Seventy eight

189K 2.9K 660
                                    

Tumayo ako at naglakad papuntang kusina. Kumuha ng pitsel at nagbuhos ng tubig sa isang baso tapos ininom ito kaagad. Pagkatapos bumalik ulit ako doon sa sofa sa salas, sa tabi ni Kei.

Nung nakaupo na ako, tumayo din ako kaagad kase feeling ko naiihi ako kaya nagpunta naman ako sa CR doon sa may hallway sa pagitan ng kwarto nila Nay Erma at ng kusina. Pagkatapos bumalik na naman ako sa upuan sa tabi ni Kei. Sinusundan niya ako ng tingin, siguro nahihilo na siya kakatingin sa akin.

Tatayo pa sana ulit ako pero bigla namang hinawakan ni Kei ang kamay ko.

"Oy Tabby, relax nga lang! Nahihilo na ako sa'yo. Umupo ka nga, kanina ka pa tayo ng tayo dyan eh."

Bumitaw ako sa kanya tapos naupo na rin. Nag-crossed arms pa ako. "Eh kase naman, sino ba namang hindi kakabahan dito diba? Any moment now, dadating na yung dad mo."

Nangiti naman siya sa akin. Nakakainis, nagpa-panic na nga ako ngingitian niya lang ako. Nag-relaks position pa siya, as in yung mga kamay niya nasa ulo niya tapos nag-slouch pa sa sofa. "Tabby, nakaharap mo na nga si Dad nun, tapos ngayon ka lang kakabahan? Ang late naman ng reaction mo."

Hindi ko na lang siya pinansin. Ewan ko rin kung bakit bigla akong kinabahan at parang nawala lahat nung tapang ko. Kainis naman kase. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, sabi ni Kuya Rowell 'wag ko daw hayaan na maoverwhelm ako ng emotions... ang hirap naman neto. Kaasar.

Biglang tumunog ang doorbell.

"Oh, andyan na sila." sabi ni Kei at natayo na. "Ako na ang sasalubong, dito ka na lang muna. Magdasal ka na, Tabby."

Inirapan ko siya. Halata kaseng nang-aasar palibhasa eh ako yung kinakabahan dito hindi siya. Nung makaalis na siya, naiwan akong mag-isa doon. Ang bilis ng tibok ng puso ko... hindi ako makahinga... narinig ko na yung mga boses ng Dad at Mom niya, narinig ko na yung footsteps nila na paparating dito...

Panginoon, tulungan Niyo ako. Bigyan Niyo ko ng lakas at katapangan. Amen.

Uhm, sana din po ay bigyan niyo ako ng self-control... para hindi ko mapatay ang mga magulang ni Kei. Joke lang po. Para hindi ko sila masigawan ulit.

Pero Lord, kung hindi ko na po talaga kaya, bigyan niyo po ako ng kakayahang tumakbo ng mabilis paakyat ng kwarto ko sa oras na magwala sila. Amen.

Natapos na yung dasal ko at pagkamulat ko ng mga mata, bumungad sa akin yung mga magulang ni Kei. Napangiti yung Mommy niya at lumapit sa akin.

"Hello there," sabi niya pa. Naks ang bait ah.

Tumayo ako at nakipagkamay. "Hi po. Sige po, maupo kayo." sabi ko naman. Oo, nagpo-po din naman ako no. Lubusin niyo na yan, minsan niyo lang maririnig sakin yan.

Umupo naman silang tatlo. Yung mga magulang ni Kei sa harapan ko tapos si Kei umupo sa tabi ko. Hinawakan niya pa ang kamay ko.... kahit papaano nakakagaan ng loob.

Tahimik lang. Ayoko pang magsalita, kinakabahan pa rin talaga ako. Nakangiti pa rin yung mom ni Kei habang tumitingin sa paligid ng bahay. Finally napatingin siya sa akin at lalo pang lumapad yung ngiti niya. "This is really a nice house, hija. Where are your parents?"

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Kei. "Nasa abroad po ang mga magulang ni Tabby, ma."

"Oh, edi sinong kasama mo dito? Your yayas?"

"Op-" naputol na naman ako dahil nag-lean forward si Kei at tumango. "Yes, mga yaya niya lang ang kasama niya dito... and me."

Napatango din yung mommy niya. "Hmm, don't you feel a little bit sad about that, Tabby?"

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon