Thirty five

245K 4.1K 548
                                    

"Tabby, kakaen na daw sabi ni Nay Erma. Paborito mo, beef steak." kumakatok yung asungot na lalakeng 'yun. Eh hindi niya ba alam na ayaw ko ngang kumain?! Kahit na paborito ko pa ang beef steak? Kasalanan 'to ng ate niya eh. Nakakainis kase yung mga ganung tao na effortless pero ang sexy. Kainis! 

"HINDI AKO KAKAEN." sabi ko pero parang labas sa ilong yung pagkasabi ko nun. Paano ba naman kase, nagugutom na talaga ako. Hindi na nga ako nag-almusal at nag-lunch kanina eh. Tapos ngayong dinner naman... hay kumukulo na yung tyan ko. Parang magkakaroon ng hot springs sa sobrang pagkulo eh.

"Ba't hindi ka ba kumakaen? Bahala ka dyan uubusin ko lahat yun!" 

Nakakainis. Ayoko na ngang kumain eh. "UBUSIN MO PATI PLATO HA?!" sigaw ko habang binabalot yung sarili ko ng kumot. Nakahiga lang ako sa kama. Kaylangan kong magpapayat para... para manalo ako doon sa beauty competition na 'yan. 

Sa wakas eh tinigilan na ako nung unggoy na iyon. Siguro sarap na sarap siya sa pagkain ng beef steak... yung masabaw, tapos mainit na kanin plus super cold softdrinks. Tapos tapos... ANO BA 'TONG INIISIP MO NGAYON TABBY?! Magpapapayat ka. Papayat ka. Ganun diba kadalasan? Kapag panget o mataba ang bida sa isang istorya, kaylangan niyang mag-transform para lang magkaroon siya ng happy ending. Hindi ako papayag na maging tragic ang story na ito. Duh? Hindi na nga nakakatawa yung story lalagyan pa ng drama?! Author naman!

Anywaaay... nagugutom na talaga ako. Hindi ko nga napansin na nginangatngat ko na yung unan ko eh. Kainis. Ang hirap pala kapag nagutom ako. Paano kaya kapag naging pulubi ako? My gosh hindi ko kayang isipin yun...

Biglang may kumatok sa pinto. 

Anak ng kalabaw. Nakakagulat naman. Panigurado 'yung Kei na naman na iyan 'yung kumatok. Panigurado aasarin ako, iinggitin ako sa beef steak na paborito ko. Panigurado sasabihin niya na dapat lang na gutumin ko ang sarili ko para pumayat naman ako. Panigurado..

Pagkabukas ko ng pinto, nandun nga si Kei. Pero may dala siyang isang tray na may beef steak saka isang baso ng coke. Napatitig ako sa kanya.

"Ano 'yan? Diba sabi ko naman ayokong kumain?!" sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang nagulat ako at... na-touch. Ewan. Sweet din pala 'tong mokong na ito.

"At sino namang nagsabi na para sa'yo 'to? Dito ako kakaen." sabi niya at pumasok na ng kwarto ko tapos nilatag yung tray sa kama. 

Kainis talaga!!! Mauupakan ko talaga 'tong mokong na ito eh! Akala ko pa naman nagbago na! Yun pala ganun pa rin. Ihalo ko kaya siya sa kumukulo kong tyan!

Umupo ako sa tabi niya. "Ano?! Nang-iinggit ka kase ikaw pwede kang kumain at hindi ka naman tataba pero ako-" naputol yung sinabi ko nang bigla ba naman niyang isubo yung kutsara na may kanin at ulam sa bibig ko. 

"Tumahimik ka nga dyan at kumaen ka. Hindi bagay sa'yo mag-diet." sabi niya.

Tinanggal ko yung kutsara pero napanguya na dun sa kinakain ko. "Nakakabanas ka!! Ba't mo ginawa yun? Nagpapapayat nga ako eh!"

"Nagpapapayat ba ang tawag dyan? Nagpapakamatay ka eh!"

"Bakit ka ba nakikielam ha?! Ano naman sa'yo kung hindi ako kumakain? Maganda nga 'yun, at least papayat ako. Yun naman yung gusto niyo diba? Kaya niyo ko laging inaasar, kase ang taba-taba ko! Kaya kapag pumayat ako.... kapag pumayat ako..."

Nakatingin siya sa akin. "Ano naman kung pumayat ka? May magbabago ba?" tanong niya. Napaisip ako. Meron. Madaming magbabago. Kapag pumayat ako, titigilan na nung panget na Daphne na iyon ang kakaasar sa akin. Kapag pumayat ako, magkakaroon ako ng suitors. Kapag pumayat ako wala ng iinsulto sa akin. Kapag pumayat ako, sasaya na ako.

Sasaya nga ba? Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Meron namang magbabago eh..." hindi ko alam pero parang nag-iba ako bigla. Para akong naging isang bata na pinapagalitan ng nanay niya. 

"Eh ang tanong, mahalaga ba yung mga pagbabago na iyon?" 

Nakakainis siya. Bakit niya ba ako tinatanong ng mga ganyan. Bigla tuloy akong napapaisip eh. Will it really matter if people like me? Ano naman kung hindi? Diba sabi mo Tabby na you don't live to impress and please them? Bakit ngayon ganyan ka? Bakit bigla kang naging insecure, conscious, biglang bumagsak ang confidence mo kung kelan kakasimula mo pa lang sa paglipad. Sabi mo nung una magpapapayat ka para magustuhan ka ni Rowell, then you realized you don't like him. Tapos ngayon para sa takteng Beauty competition na iyan at sa mga sinasabi ni Daphne.

Will you just give up like that? Ha Tabby?

"Kapag mataba na hindi na maganda? XL Beauty ka nga eh. Xtra Lovely." sabi niya na mukhang nahiya pa sa sinabi niya at biglang umiwas ng tingin. And my gosh, namumula ba siya? Nakakainis. Ang cute niya ang sarap niyang kainin.

"Corny mo. Akin na nga 'yan." inagaw ko sa kanya yung tray tapos kumain ako nang kumain. Bahala na kung anong mangyayari sa beauty contest na 'yan. Ang mahalaga nandito ako, kumakaen. Ang sarap sarap kaya ng beef steak. Ang mahalaga alam ko sa sarili ko na maganda ako... at may tao dito sa tabi ko na naniniwala na maganda nga ako kahit ang corny corny niya.

Naubos ko yung pagkain at uminom ng coke. Napatingin ako sa kanya.

"Tabby, knock knock," sabi niya naman.

"Siguraduhin mong bago at nakakatawa 'yan this time ah." sabi ko sa kanya. Kainis kase mamaya ano na naman 'yan kakalbuhin ko siya promise.

"Tabby,"

Tumayo ako at nilatag yung tray sa desk. "Tabby who?"

At nag-ehem pa siya. Kala mo naman maganda boses. "Ika'y isang balyena, kahit anong sabihin nila ikaw ay ubod ng-"

Naputol siya dahil may hawak hawak na akong gunting. "Kakalbuhin kita halika dito!" tumakbo siya papunta doon sa bathroom. Pilit niyang sinasara yung pinto at pinipilit ko namang buksan. "IKAW NA UNGGOY KA BUKSAN MO 'TO BILIS KAKALBUHIN KITA!"

"IKAW NA MAGANDANG BABOY HINDI AKO PAPAKALBO SA'YO ANO KA HILO?!" sabi niya naman. Teka. Maganda daw? (wag na natin pansinin yung next at baka makalbo ko talaga 'tong Kei na ito). Napatigil ako. Pansin ko lang ha, kanina pa ako sinasabihan ng maganda ng mokong na ito.

"Oh my gosh, nahumaling ka na talaga sa akin?" tanong ko.

Medyo binuksan niya nang maluwag yung pintuan. "Ano bang pinagsasabi mo 'dyan. Kapal ng taba... este mukha mo ah."

"Makapal talaga mukha ko. Ang kapal sa ganda."

Lumabas na siya sa bathroom at hinarap ako. Ginulo niya pa yung buhok ko. Nakakainis, ang tangkad pala talaga ng lalakeng ito. Nakatingala na ako sa kanya eh. Medyo nag-bend siya para magka-eye level na kami. "Ganyan. Ganyan ang Tabby na nagustuhan ko." tapos bigla ba naman niyang inagaw sa akin yung gunting at bago pa lumabas ng kwarto eh binelatan pa ako.

Kainis eh. Pero hindi ko na siya nahabol. Gusto? Gusto niya daw ako? Ano bang nakain ng mokong na iyon?

At eto naman ako, parang kinikilig pa sa sinabi niya. Tae.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon