Eighty

204K 3.1K 278
                                    

"Ano ba kasing meron Tabby at pinapunta mo ako dito ng ganitong oras? Maaga pa flight ko bukas eh." sabi ni Kuya Rowell pagkasara niya ng pinto ng kotse niya.

Lumapit naman ako sa kanya at nginitian pa siya. "Ikaw naman Kuya Rowell, 8pm pa lang naman oh! Ang aga pa kaya." Hinawakan ko siya sa braso. "Halika na, bilis dun na tayo sa loob."

Naningkit 'yung mga mata niya pero hindi na siya nagsalita. Naglakad na kami papasok ng bahay, at nung pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa amin ang kadiliman.

"Bakit madilim dito? Brownout ba sa inyo Tabby?" tanong naman ni Kuya Rowell.

"Hindi ahh, mayaman kame kaya walang brown out brown out. Duh, suprise kaya 'to para sa'yo Kuya Rowell. Ganito kaya 'yung sa mga movies no! Cliche hindi mo pa nahalata agad."

Biglang bumukas 'yung ilaw. Pero wala nang nagsabi ng "HELLO ROWELL", gaya nung napag-usapan. "Oy," sabi ko sa kanila. "Akala ko ba sisigaw kayo ng 'Hello Rowell'? Wala na, ang fail na ng surprise tuloy."

"Eh sino ba kaseng nanira ng surprise, no Tabby?" tanong ni Allison.

"Sabi ko sa inyo 'wag si Tabby papuntahin niyo dun sa labas eh." ani naman ni Kei na napansin ko namang may hawak ng plato at kumakain na ng pansit.

Nilapitan ko siya tapos binatukan. "Hoy! Kasalanan ko ba na ang typical masyado ng surprise na 'to? Papatay patay pa ng ilaw. Saka bakit kumakain ka na 'dyan?! PG ka talaga!"

Tawa lang ng tawa 'yung iba. Actually, kaunti lang naman talaga kami dito eh. Ako, si Kei (malamang hindi pwedeng mawala 'to lalo na't may kainan), Allison, Greg, pati na rin yung mga katulong dito sa bahay saka si Manong Driver.

At syempre, 'yung ever-loving Ate Daphne ko.

"Grabe, pinaghandaan niyo pa ako ng despedida party." sabi ni Kuya Rowell.

Lumapit sa kanya si Greg. "Okay nga 'to eh, at least kahit papaano sa huling saglit eh magkasama tayo pre." tapos umakbay pa si Greg kay Kuya Rowell.

"Yee, bromance." Allison commented.

"Seloooooos," sabi naman ni Greg. "Gusto mo akbayan din kita?"

Inirapan lang siya ni Allison at kumuha na lang si Allison ng makakain niya. Bumitaw naman si Greg kay Kuya Rowell at parang humihingi pa ng patawad kay Ally. Natatawa ako sa kanila, okay na okay na kase sila eh.

Kumuha na rin ako ng pansit saka barbeque at umupo sa may mesa. Bigla namang tumabi sa akin si Ate Daphne na may hawak na ring plato at pansin kong ang dami atang laman nun.

"Hoy taba." tawag niya sa akin.

"Ano panget?" sabi ko naman. Bigla niya naman akong binatukan. "Aray ko naman! Epal ka talaga eh no?! Bakit ka ba nambabatok 'dyan ha?!"

Tinignan niya ako ng masama. "Matuto ka kaseng gumalang sa mas nakakatanda sa'yo. Nakakalimutan mo atang ate mo ako, Tabby ah."

Hinimas ko 'yung batok. "Sorry, nakalimutan ko rin kaseng tao ka eh."

Napansin kong nakatitig na pala sa amin lahat kaya natigilan kami. Si Kei, habang kumakaen ng barbeque, napatitig sa akin din na naniningkit pa ang mga mata. "Akala ko ba bati na kayo? Ba't ganyan na naman?" tanong niya pa.

"Oo nga." segunda naman ni Allison.

"FRIENEMIES KAME!" nagulat pa ako na sabay pa kami ni Ate Daphne sa pagsabi 'nun. Nagkatinginan naman kame at biglang nagtawanan.

"Mga baliw." sabi na lang ni Kei tapos nagsikainan na rin 'yung iba. Kumakaen lang kami ni Ate Daphne at nakita ko si Kuya Rowell na palapit dito sa amin. May dala na rin siyang plato at nakangiti pa.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon