class ko, finally pwede na akong makauwi. Napansin ko sa may gate, doon sa may waiting shed si Kuya Rowell na inaalo yung umiiyak na babae na iyon. Nung medyo malapit na ako, nakita ako ni Kuya Rowell, pero ang sama ng tingin niya sa akin.

"Tabby. Diba sinabi ko naman sa'yo na.... na mali ang makipag-away? Lalo na at mas matanda sa'yo si Daphne, Tabby. Gumalang ka naman."

Ito ang unang pagkakataon na nakita kong galit si Kuya Rowell. I just smiled at him. "Kuya Rowell... ginagalang ko nga siya eh. She's being a bitch to me, so binawian ko siya. Sorry na lang at hindi na ako ang Tabby noon. I'm tired being weak. And kung may taong tinatapak-tapakan ka, what would you do? Let them be? No. You learn how to fight. And thank you for teaching me that, ATE Daphne." I looked at her. Paiyak-iyak pang nalalaman. Iniwan ko na lang sila doon at baka lalo pa akong mainis.

Blah blah blah. Ang dami talagang plastic sa mundo ngayon. At ginawa pa talagang kakampi si Kuya Rowell ah?

Trip kong maglakad ngayon kahit wala naman akong dalang payong at umuulan pa rin ng malakas. Wala, feeling senti lang. Saka ang sarap kaya maligo sa ulan. Sarap din mabasa yung bag ko eh, okay lang marami pa naman ako sa bahay.

Pauwi na ako when I saw Kei standing in front of our house, may dalang plastic bag. Inutusan siguro ni Nay Erma. May dala siyang payong tapos nung nakita niya ako, tumakbo siya papunta sa akin.

"Tabby! Umuulan ah! Basang-basa ka na." sabi niya.

"Wala kang pake! Saka hindi ba halatang basa ako?! Ano ako tanga?" reply ko sa kanya tapos nagpatuloy sa paglalakad. Ang lamig lamig talaga.

Lumapit siya sa akin at pinasilong ako doon sa ulan. "Nako, kapag nagkasakit ka nyan... bahala ka."

"Ano naman kung magkasakit ako ha? As if you care."

"Eh pano kung oo, I do care?" tanong niya. He caught me off guard. Siguro kase dahil sa nag-english siya o dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin o sa sinabi niya. Ewan. I can feel myself heating up. Saka bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakapos ako ng hininga.

Ay tanga. May sakit pala ako. The next thing I knew, ang dilim na ng paligid ko.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon