Seventy nine

187K 3K 802
                                    

Bumaba agad ako ng kotse. Sumunod naman sa akin si Kei sa pagmamadaling pumasok sa loob ng ospital. Tinanong ko kaagad kung saang room si Daphne, at nung malaman ko na 8th floor pa siya, syempre tumungo na ako sa may elevator. Alangan namang mag-hagdan pa ako, 'wag na. Baka ma-confine lang ako eh.

Hinawakan ni Kei yung balikat ko. Napatingin ako sa kanya.

"Wag kang mag-alala, okay lang 'yun si Daphne. Malakas 'yun, diba?" sabi niya sa akin. Natuwa naman ako dahil sa naging seryoso naman si Kei ngayon. Mamaya kase asarin niya ako na grabe ako maka-react eh mortal enemy ko naman 'yang Daphne na 'yan. Hay, buti hindi niya ako inasar kase kung oo, diretso morgue siya ngayon.

Bumukas yung elevator at nagsilabasan yung mga tao sa loob. Kami ni Kei yung unang pumasok tapos may mga sumunod na rin. Pinindot ni Kei yung number 8 tapos bigla na lang nag-full yung elevator.

At aba, lahat ng mga mata napatitig sa akin.

Pinagtitignan ko rin sila. "Nauna ako dito. Nung sumampa ako dito, hindi pa full ang nakalagay 'dyan. Ibig-sabihin hindi ako 'yung mabigat.... kayo."

Nagkatinginan sila tapos nagsilabasan na rin. Ewan ko nga eh, lahat naman sila lumabas kaya naiwan kami ni Kei doon sa elevator. Sumara na at umakyat na papuntang 8th floor.

Kinakabahan pa rin ako. Ewan ko ba... 'yung Daphne kasing 'yun eh. Anong malalang sakit? May taning na ang buhay niya? Ba't hindi man lang siya nagsabi? Wait... hindi nga pala kami friends. Pero diba ang masamang damo mahaba ang buhay? Baka hindi totoo yung kasabihan?

"Oh. Room 807 na." sabi bigla ni Kei kaya natigilan ako. Room 807 na nga, 'yung room ni Daphne. Kumatok muna ako tapos binuksan na rin yung pinto para makapasok na kami ni Kei.

Nung nakapasok na kami, nandoon si Daphne, nakahiga at mahimbing na natutulog. Siya lang mag-isa doon.

"Umalis na kaya tayo." sabi ko kay Kei.

Lalabas na sana ako pero biglang hinawakan ni Kei ang braso ko. "Hindi, kaylangan mo siyang makausap, Tabby. Gusto mo ba na mawala na lang siya sa mundong ito na hindi ka man lang nakakahingi ng tawad? Panghabang-buhay kang makukonsensiya, Tabby. Baka multuhin ka pa niya. Gusto mo ba na bago ka matulog sa gabi, naiisip mo yung pagsisi na hindi ka-"

Pinutol ko na 'yung sinabi niya kaagad. "Oo na, oo na! Fine. OA naman neto eh." naglakad na ako palapit sa kama niya. Pinagmasdan ko yung natutulog niyang mukha, hindi naman siya mukhang may sakit.... pero parang meron din dahil sa structure ng face niya. Teka, ang sama ko. Baka multuhin talaga ako ni Daphne neto.

"Sige, mauna na ako. Magigising din 'yan, hintayin mo na lang. Doon na lang ako sa labas para hindi ka masyadong mahiya sa iyakan niyo."

"Ikaw malilintikan ka talaga sakin eh." sabi ko kay Kei at tinignan siya ng masama. Natawa na lang si Kei at lumabas na ng kwarto.

Naiwan tuloy ako mag-isa kasama si Daphne.

Umupo ako sa may upuan malapit sa kama niya. Kung gisingin ko na lang kaya siya? Ay teka, 'wag. Baka kaylangan niya lang ng pahinga. Nakaupo lang ako doon habang pinagmamasdan siya. Itong babaeng 'to... hindi siya pwedeng mamatay. Dapat mahaba ang buhay niya, dapat hindi muna siya mawawala sa mundong ito.

Hindi pwede dahil sa kapag nawala siya, wala na akong makakaaway. Wala na akong makakasagutan. Ayoko kase kapag namatay siya, baka bumawas ang saya sa buhay ko, kase ang saya kayang awayin 'yang Daphne na 'yan. Ayoko siyang mamatay kase gusto ko pang magbangayan kame, magbarahan, gusto ko pang imaximize ang maldita powers ko sa kanya. Gusto ko pa siyang ipahiya sa lahat, kase nakakatawa yung mukha niya kapag napupuno na siya. Gustong-gusto ko talaga kapag napapameywang na siya at tumataas yung kilay. Ayoko pa... kase mawawalan ako ng kaaway.... Hindi siya pwedeng mamatay... Hindi...

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon