Forty

231K 3.7K 550
                                    

"Kei! Anong ginagawa mo ha?!" tanong ko sa kanya with matching nanlalaki pa ang mga mata. Nung narinig niya yung boses ko, napatingin siya sa akin at binitawan si Greg. Hawak kasi ni Kei yung collar ng polo ni Greg eh.

Tumayo siya at pinagpagan ang sarili niya. "Ano pa ba? Edi binubugbog ko 'tong gago na ito. Alangan namang nire-rape ko siya diba? Tanga na lang makakaisip nun."

Aray ah. Edi tanga ako? Eh kase naman no! Para kayang type ni Kei si Greg.

"Nako.... Kei, ba't mo naman binugbog yang gago na iyan? Kahit gago pa siya, 'wag mo siyang saktan. Hindi porke gago siya eh gaganyanin mo na.... nako Kei." lumapit ako kay Greg at tinulungan siyang tumayo. "Kapag dinemanda ka ng gagong ito, patay tayo niyan eh. Mula pa naman sa mayamang pamilya ang gagong ito."

"Ahem." sabi ni Greg sa tabi ko. "Mukhang mas nasasaktan ako sa mga sinasabi mo Tabby eh. Baka ikaw ang idemanda ng GAGONG tulad ko."

Hee. Talagang may emphasis?! "Sorry gag- I mean Greg." nginitian ko na lang siya. Napansin kong ang dami pa ring tsismoso't tsismosa kaya tinitigan ko sila ng masama. Nagsibalikan naman sila sa upuan nila. Si Allison naman nilapitan si Kei at tinanong pa kung okay lang siya. Ay? Parang mag-syota. Gusto ko din naman tanungin si Kei kung ayos ba siya, kaso kawawa naman 'tong Greg na ito. Siya na nga yung nabugbog.

"Ano ba talagang nangyari ah?" tanong ko kay Greg nung palabas kami sa restaurant. Nauuna sa amin sila Allison at Kei, at ewan ko, parang gusto ko ring gawin yung ginawa ni Kei, yung manuntok. Hindi ko akalain na malakas pala yang lalakeng iyan. Grabe kaya, nagka-black eye si Greg oh.

Tumawa siya ng mahina. "Kase naman yang boyfriend ng best friend mo, sinabi ko lang na ang ganda mo eh bigla na akong sinugod. Hindi kaya may gusto sa'yo yan ah?"

"Ha? Ahh... ehh hindi no. BOYFRIEND nga siya ng BEST FRIEND ko diba?! Hahahaha," nakakainis ah. Pinagkamalan pang sila Kei at Allison. Pwede namang ako yung pinagkamalang girlfriend diba? Daheck. Corny corny ko tonight.

"Edi ganun... may pag-asa pala ako sa'yo, kase ako lang yung may gusto sa'yo?"

Gusto ata ng lalakeng ito ng isa pang black eye eh. Kaylangan ipamukha na siya lang yung nagkakakagusto sa akin?! Teka..... ANURAW?!

"G-gusto mo ko?! Ha?"

Natawa pa siya. Mukha ba akong clown? "Oo Tabby. Nung nakita kita kanina sa play, hindi ka na nawala sa isip ko. Tapos nung sa beauty contest naman, mas lalo pa akong tinamaan sa'yo eh. Ang ganda ganda mo kase. Crush na kita."

"Yan ang sinasabi kong great taste!" tugon ko.

Tumawa ulit siya. "Nagbago ka na talaga Tabby. Kung sana ganyan ka nung nagtapat ka sa akin noon, baka sinagot pa kita."

YABANG TALAGA EH -_____- pinaparating niya ba na ako pa ang nanliligaw?! Promise, makakatikim talaga sa akin ang lalakeng ito. Dodoblehin ko yung ginawa sa kanya ni Kei eh. Napakayabang talaga! Ba't ko ba nagustuhan 'to?!

"Para ka ngang bangin eh.... I'm falling for you." AT IN FAIRNESS ANG BAGO NG PICK UP LINE NIYA AH. FIRST TIME KO NGA NARINIG YAN EH. ORIGINAL WORK NIYA ATA YAN.

"Hehehe," tumatawa ako para naman 'di siya mapahiya. "Ikaw naman para kang manhole."

Ngumiti siya sa akin. "Uy, bumabawi ah. Haha, sige. Bakit naman manhole ako?"

Kinurot ko pa yung pisngi niya at lalo pa siyang napangiti. Grabe, bulag pala ako dati no. Nagustuhan ko 'tong lalakeng ito, sa ganda kong ito. "Alam mo kung bakit ah? Ha Greg? Hehehehe...." biglang nanlisik yung mga mata ko at diniinan yung pagkurot sa pisngi niya. "Kase, TANGA lang ang mahuhulog sa'yo! Dyan ka na nga at hindi ko kaylangan ang hangin mo, marami kaming aircon sa bahay!" naglakad ako palayo sa kanya at hinila na si Kei. Nagulat nga si Allison eh.

"Oh best, bakit?" tanong ni Allison.

"Uuwi na kami ni Kei. Mag-ingat ka na lang pauwi Allison ah, gusto mo pag-drive kita o gusto mong mag-sleepover sa bahay?"

Umiling siya. "Hindi ako pwede eh. Sige, kaya ko namang umuwi mag-isa. Bye bye," nagpaalam na kami sa isa't isa at hinila ko na palayo si Kei. Malapit na lang naman din kami sa bahay kaya keri ko nang gamitin ang aking mga majestic feet. Si Kei naman hindi makapagsalita kase nagulat din bigla ko ba namang hilahin.

Finally nasa tapat na kami ng mansyon ko at hinarap ko si Kei. Napalunok siya ng laway.

"Sabi sa akin ni Greg yabang na kaya mo daw siya sinuntok kase sabi niya ang ganda ko daw. Bakit mo ginawa yun ha?! Ano? Nagseselos ka? Kase may gusto ka na nga saken?" tanong ko sa kanya. Sana sabihin niya na gusto niya na nga ako. Kase kung hindi, nako lang. Nako lang talaga.

Natawa siya bigla. Aba! Ba't tumatawa 'tong loko na ito?

"Ako? Magkakagusto sa'yo? Gising gising Tabby. Kaya ko siya sinuntok kase sinungaling siya. Ayoko sa sinungaling. Sabihan ka ba naman na ang ganda mo daw? Haha! Ayoko talaga sa mga sinungaling eh!"

Tawa lang siya nang tawa doon. Nakakainit na ng dugo ah. Nag-doorbell na lang ako at pinagbuksan ako ni Leah ng pinto. Papasok na sana ako nang marinig kon bumulong si Kei.

"Kaya nga ayoko rin sa sarili ko," sabi niya sa seryosong boses. Tapos tawa. Naka-drugs na talaga 'to swear.

Ayaw niya daw sa sarili niya. Tsk. Ayaw ko din naman sa kanya eh. Nakakainis kaya! Saka ano ba? Nag-eexpect ako na baka gusto niya rin ako?!

Hindi bagay sa akin ito. Kadire. Nandidire talaga ako.

Pero nasasaktan din ako.

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon