Twenty five

261K 3.9K 372
                                    

Free day ko ngayon. Dahil wala naman akong klase, niyaya ko na si Kei na lumabas. No, it's not a date ha! I mean, shopping. Samahan niya akong mag-shopping.

"Ayun! May upuan." sabi niya at umupo sa may couch sa gilid ng store. Hindi ko na lang siya pinansin. Kaylangan ko ng mga damit na bago for school. Ang luluma na kaya nung mga sinusuot ko sa school. Namimili lang ako tapos napapatingin kay Kei. Mukhang bagot na bagot nga siya eh. Tsk. As if I care naman.

Nagkukuha ako ng mga damit, at pinagsusukat sa dressing room. Nung natapos na nagbayad na ako.

"Miss, sorry wala pa po kaming change eh." sabi nung babae sa register.

"At kaninong problema yun? Hmm... sige, keep the change na lang. Mamahalin kase 'tong store na ito kaya walang barya eh."

Lumapit sa akin si Kei. Pinagbuhat ko siya ng mga shopping bags na binili ko. Nauuna ako ng kaunti sa paglalakad pero naka-catch up naman siya. "Taba, ba't hindi mo itry maging mabait naman minsan? Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magka-boyfriend ka pa kaya?"

Tinignan ko siya ng masama. "Kaya wala pa akong boyfriend kasi mataas ang standards ko."

"Eh ba't kahit manliligaw wala ka?"

Lalo pa akong naiirita dito eh. "You know why? Because guys nowadays are so superficial. Parang sa isang malaking puno lang yan ng mansanas. Sabihin na natin yung mga babaeng ahem, maganda, sexy, mabait, lahat na ay nasa pinakataas na parte ng puno. We're the best apples kumbaga kaya mataas kame. Eh kayong mga lalake, you settle for the bad, rotten apples. Yung mga nahulog na sa lapag ang pinipili niyong pulutin. Kaya ano? Hindi rin nagla-last ang relationships kase masyadong nagmamadali at ang baba pa ng standards sa pagpili ng magiging ka-relationship."

Pumalakpak siya. "May ganon ka pang analogy ah. 'Di bagay sa'yo."

"Inggit ka lang. Kase ako matalino, eh ikaw? Asan utak mo? Coo coo brain!"

"At least hindi mataba." sabi niya na nangisi pa.

"Di bale ng mataba, kung ganito naman ang mukha."

"Talagang gandang-ganda ka sa sarili mo ah."

Hindi ko na lang siya pinansin at naghahanap ako ng makakainan. Gutom na ako. San kaya pwedeng makakain? Parang gusto ko ng burger. Burger King na lang kaya o Wendy's? Sige na nga Wendy's na lang.

Hinila ko si Kei sa loob at umupo kami sa isang table. Syete. Ang haba ng pila dito. Dahil nasa mood naman akong tumayo, ako na ang nag-order. Nagtaka pa nga yung Kei na iyon at mukhang natatauhan na daw ako at napagisipan ko daw na panahon na para magbago. Inupakan ko nga.

Nakapila na ako doon when suddenly may isang babaeng nakisingit sa harap ko. Tumingin siya sa akin. "Miss, pasingit ah? Okay lang?"

TALAGANG TINANONG PA KUNG OKAY LANG. IPASALVAGE KO KAYA SIYA DITO TAPOS TANUNGIN KO KUNG OKAY LANG?

I calmed myself. "Sige, okay lang dear. Ang linya naman na ito ay according sa beauty. Una ang panget."

"Thanks! Buti na lang panget ako." sabi niya. Wow, self-confidence. Admit niya na panget nga siya. Pero napatingin siya ulit sa akin. "Pero alam mo, walang panget na ginawa ang Diyos."

I smiled. "Oh? Edi kung ganun sinong gumawa sa'yo?"

"Grabe ka naman magsalita. Hindi mo din ba alam na ayon sa Darwinian theory, lahat tayo ay nagmula sa ma unggoy?"

Ang contradicting naman ng mga sinasabi ng babaeng ito.

"Sa pamilya mo lang, dear. 'Wag mo na kaming idamay dahil ginawa kami ni God in His own image. We are wonderfully and fearfully made. Hindi ka kasama sa 'we' ah? 'Wag mag-expect baka masaktan."

"Hindi ako affected... hindi ako..... huhu.... susumbong kita sa mommy ko!" tumakbo yung babae. Aba napaka-isip bata naman. Kalaking tao nagsusumbong pa sa nanay niya. Dapat matuto yang mga ganyan na lumaban. Dapat hindi nila hinahayaang tapak-tapakan sila ng mga tao. Kaya kayo? Be a maldita like me.

"Ako na ngang pipila dyan at mukhang makakaaway mo pa lahat ng nakapila dito oh," biglang dumating si Kei.

Siya na yung pumila at ako na yung nakaupo. Sabi niya ba't daw hindi ko itry maging mabait minsan. Well, mabait naman ako talaga. Lalo na noon. Pero masama kasing maging nice. Parang dahil sa pagiging goody shoes ng isang tao, hinahayaan niya lang na maliitin siya. Because she's too concern with what people will say.

Does it really matter if people will like you?

Sus. Bakit, nakakakain ko ba yung mga compliments nila? Hindi diba! And I don't freaking care kung ayaw nila sa akin. I don't live to please them.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon