Four

406K 6.8K 1.2K
                                    

"Operation Magpapayat-para-aagawin-si-Rowell-kay-Impaktitang-Daphne for short, Operation MPASRKID. Or sa mas madaling pronounciation, Operation Emparskid."

"Ang dami mong arte! Hindi ba pwedeng operation diet na lang?" sabi ko naman. "Anyway, ano na? Huwag ng magpatumpik-tumpik pa boom kara karaka!"

"Well, stretching muna tayo." sabi ni Allison at nagbend bend pa. Nakakainis. Ang hirap kaya magbend bend. Napilitan na lang akong gayahin siya at grabe nakakapagod.

"Wow! Sa warm up palang hinihingal ka na! Mukhang papayat ka na talaga neto friend!" buti na lang at napagod ako kundi mababatukan ko talaga 'tong babaeng ito. Sunod naman ay nagjog kami sa buong park sa may village namin/village ng school namin. Yes, iisang village lang yung school ko at yung bahay ko. Well, that's not the main point nga pala.

"Jog jog pa!!" sabi ni Allison na kumakain ng sadwich at nakaupo sa isang bench. Nakakagutom! May gash!

"Eh kung samahan mo kaya ako dito gaga ka! Pakaen-kaen ka pa dyan!" tumatakbo pa rin ako. Grabe, 39 mins. na ako tumatakbo paikot-ikot ahh.

"Baket, ako ba ang may gustong magpapayat para maagaw ko si Rowell?" naging sagot niya naman. Magaling rin sumagot 'tong bff ko eh no. Lalo pa tuloy akong ginanahan tumakbo dahil naalala ko si Rowell. Tumakbo ako ng tumakbo, papunta sa may playground, pero nung habang tumatakbo ay may nakapatid sa akin na dahilan na mahulog ako. Pero buti na lang paupo lang akong nahulog.

"Aray!!! Ano ba naman kase yan?!" napatingin ako doon sa bagay na dahilan na pagkapatid ko. Napatili ako dahil....

dahil may paa doon sa may loob ng shelter box ng playground.

"Ang ingay ahh..." narinig ko pang nagsalita yung nasa loob nun. Oh em gee! 6:34 palang ng umaga minumulto na ako. Lalayo na sana ako pero biglang may kamay na lumitaw at hinawakan ako.

"LET GO OF ME YOU GHOST FREAK!" nasigaw ko at sinipa yung paa niya.

"SHET ANG SAKET AH!" narinig kong sabi ng multo. Weird. Pati pala multo nagmumura na. Napatigin ako sa loob ng shelter box at nakita yung asungot na dahilan kung bakit ako napatid. Hindi pala siya mumu. Mukha lang.

When I get to clearly see his face, and nakita niya rin ako, sabay kaming napasigaw ng "Ikaw na naman?!"

Binitawan niya ang kamay ko at tinitigan siya ng masama. Ang weird niya. Ano ba yan. Baket siya natutulog dito? At mukhang hindi pa siya naligo kase yun pa rin yung suot niya kahapon nung nakabangga ko siya. Eeew sayang cute pa naman pulubi lang.

"Taong baboy." sabi niya.

"Pulubing unggoy."

"Aba!" sabi niya at hinila ako palapit sa kanya. As in sa loob ng shelter box. Nagulat ako sa kanya, at nagulat rin ako na akalain mo yun, kasya pala ako sa loob nito. Mukhang pumapayat na nga ako ah. But anywaaaay! Yeah! Nandito kami ngayon sa loob and he's so close to me!

"Taong baboy...." nasabi niya. Weird. Hindi ganun kabango ang hininga niya pero masarap amuyin. Nagkakadikit na yung mga noo namin and nagulat ako na ang hot niya.

HOT AS IN MAINIT AH.

"Oh my gosh!" Lalo pa akong nagulat dahil he kissed me. His lips were warm and soft. Not bad for a pulubi. Pero... that's my first kiss. Aaminin ko masarap siya sa pakiramdam but still.... teka, ang tagal niya naman bumitaw?! Ganyan ba ang allure ko sa iba?! Oh my gosh mukhang pagsasamantalahan pa ako neto ah!

I pushed him away at napansin kong nakapikit siya. Walang malay. Oh my, he passed out.

"Pulubing unggoy, hey, wake up! Grabe ka naman namatay sa kilig na dulot ng halik ko! Wait, I'll get help okay?" sabi ko kahit alam ko namang hindi niya ako naririnig. Lalabas na sana ako ng shelter box but then.....

Hindi makalabas ang mga hita ko. Pinilit ko pa pero hindi talaga ako kasya sa butas. Nakahiga tuloy ako doon at nakahilata. Half of my body is outside while the other half is still inside. Oh my gashh...

"TULONG!!!!!!!"

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon