Seventy

198K 2.9K 491
                                    

Lunch break. Tinext ko kaagad si Allison para sabay kaming mag-lunch sa mall. Nandun ako sa gate at hinihintay yung bruha. Maya-maya pa ay biglang may tumapik sa balikat ko. Akala ko si Allison na, yun pala yung pesteng Abby na yun.

"Hi Tabby! Sabay na tayong maglunch." sabi niya sa akin.

Tinignan ko siya nang masama. "Bakit? Close ba tayo ha?"

Lunapit siya sa akin, yung tipong tabing-tabi na kami at nagkakadikit na yung mga braso namin. "Oh yan, close na tayo."

Tumawa ako, yung sarcastic na laugh. "Haha, lumayo ka sa akin at baka mahawaan ako ng kakornihan mo no. Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin ah? Ang kulit mo rin no."

"Kambal kase tayo, tignan mo pareho tayong maganda, tapos sakto kase ikaw si Tabby, at ako naman si Abby. Diba? Kambaaaaaall!!!" lalapit pa sana siya lalo para yakapin ako pero hinawakan ko yung mukha niya at pinilit na nilalayo siya sa akin. Ang weirdo talaga ng babaeng ito! Ano ba yan!

"Tabby!" narinig ko yung boses ni Allison na tinatawag ako. Lumakad siya palapit sa akin at napatingin kay Abby. "Sino yan? Bagong kaibigan mo?"

"No way. Pet ko 'yan." sabi ko at tinulak si Abby palayo sa akin. Nabalance niya naman ang sarili niya at hindi siya nahulog.

"Ang mean mo talaga kahit kelan, Tabby. Haha! Hi, ako nga pala si Abby. Allison diba?" inoffer niya pa yung kamay niya kay Allison para mag-handshake sila.

Kinuha naman yung ni Allison at nagshake hands sila. "Ummm, okay. Hi Abby, nice to meet you. Sige na, kain na tayo, nagugutom na ako."

"Oo nga eh gutom na rin ako." segunda naman ni Abby.

Tinignan ko ulit siya. "At sinong nagsabing sasama ka sa amin ah?"

"Wala. Pero dahil sa makulit nga ako, mismong ikaw na rin nagsabi, paninindigan ko na. Sasama ako kahit ayaw mo kase makulit ako."

Tawang-tawa naman si Allison doon sa sinabi ng Abby na iyon. "Mukhang nakahanap ka na ng katapat mo Tabby ah, hahaha! Sakto pa Tabby at Abby, para kayong kambal! Haha!"

Binatukan ko naman kaagad si Allison pero tawa pa rin siya nang tawa. Yung makulit na pesteng Abby naman yan nakangiti pa sa akin at naka-puppy eyes pa.

"Fine, sumama ka na nga, may magagawa ba ako sa kakulitan mong iyan?"

Nakapila ako dito sa KFC, habang si Allison naman naiwan doon sa table. Si kuliters naman nag-order sa McDo. Naghihintay lang ako nang may nakita akong pamilyar na lalake sa pilahan sa tabi ko.

"Kuya Rowell?" tawag ko sa kanya.

Napatingala siya kase nagtetext siya at napatingin sa akin. Tapos nginitian niya ako. "Tabby! Ikaw pala."

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya na nakangiti pa rin. Pagkatapos ay pareho na kaming turn na namin sa pag-order. Nag-order lang ako ng Ala King Supreme Bowl tapos nun nagbayad na. Pagkatingin ko nandoon si Kuya Rowell na mukhang hinihintay ako.

"Sabay na tayong mag-lunch." sabi niya.

"Ah, may mga kasama ako eh, pero sige sumama ka na lang sa amin. Tatlo lang naman kame eh."

Pumunta kami ni Kuya Rowell doon sa table namin. Nadoon na si kuliters at nag-order na si Allison. Napatingin si kuliters kay Kuya Rowell.

"Ahh! Si Rowell Mercado! Siya yung crush mo diba Tabby?" sabi naman nung kuliters na iyon habang sumusubo ng fries.

Namula naman halos ang mukha ko. Paano ba naman kase, ang lakas kaya ng pagkasabi niya! Napatingin tuloy lahat ng tao.... at malala sa harapan pa talaga ni Kuya Rowell. "Shut up you kuliter freak!" sabi ko sa kanya at umupo na.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon