Forty three

227K 3.9K 765
                                    

"Friend!! Pwede humingi ng favor?" tanong sa akin ni Allison nung nakita ko siya pagkatapos ng first class ko. Nandito kami sa may labas ng lib.

"Erm, depende sa favor. Pero syempre may kapalit."

"2 months supply ng pizza?" 

"Deal. Ano ba yan ha?" tanong ko sa kanya.

"Simple lang naman, pwedeng ikaw mag-fill in para sa akin sa Broadcasting Club? Madali lang naman yun, may mga girls lang na pupunta doon at hihingi ng advice, tapos sasagutin mo lang. Syempre maririnig yun sa buong school, sa lugar kung saan may speakers. Please? may emergency kase sa bahay."

Pinag-isipan ko muna syempre, pero parang madali lang naman yun. "Sige na nga, basta pizza ko ah. Two months!"

Napatalon siya sa tuwa. "Yey! Best friend talaga kita~ Thank you!" niyakap niya pa ako. Tapos nagpaalam na rin siya kase kaylangan niya na daw umuwi. Nagpaalam na rin ako at pinapunta niya ako doon sa Broadcasting room, 12pm kase magsisimula yung "show" kuno niya.

And wow ah, ang daming tao na nakapila doon.

"Tabby! Buti naman at napapayag ka ni Ally. May emergency daw kase sa kanila." sabi nung babaeng naka-glasses na siguro member din ng club.

"Okay fine, ano na ang gagawin ko?"

"Dito tayo," dinala niya ako doon sa loob, yung may mic chuchu. Tapos in-on niya na and nagsalita siya na parang binabati, ganyan ganyan. Tapos pinakilala ako na ako muna ang magsa-substitute kay DJ Ally. Edi yan, pumasok na yung una na manghihingi ng advice.

"Hello po Ate Tabby, ako po si Sunshine. May problem po ako."

"Bukod sa mukha mo, ano pang problema mo?"

Natawa siya. "Ate naman eh. Haha. Ganito po kase yan, may boyfriend ako for 2 years. Eh nag-break kasi kami parang hindi kami compatible sa isa't isa, tapos ayun... nung nagkita kami last weekend, narealize ko na hindi pa talaga ako nakaka-move on sa kanya. Pano po ako makaka-move on?"

"Paano mag move on? Simple lang, iwan ang katangahan at irampa ang kagandahan. Ang problema kase kadalasan, akala natin hindi tayo makakamove-on. Pero akala lang natin yan. Marami pang lalake diyan, hindi na minsan kaylangan nga ng ganda eh, landi lang sapat na."

"So paano po ako magiging malandi?" tanong ulit ng babae.

"Ay, hindi ko field yan eh. Hanggang sa kamalditahan lang ako. Kapag kalandiaan na, learn from the expert. Recommend kita kay Daphne Manalastas, nagtapos yun ng masters sa major ng kalandiaan. Just look for her na lang ha, dear?"

Nangiti yung girl at tumango-tango. "Sige sige po. Thank you!" lumabas na siya tapos may sumunod namang isang babae.

Umupo siya sa harap ko. "Hi Tabby, ano kase, secretly in love ako sa isang lalake. Kaso parang hindi ko po siya maaabot kase parang ang taas-taas niya, tapos ako plain lang. Gusto ko po talaga siya, paano ko po masasabi yung feelings ko?"

"Syempre dapat kumuha ka ng tiyempo at right place! May kakilala kase ako na itago na lang natin sa pangalang Daphne, umamin siya sa Kuya ko sa isang mall, as in with matching speakers pa ah. Tapos nagbigay pa siya ng mga flowers and chocolates, edi parang siya yung nanligaw diba? Eh yung Kuya ko naman ayaw mapahiya yun si Daphne, kaya ayun sinagot niya. Point is, kung aamin ka man, mas maganda yung kayong dalawa lang. At least kapag nireject ka niya walang makaka-witness diba?"

She nodded. "Sige po, salamat po ah! Thank you po talaga."

"You're welcome dear," tapos lumabas na rin siya. May pumasok ulit, babaeng nakayuko at natatakpan ng bangs ang mukha. "OMG, 'wag mo kong multuhin sadako!"

Naupo siya sa harap ko. "H-hindi, hindi p-po ako si Sadako. Ako po si Danica... ano po... paano po ba a-ako makakakuha ng.. ng self-confidence...?"

I crossed my arms. Mukha ngang mahiyain ang babaeng ito. "Pano makakakuha ng self-confidence? Well, una sa lahat, dapat mo munang tanggapin ang sarili mo. Learn to love yourself. Tapos ayusin mo rin yung itsura mo, dapat presentable ka. Chin up. Wag mong pansinin yung mga sinasabi ng iba sa'yo, learn how to get out of your comfort zone. Pero dapat hindi rin super kapal ng mukha ah? May kakilala kase ako na itago ulit naten sa pangalang Daphne, na sinobrahan niyan. Parang lageng na-ooverdose ng Bitch pills. Grabe, hindi marunong mahiya yun. So yeah, Danica, dapat sakto lang ah? Sabi nga too much is dangerous. And you can do it, gal!"

"S-sige po! Sasasalamat po ate!"

"Oh, chin up! Saka mukhang maganda ka naman, dapat i-show off mo yang ganda mo, yung iba nga dyan na itago natin ulit sa pangalang Daphne, grabe magpakita ng mukha kahit mas bagay sa kanya mag-bangs. Yung bangs na hanggang leeg."

Tumawa na lang si Danica at inipit na yung buhok niya. Pretty naman siya eh. Lumabas na siya tapos doon na daw nagtatapos yung segment na iyon ko. Huy ah, nag-enjoy ako in fairness. Feeling ko tuloy ako si Papa Jack o si DJ Chacha. Haha! Ako na talaga.

Lumabas na ako at nag-thank you sa akin yung mga member ng club. Tapos ayun, gorabels na ako. Pagkalabas ko ng club room, nandun si Daphne with her back-ups na nanlilisik na naman ang mga mata.

"Bakit? Hihingi ka rin ng advice?" tanong ko sa kanya.

"You.... ugh! I hate bitches like you!"

"Love yourself, idiot! Ikaw talaga, ilang beses ba kita sasabihan nyan ha?"

"May araw ka din sakin.... humanda ka lang Tabby." umalis na sila. Nagbanta pa, akala mo naman na-threatened ako. Haha. Ang ganda ng mood ko ngayon, ang saya. Ang sarap pala mag-advice!

--- 

Nakaka-writer's block pala ang ulan no? Kaya ayan na lang ang sinulat ni author. XD 

The XL Beauty (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon