Thirty nine

235K 3.6K 289
                                    

"Greg...." bulong ko sa sarili ko. Ganun pa rin siya as usual. The oh-so-gwapo Greg na matangkad, moreno, medyo kulot ang buhok, makapal ang mga kilay plus mapupungay na mga mata. Actually mas gumwapo nga siya ngayon. I just stared at him blankly.

"Ikaw nga 'yan Tabby.... wow, you look different. Halos 'di na kita makilala."

"Ikaw rin, hindi kita kilala." sabi ko sa kanya at inirapan siya. Naiinis lang ako kapag nakikita ko yang pagmumukha niya. Tapos niya akong ireject dyan at sabihan ako ng panget at mataba?! Sus. "Kei, Allison, 'lika na nga."

Aalis na sana kami nang bigla ba namang hilahin nung lalakeng yun yung braso ko. Ang higpit nga ng pagkakahawak niya, bumabaon sa taba ko. Naku sana kainin siya ng stretch marks ko.

"Sandali lang Tabby, gusto sana... gusto sana kitang yayaing kumain sa labas."

Syempre nagulat ako sa sinabi niya. Kahit nga si Allison nagulat pero parang kinikilig din. Dapacking tape. Kung sana noon nung nagtapat ako sa kanya sinabi niya sa akin yan, matutuwa pa ako eh. Pero ngayon? Duh! Exclusive lang ako no.

"Ayoko nga-" naputol yung sasabihin ko kase bigla ba namang humarang si Kei at hinarap si Greg. Kahit kelan talaga 'tong Kei na ito.

"Kakain sa labas? Libre mo kame?" tanong ni Kei na nagniningning pa ang mga mata. Hindi kaya.... OMG, baka type ni Kei si Greg?! Sinasabi ko na nga ba at may masama akong kutob dyan kay Kei! Nako naman bakit ngayon pa kung kelan naiin-love na ako........ I mean kung kelan pa..... basta.

Mukhang nawe-weirdohan na nga rin si Greg sa kanya eh. "Sige pre, sama na kayo ni Ally, pero layo ka naman ng konti." Lumayo nga ng konti si Kei tapos biglang naging seryoso yung mukha. Ang labo din ng lalakeng 'to ah.

Pumunta kami sa isang grill restaurant malapit lang sa school. Syempre libre ni Greg siya nag-aya eh. Bale ganito ang seat formation namin:

Kei.    Allison.

Ako.   Greg.

At katabi ko pa talaga 'tong gagong ito. Nako pigilan niyo ako, makakain ko 'to ng buhay swear!

Nakangiti pa siya sa akin tapos namin umorder. That smile? That would have melt me kung noon niya pa ako nginitian ng ganyan. Don't you think it's funny? Noon may taong sobrang mahalaga sa'yo na pakiramdam mo hindi mo kayang wala siya pero now... well, wala na lang siya sa'yo.

"Ang ganda mo Tabby." sabi niya.

"So noon hinde?!" tanong ko naman.

"Haha, kase naman noon ang dungis dungis mo Tabby. Hindi ka nag-aayos. Sobrang laki nga ng pinagbago mo eh, noon mahiyain ka tapos naalala ko pa na lagi mo kong binibigyan ng mga regalo, tapos laging ikaw unang nagtetext sa akin, tapos nahuhuli kitang nakatitig sa akin. Saka nung nagtapat ka sa akin at nireject kita? Iyak ka ng iyak haha."

Eh gago pala talaga 'to eh. Kung kakainin ko man siya, itatae ko 'to agad eh. Masama sa health ko ang katulad niya.

"Kung pilit mo ding binabalik ang nakaraan, ba't hindi ka mag-Educ major in HISTORY?" sabi ko sa kanya na naniningkit ang mga mata sa inis.

Natawa na lang siya. "Sobrang nagbago ka na nga, Tabby."

Tumayo ako. Hindi ko na kayang sikmurain yang lalakeng iyan. "Allison, samahan mo ko sa CR at mukhang nakahigop ako ng hangin mula sa lalakeng ito. Nakakautot eh!" tumayo na rin agad si Allison at dumiretso kami ng Ladies' Room. May mga babaeng jeje na nagme-make up doon at mas pink pa sa cotton candy ang mga labi.

Tinignan nila ako at nagbulungan at tumawa pa. Tinitigan ko sila ng sobrang sama, as in yung death glare ko na parang kakain na ako ng tao dahil 20 minutes akong hindi nakakakain. Medyo na-intimidate sila pero hindi pa rin sila umaalis.

"Bakit ang taray mo ah?!" sabi nung isa sa malalim na boses.

"Eh ba't ang panget mo?!" sagot ko sa kanya. Aba eh. Kala mo naman maganda. Di hamak naman na mas maganda pa nga yung stretch mark ko sa kanila. At kapag sinabi kong mas maganda ang stretch mark ko sa kanila, ibig sabihin lang nun sobrang pangit nila.

"Makaalis na nga. Hindi ka tao, baboy ka." sabi nung isa.

I smiled at her. "Wag kang mag-alala, hindi rin kayo tao, endangered species nga kayo eh!" I shouted tapos lumabas na lang sila. Tsk. Nakakainit pa ng ulo.

"Ano na friend? Hindi ba bumalik yung sparks nung nakita mo ulit siya? Ayee, aminin!" sabi naman ng Allison na ito.

Tinignan ko siya ng masama. "Sparks? Gusto mong makakita ng sparks at maghulus-dili ka nga diyan sa pinagsasabi mo! Ako? Magkakagusto pa sa Greg na iyon? Eww ahh."

"Sabagay ibang Tabby ka na nga pala... pero friend, parang interesado siya sa'yo ah."

"Well, interesado rin ako sa kanya.... interesado akong sakalin siya, kalmutin siya, kurutin siya, iparanas sa kanya lahat ng sakit na naramdaman ko. Nakakainis talaga! Bakit kase kaylangan niya pang bumalik sa buhay ko?" 

Natawa si Allison. "Ikaw ah, parang apektado ka pa rin. Saka, nireject ka lang, ang OA mo Tabby." tinignan ko siya ng masama. "I mean, uhhh.. OA sa ganda. Ikaw naman hahaha."

Napatingin na lang ako sa salamin. Hindi kaya tama nga si Allison? Na baka apektado pa rin ako sa kanya. Pero duh?! That's so long ago. Muling ibalik ang peg? No way.

Lumabas na kami ulit ni Allison pabalik dun sa table pero..... ang daming taong nakapaligid sa may pwesto namin. Weird, anong meron? Oh em gee.... hindi kaya may nangyari na kina Kei at Greg doon?! I mean... baka.... ewww..... y' know? May ginagawa silang kababalaghan doon....

Nakisingit ako doon sa crowd and nire-ready ko na yung sarili ko if ever makita ko silang nakapatong doon sa isa't isa.... and I was right.

Nakapatong nga si Kei kay Greg.

Pero, hindi sila nag-echekechek. Sinusuntok ni Kei si Greg. Whew. Hindi naman pala bakla si Kei...... pero kahit na no. Ba't sila nag-aaway dyan?!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon