Fifty three

215K 3.7K 703
                                    

Kei's POV

"Kei, ano kayang masarap kainin mamayang gabi? Roast beef kaya? O barbeque? Sa tingin mo?" tanong sa akin ni Allison habang naglalakad kame. 

"Kahit ano," sagot ko naman. "Nakakapagod na maglakad, balik na tayo sa resort house." sumasait na kase talaga ang mga paa ko kakalakad, paano ba naman kanina pa kami dito. Tapos nagsasalita lang si Allison, tapos sasagot lang ako.

Sumang-ayon naman siya. "Sige. Tabby, Greg, balik na daw tayo-" pagkalingon naming dalawa ni Allison, wala na sila Tabby at Greg sa likuran namin. Kanina lang nandyan sila sa likod namin eh, nakasunod. Kahit nga gusto ko sanang lapitan si Tabby, kaso nandito naman si Allison. Tapos yung Greg na iyon dumadamoves pa. Azar.

"Hmm, asan na sila? Hay nako... baka nag-solo yung dalawa ah. Sabi na nga ba eh may gusto pa rin yun si Tabby kay Greg eh! First love never dies talaga."

Parang may palaso na tumusok sa puso ko. Kaazar level up.

"Talaga? Pano mo nasabe?" tanong ko sa kanya.

Napaisip siya. "Kase simula nung bumalik si Greg sa buhay ni Tabby, parang may nag-iba kay Tabby eh. Parang ewan ko... parang in love? Ganun? Hindi mo ba napapansin yun ha, Kei?"

Umiling lang ako.

"Sabagay, lalake ka nga pala. Pero well, alam ko kase kapag in love si Tabby eh."

AMP. AZAR TO THE MAXIMUM POWER. Yung babe pig in the city na 'yun! Kainis. Bahala na nga, magsama sila ng Greg na yun. Bagay naman sila eh. Isang baboy saka isang unggoy.... pero teka ako daw yung unggoy eh.... edi kami ni Tabby ang bagay... HAHA joke lang.

"Halika na nga, baka gabihin pa tayo." anyaya ko kay Allison. Bahala na yan si Tabby. Basta pagkabalik niya, sisiguraduhin kong hindi na makaka-iscore yung kumag na Greg na yun. Masyado na siyang sinuswerte ha!

Bumalik na kame sa resort house at nandun na rin sila Rowell at Daphne. Wala pa sila Greg at Tabby. San naman kaya nagpunta yung dalawang iyon?

"Oh, asan na sila Tabby?" tanong ni Rowell nung nakita niya kame. Umupo ako sa may harapan nila Daphne, doon sa may salas. Si Allison pumanhik sa kwarto nila.

"Hindi ko rin alam." sabi ko na lang. Tatanong-tanong pa, para namang may pakielam siya kay Tabby. 

"OMG, are they lost?" sabi ni Daphne. Sus. Kunware pa, pero sa loob niyan nagpapa-party na yan. Ngayon medyo naiitindihan ko na kung bakit ayaw ni Tabby sa kanya eh. 

Bumalik na si Allison at nanuood na lang kame ng movie dahil sobrang init din naman sa labas. Kumaen pa kami ng popcorn. Pero hindi naman ako makapag-focus sa pinapanood namin. Kase naman... iniisip ko kung nasan na yung tababoy na yun. Mamaya kung ano ng gawin sa kanya ng loko eh. Nako, subukan niya lang at mabubugbog ko talaga siya.

Natapos na yung movie, wala pa rin sila Tabby. Nagyaya na si Allison na magluto. Tumulong din si Rowell, yung Daphne doon lang sa salas. Nagluluto kame tapos nun wala hinain na sa mesa at nagsi-upuan na kame. 

Tahimik lahat. Wala pa sanang gagalaw ng pagkaen, pinigilan nga ni Rowell si Daphne na akma na sanang kukunin yung kanin eh. Hanggang sa naghintay pa rin kame, pero wala pa rin sila Tabby. 

Napatayo ako kaagad. "TANG INA! Ayoko na! Leche hindi tayo makakaen dahil sa kanila eh!"

Napatingin silang tatlo sa akin. Tumayo rin si Rowell. "Baka may nangyari ng masama sa kanila, mabuti pa ay hanapin na natin sila. Mamaya naligaw yung dalawa."

Sumunod sa pagtayo si Allison. "Oo nga, tapos kumaen na rin tayo, sabay-sabay na tayong lahat."

Napatingin kaming lahat kay Daphne. Sumusubo na kasi siya sa barbeque eh. "Umm, okay, okay, tutulong na rin ako maghanap. Kase naman eh! Hay!! Ano 'to, hide and seek?! What the hell ha."

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon