Forty two

236K 4K 1.5K
                                    

Kei's POV

Ang bigat pala talaga nitong Tabby na 'to. Buti na lang nakaya ko pa ngang buhatin 'to eh! Binuhat ko siya paakyat sa kwarto niya tapos hiniga siya dun sa kama. Hinawakan ko yung noo niya. Ang init naman.... kase nagpapaulan pa eh. Yan tuloy napala.

Kinumutan ko siya tapos bumaba. Pumunta ako ng kusina. Baka may ice pack sila dito eh. Tinignan ko sa ref wala naman. Naghanap din ako ng gamot, wala din. Ano ba naman yan! Ano bang klaseng bahay 'to! Puro pagkain lang nandito eh.

Bumalik ako sa kwarto ni Tabby at kumuha ng bimpo doon. Binasa ko yun ng malamig na tubig tapos pinunas sa noo ni Tabby. Pinunasan ko rin yung leeg niya. Bumalik na naman ako doon sa CR tapos binasa ulit tapos pinatong ko na sa noo ni Tabby.

Naupo ako doon sa isang upuan malapit sa kama niya. Tinitigan ko lang siya. Maganda naman talaga si Tabby eh. Ewan ko nga bakit siya sinabihang panget na baboy nung gagong Greg na 'yun. Nakakabanas, tuloy nasuntok ko. Tapos nagsinungaling pa kay Tabby ang lakas ng loob.

At etong Tabby na ito, napaka-slow talaga! Sinabi ko na ngang ayaw ko sa sinungaling, tapos hindi pa nagets! Pwede kayang buksan ko yung utak neto at lagyan ko ng karatula sa loob na may nakasulat na: 'TANGA KA BA? MAHAL KITA!'

Amp ang korni.

Tinitigan ko na naman siya. Mukha talaga siyang anghel kapag natutulog. Sana palagi na lang siyang tulog.

Naalala ko tuloy noong 3 years ago. Yung una kong nakilala si Tabby.

As usual pinapagalitan na naman ako ni Dad. Kase ayoko na pagdating araw ako yung magma-manage ng kumpanya. Ang gusto ko lang naman eh sana maging isa akong photographer balang araw. Wedding photographer. Ewan ko ba gusto ko nun eh. Pero sabi ni Dad wala akong future pag ganun.

Kainis. Tapos hindi pa siya saken nakikinig. Yada yada yada. Kaya sa tuwing nalulungkot ako, pumupunta ako sa park malapit sa bahay namin. Dito lang sa village na ito. Wala, tahimik kase dun.... tapos dun ko siya nakita.

Si Tabby. Naalala ko payat pa siya nun, may brace, tapos kulot yung buhok. Umiiyak siya. Nandun lang siya sa may shelter box, iyak ng iyak. Edi nilapitan ko naman siya, binigyan siya ng panyo. Tinanggap niya naman. Tapos nung nakita ko yung mukha niya,

BOOM. Instant crush.

Ang ganda ganda kase niya. May dimples, shemay! Matangos yung ilong tapos medyo bilugin yung mga mata. At mas lalo pa siyang gumanda nung nakita ko siyang umiiyak. Simula non, lagi akong pumupunta ng park, pero hindi ko na siya nakita.

Nalaman ko na taga-doon siya sa all girls' school dito sa village. Kaya minsan nakikita ko naman siya pauwi sa kanila. PERO HINDI AKO STALKER AH.

Wala lang. Masarap lang siyang pagmasdan.

Kaya nga nung nakita ko siya sa park, nung lumayas ako ng bahay, nung una hindi ko pa siya nakilala. Kase naman ilang taon na rin nung huli ko siyang nakita, tapos tumaba pa siya. Pero ganun pa rin yung mga ngiti niya... maganda pa rin... nakakaakit...

Simula nung tumuloy ako dito sa kanila, mas lalo pa akong nahulog sa kanya. Kahit na minsan eh sinasapian talaga ng kademonyohan 'tong babae na ito.

"Hmmmggh..." narinig kong sabi niya. Nagising siya tapos tinitigan ako. Amp! Bumibilis tibok ng puso ko. Nakakainis talaga.

"Oh Tabby, nagising ka na ah. Ano kamusta ka na?" tanong ko sa kanya.

"Ano bang nangyare.... teka... ba't nandito ka sa kwarto ko?! OMG. Re-rapin mo ako?! Help! Tulong!!!!"

"OA mo." sabi ko lang sa kanya. Medyo natuwa na rin ako kase mukha naman siyang okay. Pero medyo namumutla pa rin siya. "Bigla kang hinimatay nung nasa gate ka na, tapos binuhat kita papunta dito. Ang taas ng lagnat mo, kase nagpapaulan yan ang napala."

Tinitigan niya lang ako. Tapos tinanggal niya yung bimpo sa noo niya. "Ganun ba... s-salamat ah." medyo ngumiti siya sa akin. Napangiti na lang ako. Baket ba ang ganda ng babaeng ito....

TAPOS BIGLA NIYA BA NAMAN AKONG SINUKAHAN.

"Tabby! Shemay anong ginawa mo?! Kadire ka!" lumayo ako ng kaunti sa kanya tapos sumusuka pa rin siya. Pumunta ako ng CR at hinugasan yung t-shirt ko. Ang baho ko na. Bumalik ako sa loob tapos tulog na naman yung Tabby na iyon. Nako.... kung hindi ko lang 'to gusto mauupakan ko na 'to eh!

Nilinis ko yung kwarto niya kase kababaeng tao ang kalat ng kwarto. Tapos tinanggal ko na rin yung mabaho niyang suka at bumaba ng kusina para magluto ng chicken soup. Yun yung pinapakain sa akin pag may sakit ako, kaya alam kong pwede yun.

Bumalik na ako sa kwarto niya at gising na pala siya. "Oh, nagluto ako para sa'yo." sabi ko sa kanya at nilatag yung tray sa may kama.

"Marunong ka palang magluto?"

"Kakasabe ko lang diba? Kumain ka na nga lang." kinuha ko yung bowl tapos kutsara. Hinipan ko muna para sa kanya kase mainit pa, tapos susubo ko na sana sa kanya pero ayaw niyang buksan yung bibig niya.

"I can do it on my own." pagmamatigas niya.

"Hindi, susubuan na kita. Wag kang makulit, kundi titirisin kita dyan." hindi na lang siya umangal siguro kase medyo mahina pa siya. "Say ahh, baby Tabby,"

"Tang ina you." sabi niya tapos sumubo na rin. Sinubuan ko lang siya hanggang sa naubos na. Grabe, hanep, hindi talaga 'to makakaangal sa pagkain. Kahit may sakit na ang takaw pa rin eh.

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan yung dulo ng t-shirt ko. Napatingin ako sa kanya, nakayuko siya doon at namumula ang mukha. "Kei... dito ka muna. First time may nag-alaga sa akin na may sakit ako eh.... at... masarap pala sa pakiramdam."

Hindi ko naman nilagyan ng gayuma yung chicken soup ah. Wala naman akong nilagay na kung anong magic doon, pero ba't biglang ganito kung umasta si Tabby?

"Ayoko nga." sabi ko sabay belat. Napatingin naman siya sa akin at nanlilisik ang mga mata tapos umuusok ang ilong. Patay. Ang iksi naman ng epekto ng chicken soup, parang nadigest niya agad.

"Wala ka talagang kwenta! Che! Sige umalis ka na! Gago you!" sabi niya ng malakas. Ang sakit talaga sa tenga ng boses ng babaeng 'to. At dahil ganyan na siya ulit, for sure magaling na 'to.

"Taba you!" sabi ko tapos kinuha yung tray at lumayo sa kanya. Buti na lang mahina pa siya at hindi niya ako mahahabol. Bwahahaha.

"Ulol you!" sabi niya.

Nandun na ako sa may pintuan. Lalabas na sana ako nang mapangiti ako sa kanya. "Love you," sabi ko ng mahina.

"ANO? HINDI KITA MARINIG!" grabe, high blood agad 'to.

"Sabi ko bingi you," tapos lalabas na sana ako pero nagsalita ulit siya.

"Thank you!" medyo nahihiya nga siya sa pagsabi nun, pero alam ko naman na sincere siya. Nahiga ulit siya sa kama at tinakpan yung sarili niya ng kumot. Umalis na ako doon sa kwarto tapos nilagay yung tray sa kusina at bumalik din agad sa kwarto ni Tabby. Mukha nga siyang nagulat nung bumalik ako eh.

"Oh ba't ka nandito?" tanong niya na nakasimangot pa.

Tumawa na lang ako tapos naupo sa may upuan malapit sa kama niya. "Sabi mo dito lang ako eh," sabay kindat pa.

"Kadire you." tapos ayun, nangiti na lang din siya. Humiga na ulit siya sa kama at nagkatitigan lang kami. Walang nagsasalita. Nagkatitigan lang kami hanggang sa nakatulog na ang isa't isa.

Kinabukasan, ayos na ayos na nga si Tabby. Nagbubunganga na naman eh. Ako naman nasa kama, nilalamig. Dapak. Sobrang lamig. Ang sakit pa ng ulo ko tapos sinisipon pa ako. Lumapit sa akin si Tabby at hinawakan yung noo ko.

"OMG! May sakit ka Kei!" sabi niya.

Nangiti ako. "Oo nga eh, kaya dapat may mag-aalaga sa akin." dapat lang na alagaan niya ako, tapos ko siyang alagaan diyan kahapon.

Tumawa siya. Pumalakpak. "Oo nga no, dapat may mag-alaga sa'yo. Nay Ermaaaaaa! Pakialagaan daw ho si Kei please!" natuwa pa siya. "Sige na Kei my dear, may pasok pa ako eh. Bye bye!"

NAKAKAINIS TALAGA YUNG BABOY NA YUN. Nako talaga! Kung hindi ko lang talaga siya gusto eh. Amp! Kaasar!

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon