Ten

342K 5.4K 699
                                    

Bumisita nga kami sa puntod ni Kuya Austin. October 2, 2010. Tatlong taon na pala simula nung namatay ang kaisa-isa kong kapatid. Namatay dahil sa isang hit and run.

Hindi ko nga alam bakit nakisama pa dito sila Allison at Pulubs eh. At lalo naman yang Daphne na yan. Ano na lang kayang iisipin ni Kuya pag nakita niyang ang daming bumibisita sa puntod niya? Matutuwa ba siya dahil parang ginawang death anniversary party pa o magagalit dahil sa wala man lang kaming dalang bulaklak? Kung pwede nga lang ialay ang bulaklaking palda na suot ng babaeng boses ipis na yan eh gagawin ko na. Kaso nakakahiya naman kay Kuya na alayan ko pa siya ng basahan.

At nanggagalaiti talaga ako at ang kapal ng mukha ng babaeng ito na dumalaw pa sa puntod ni Kuya! Tapos ng lahat ng ginawa niya... Wala na ba talaga siyang kahihiyan? Sabagay... sa mukhang nga iyan hindi man lang siyang nahiya na ipakita sa ibang tao. Sana tinago niya na lang at magkakaroon pa ng peace ang mundong ito,

Si Rowell mukhang dinadasalan pa si Kuya Austin. Si Daphne nakatingin lang kay Rowell ko. 

Hugutin ko mata niyan eh. Si Allison.... teka san na nga ba napadpad yun? Nandito lang yun kanina ah. Si pulubs naman nakatayo lang sa may tabi ko.

Ayoko dito sa harap ng puntod. Nakakasakal. Baka ako pa isunod dito eh. Kung sana si Daphne na lang. Magpaparty pa ako with bulaklaking palda.

Lumakad ako doon palayo. Hindi naman ata napansin.... well, meron ata. Kase naman, nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa braso ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaang tumulo ang mga luha at niyakap siya. "Rowell..."

"Anong Rowell?" nagsalita siya. Teka... hindi naman si Rowell 'to eh! Napatingala ako at si pulubs nga. Lumayo ako sa kanya.

"Ano ba naman yan! Ba't mo ba ako sinusundan! Feel na feel ko na nga yung moment na parang nasa teleserye ako, hahagulgol na nga ako tapos magkikiss kami ni Rowell tapos umeksena ka pa!"

"Masyado ka talagang nanunood ng teleserye at nagbabasa ng love stories! At saka, umiiyak ka ba?"

"Ay hindi. Feel ko kasi fountain ako eh. Gusto mo magbato ng coin?"

"Corny mo."

"Panget ka."

"Wala na talagang magandang bagay na lumalabas sa bibig mo eh no?"

"Oo, kase lahat ng maganda nasa mukha ko!" tapos tinalikuran ko siya at pinunasan yung mga luha ko sa pisngi. Hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak dito. And worst, nakita pa ako ng pulubing unggoy na ito! Ano na lang sasabihin niya, na ang hina ko?"

Umupo siya sa tabi ko at nilagay yung kamay niya sa balikat ko. Nilayo ko naman yung kamay niya. Kainis. Ano kami close?!

"Kaya ba mag-isa ka lang sa bahay kase nakalimutan ng mga magulang mo na nandyan ka pa simula nung namatay ang kuya mo?"

Napatingin ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko. "P-paano ko naman nalaman?"

"Ang totoo kasi niyan ay ako ang guardian angel mo. Pinadala ako mula sa langit para gabayan ka, para bigyan ka ng pag-asa. Kaya nga dahil sa may kakaunti pang kabutihan pa pala sa napakasama mong puso ay tutulungan kita kase sabagay eh pinatuloy mo naman ako sa bahay nyo-"

Naputol yung sasabihin niya kase binatukan ko siya. "Hindi bagay sa'yo! At saka ano bang pinagsasabi mo, humor at romance ang kwentong ito, hindi fantasy! At anong napakasamang puso?! Eh yang mukha mo hindi ba napakasama rin?!"

"Maldita ka talaga eh no? Sino ba yung Rowell? Yung lalakeng mukhang bakla doon?"

"Hoy excuse me hindi siya bakla no!" pagdedepensa ko naman sa loves ko. "At saka bakit ba interesado ka? Ikaw atang bakla dyan eh!"

"Bakla? Ako? Ay weh."

Hindi ko na lang siya pinansin. Ewan ko ba... pero parang ang gaan na rin ng loob ko sa pulubing ito. I guess napakabusilak pa rin ng aking puso. Diba? Pinagpala na nga ako sa panlabas, pati ba naman sa panloob. Siguro nung nagbuhos si Lord ng biyaya eh kinain ko lahat kaya tumaba ako at nagkaroon ng layer of fats. God loves me so much that He decided to supersize me.

"Si Rowell, best friend siya ng Kuya ko. At yung babae doon na kamukha ng butas ng pwet ko? Well, ex siya ng kuya ko. And right after namatay si Kuya, nilandi niya agad ang one and only kong si Rowell. Diba? And you call me maldita? Kung may kontrabida man sa istoryang ito, hindi ako yun kundi ang impaktitang iyon."

"Baket, sino bang nagsabi na bida ka sa istoryang ito?" tanong niya at lumapit sa akin talos ginulo pa ang buhok ko. Lumakad na siya palayo.

Nakakairita! Syempre ako ang bida dito no! The XL beauty nga eh! Pero teka, pwede ding si Daphne. Kase "XL" naman siya diba? Xtra Landi? Edi ako ang kontrabida? Eh wait, hindi naman beauty si Daphne eh! Kaya ako nga ang bida dito!

Wayyysuus. Inggit lang yang pulubs na yan dahil supporting character lang siya dito. Amp. At ang dramatic na nga ng scene, sinira pa! Talk about being so panira no!

And yuck! I'm so conyo no! Coleen Perlas, is that me?!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon