Eighteen

264K 4.9K 934
                                    

Kei's POV

Hindi pa rin umuuwi ang gasul na iyon. Alas-onse na nga gabi ah. Mamaya kung ano nang ginawa ng Rowell na iyon. Hindi naman siya irerape nun, sigurado. Pero paano kung may nangyari na ngang masama kay Tabby? Kasalanan ko ito eh! Ba't kase hinayaan ko siyang sumama sa lalaking iyon.

Para na akong mababaliw dito. Kanina ko pa siya hinihintay. Bumili pa naman ako ng paborito niyang chocolate cake at nagluto ako ng carbonara at lumpia. Nasabi kasi sa akin ni Nay Erma na paborito niya 'to. At nasabi sakin ni Nay Erma na kaarawan niya ngayon.

Narinig kong nagbukas yung gate. Mukhang siya na yun ah.

"Hoy Taba bakit gabi ka na umuwi ahh nagluto pa naman ako-"

Naglakad lang siya sa may sala. Papuntang hagdan. Hindi ako kinikibo. Na para bang wala lang ako, hindi niya ako nakikita. Nilapitan ko siya at minasdan. Mukha siyang malungkot. Maga ang mga mata. Nakasimangot.

"A-anong nangyare?"

Napatingin siya sa akin. Ngayon naman nanlilisik ang mga mata. Nakakatakot. Mukha siyang sinapian. "Pake mo ba?!"

"May carbonara at lumpia sa mesa... saka chocolate cake."

Hindi niya pa rin ako pinansin. Aakyat na sana siya pero natigilan siya. Bigla siyang lumingon sa akin na nanlilisik pa rin ang mga mata. Tapos biglang kumaripas ng takbo papuntang dining room. Sinundan ko siya at grabe, parang sampung taon siyang hindi nakakain.

"Ano ngang nangyare?" umupo ako sa may upuan malapit sa kanya.

Kumain lang siya ng kumain. Tapos uminom ng tubig. Tapos napatingin sa akin at.... teka? Umiiyak ba siya? Oo, umiiyak nga siya.

"Huy, ba't ka umiiyak dyan? Baket 'wag mong sabihing nirape ka nung Rowell na yun ah."

Binato niya ako ng isang lumpia na shumoot naman sa bibig ko.

"Ulol. Kung sana ganun nga, edi sana nagce-celebrate ako diba?! Eh ang kaso hindi eh!! N-n-nagtapat ako sa k-kanya..... k-kaso... kaso alam mo ba kung anong sagot niya ha...??? S-sabi niya sa akin, sorry n-never niya d-daw akong magugustuhan."

Naiinis talaga ako sa gagong yun.

"Sabi ko naman kase sa'yo eh...."

"Oo na, alam ko. Tawanan mo ko. La akong pake. Ayoko na." sumubo siya ng malaki sa chocolate cake. "Kung pwede lang magpakasal sa chocolate cake, gagawin ko na eh. Kung posible lang yun. At least ang chocolate cake hindi ako sasaktan. I love you chocolate cake," inubos niya yung chocolate cake na yun tapos nakatulog ba naman bigla sa mesa.

Mukhang kaylangan ko pang gamitin ang lakas ko dito ah. Binuhat ko siya, shet ang bigat niya, pero nakaya ko naman kahit halos kinakaladkad ko lang din siya. Finally nakapasok na ako sa kwarto niya at hiniga siya sa kama niya.

Hindi ko pa tuloy mabibigay yung regalo niya.

Pinagmasdan ko lang siya. Ang ganda niya talaga. Para siyang anghel habang natutulog. Napaka-inosente ng mukha.

Hinawakan ko ang pisngi niya. "Good night Tabby. Happy birthday,"

"Oh? Alam mong birthday ko?" nagulat ako na bumukas ang mga mata niya at nakangiti pa sa akin. "Buti ka pa. Sana si Rowell din. Thank you ah." hinawakan niya ang mga pisngi ko at nilapit ako sa mukha niya.

Hinalikan niya ako.

Binitawan niya ako tapos natulog na ulit. Lasing ba 'tong babae na ito?! Bakit niya ginawa iyon?!! Nababaliw na ata 'to eh! Hinalikan niya ako.... eh... yun ang first kiss ko. At baka yun rin ang first kiss niya. First kiss namin ang isa't isa?!

Lumabas ako ng kwarto niya tapos pumasok dun sa kwarto na tinutulugan ko. Pagkatingin ko sa salamin, sobrang namumula ang mga pisngi ko.

Ako ata ang may birthday eh. Ako kasi nabigyan ng regalo.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon