LEL 3: Brutch Xeph Crimson a...

By NaturalC

22K 2K 143

Find the little girl who holds the code and kill her. Iyon ang instruksiyon kay Lead ng kanyang Lifter. Isa s... More

Lead's Profile:
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Epilogue
LEL 4: Rhiley Cross Morgan a.k.a. Tin (Sn)

Part 13

479 51 2
By NaturalC

Nagtatakang nilingon ni Mary Grace ang likuran niya. Pakiramdam niya ay may mga matang sumusubaybay sa kanya. Kanina pa 'yon. Simula nang bumaba siya ng jeep at tinahak ang eskinita papasok sa barangay nila. Nang mapansin niyang pinagmamasdan siya ng foreigner ay pumuno sa dibdib niya ang kaba. 

She meant... why the heck would you stare at a stranger? Pinilit niyang hindi ito pansinin pero sa kalahating oras ng biyahe, hindi ito pumalya sa pagtitig sa kanya. At nagsisimula na siyang makaramdam ng pagkailang. Wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga mata nito. She was never been discreet as a person. At least habang lumalaki siya, naging open siya sa mga tao sa paligid niya. Subalit nanatiling nakasara ang bibig niya tungkol sa isyu ng pagkamatay ng parents niya. Hindi niya lang makuhang pag-usapan ang mga bagay na di niya maalala.

Laking luwag ng dibdib niya nang sa wakas ay bumaba siya sa jeep. Tuluy-tuloy siyang naglakad ng di lumilingon. Subalit hayun at pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya. Pero wala. Walang bakas ng sino mang kaduda-dudang tao sa paligid. Imahinasyon lang ba niya 'yon? O masyado lang talaga siyang nagiging conscious? Mabibilis ang mga hakbang ng mga paang tinungo niya gate ng apartment nila.

Nang makapasok siya ay pinihit niya ang seradura ng pinto. Naka-lock. Kunot ang noong dinukot niya ang susi sa bulsa. Wala pa ba sa bahay ang Tiyang niya? Sa ganoong oras ay dapat nakaupo na ito sa mga nagma-mahjong na nadaanan niya.

Sinalubong siya ng kakaibang katahimikan sa loob ng bahay. Nanibago siya sa atmospera. Bukod sa tahimik ay waring may tensiyon na tila nakatiwangwang sa hangin. She shook her head. She was maybe going nuts. Nagiging paranoid na siya.

"Darating ang panahong kailangan mong maging maingat, Mary Grace. If the time comes when your life was on the line, that person would surely come... I hope so..." 

Bakit naalala niya ang linyang 'yon ng kanyang Uncle Marco?

Mahina ang mga yabag ng paa niya papunta sa maliit na salas kanugnog ang kusina. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang Tiyang niya. Nakatali ang katawan nito sa may silya. Nakapiring ang mga mata at may busal sa bibig.

"Hhmphh!!!" nahihintakutang pag-ungol nito.

Napasinghap si Mary Grace at natakpan niya ang bibig. Biglang umalarma ang kaba sa kanyang dibdib. Agad niya sanang lalapitan ito para saklolohan pero biglang may tumutok na mga baril sa kanya mula sa iba't-ibang direksiyon. May mga malalaking lalaking nagtatago sa loob. Halatang mga propesyunal dahil di man lang niya naramdaman ang presensiya ng mga ito. Awtomatikong naitaas niya ang dalawang kamay.

"Is this the girl?" Isang lalaking puti na nakapamulsa ang lumapit sa kanya hawak ang isang larawan. Bumaba ang tingin nito doon pagkatapos ay muling tumaas ang paningin sa kanya. Ngumisi ito. "We caught the target.

"Anong gagawin niyo—" Bago niya pa masambit ang nasa isip ay isang tela ang sumaklob sa ulo niya. Sisigaw sana siya subalit may maagap na kamay na tumakip sa kanyang bibig. She struggled but she felt the strong arms that made her body immobile. Iginapos ang mga kamay niya mula sa likuran. Napangiwi siya nang sapilitan siyang hilahin at isinandal sa dingding.

Walang anu-ano'y isang hiyaw ang umalingawngaw sa loob ng apartment. Naramdaman ni Mary Grace ang waring pagpa-panic ng grupo.

"Tch! He's only one man! Don't let him get you!" anang pinakapinuno.

Impit na putok ng mga baril na tila laser. Pagkabasag ng ilang mga kagamitan. Matatalim na galaw na lumilikha ng hiwa sa hangin. Iyon ang mga naririnig ni Mary Grace. Tumumba siya sa sahig nang may kung anong tumulak sa kanya. At ang mga igik at ungol sa paligid ay nagpapabingi sa kanyang tainga. Ramdam niya ang pamamasa ng mga mata niya. Hindi takot ang namamayani sa kanya sa mga oras na 'yon kundi matinding kalungkutan. Gusto niyang humagulgol ng iyak. 

The scenario was too nostalgic. Dumaan na ba siya sa sitwasyong ganoon kung saan nalagay sa panganib ang kanyang buhay? Bakit napakalupit at sobrang pamilyar ng tagpong 'yon? Na para bang may nawala sa kanya. Impit na iyak ang kumawala sa kanyang bibig. She recalled a surrounding in the shades of red. Just the color of red in a creepy way. Kahit saan siya lumingon ay puro talsik ng dugo ang nakikita niya. Parang unti-unting kinakain ang kanyang laman. At nalalaglag siya sa walang hanggang kadiliman. And then someone came to pull her up...

Napapitlag si Mary Grace nang may mga kamay na dumikit sa kanyang balat.

"It's okay. Huwag kang matakot. Hindi ako kaaway," sabi ng isang buo at malumanay na boses. Kinalas nito ang lubid na nakatali sa kamay niya. Pagkatapos ay tinanggal ang sakong tela na nakasaklob sa kanyang ulo.

When Mary Grace looked up, she was bewildered. Ang mukhang tumambad sa kanya ay ang mukha ng banyagang nakasakay niya sa jeep. Wala siyang nababakas na ano mang emosyon sa mukha nito. Tanging malalamlam na berdeng mga mata na nakapako sa kanya.

"Hah!" Napahinga siya ng malalim at napaatras. At ang mga mata niyang awtomatikong gumala sa paligid ay napuno ng hindik. Dead bodies were on the floor. Tinakpan niya ang mga mata habang napapahingal. Hindi siya tumigil sa pag-atras hanggang sa tumama ang likod niya sa pader.

"Don't! Please spare my daughter!" Tila nabulag at nabingi ang batang kinalong ng dalawang katawan habang pinapaulanan ng bala. The senses of the kid completely shut down. Her consciousness eradicated to deny the reality. Right, she died. Namatay na siya ng mga sandaling 'yon.

Napaungol siya habang ang ala-alang 'yon ay dumaan sa utak niya. Her tears were streaming down her cheeks. Sobrang sakit ng dibdib niya na para bang sasabog 'yon. At ang presensiya sa harap niya ay unti-unting nagkaroon ng reaksiyon. Ang mukhang nakatunghay sa kanya ay nabakasan ng hinagpis. The man who was kneeling in front of her had an unexplained sorrow in his eyes. Hindi iyon simpatya. Isang malalim na emosyon na tila nakita niya na.

Napalunok siya. Tila ba nasasaktan din itong tulad niya. Yung pakiramdam na hindi kinaya ng puso mo ang sobrang dalamhati. Wala siyang nagawa ng mga oras na 'yon kundi ang humagulgol ng iyak.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NAGGIRITAN ang mga ngipin ni Lead habang pinagmamasdan ang dalagang tumatangis. 

What's wrong? Are you hurt somewhere? 

Ang tanong na gustong bumulalas sa bibig niya ay nanatili lang sa kanyang isip. Di siya makakilos mula sa kinaluluhuran. Ang pagtawa at ang liwanag sa mukha ng dalaga ng umagang 'yon ay napalitan ng pagdurusa kasabay ng paglubog ng araw. Kasalanan niya ba ang lahat? Napakahirap para sa kanya na makita itong gano'n. Parang hinihiwa ang kanyang laman sa bawat pag-alpas ng iyak sa bibig nito.

Mariin siyang pumikit at pilit na pinatay ang kanyang emosyon. Hindi niya maililigtas ang buhay nito kung hindi siya magiging malupit.

"I killed these men to save your pitiful life." Iyon ang unang namutawi sa kanyang mga labi. Hindi 'yon isang excuse para maghugas-kamay sa harap ng dalaga. Isa lang 'yong tapat at may saysay na mga salita. "May kailangan sila sa'yo kaya ka nila pinagtangkaang dukutin." Tumayo siya habang hindi humihiwalay ang paningin dito.

Pansin niyang bigla itong natigilan. Tumaas ang mga mata nito sa kanya. Ang mukha nitong may bakas ng mga luha ay napatingala. Kumibot ang mga labi nito. Ibinaba ang mga nanginginig na kamay. "A-anong—"

"Ipapaliwanag ko ang lahat sa'yo sa ibang pagkakataon. Wala na tayong oras." Inilahad niya ang palad sa harap nito. "Sumama ka sa akin."

Lumatay sa ekspresyon nito ang pagkalito. Pagkabahala ang gumuhit sa mga mata nito habang naglalakbay 'yon sa mga duguang katawang siya ang may kagagawan. Hindi niya ito masisisi kung makaramdam man ito ng takot sa kanya. Pinili niyang patayin ang mga naroon. Hindi niya isusugal ang buhay ni Mary Grace sakaling balikan ito ng mga mga kaaway. Sino mang ordinaryong tao ay di pagtitiwalaan ang isang estrangherong bigla na lang sumulpot. Kahit siya pa ang nagligtas sa buhay nito, dasal niyang hindi basta-basta mababali ang paniniwala nitong may masamang motibo ang mga taong nakapaligid dito.

Maging siya ay itinatanggi ang sariling eksistensiya para sa kapakanan ng dalaga. Wala siyang pansariling pakay. Puno na ang mga kamay niya para magbigay ng espasyo sa personal na pag-iisip. Sapat nang makita niyang babalik sa normal ang buhay ng babae.

"Do you despise me?" Gustong suntukin ni Lead ang sarili sa tanong niyang 'yon. Bakit ang mga salitang 'yon ang umalpas sa bibig niya? Marahil ay di niya lang napigilan ang sarili dahil sa hesitasyong gumuhit sa magandang mukha nito. Kahit di niya pa aminin sa sarili, may sundot ng lungkot sa puso niya. There was no sign of recognition in her eyes. 

Sampung taon man ang nakalipas, nakakalungkot sa kanyang parte na hindi na siya nito nakilala pa. Nakalimutan na siya ni Mary Grace. Iyon naman ang gusto niya, di ba? Pero bakit ang bigat-bigat sa loob? Xeph shouldn't be existing in her life at all. Ang mga taong hindi handang magsakripisyo ay walang patutunguhan. Ang importante lang sa kanya ng mga panahong 'yon ay ang buhay ng munting paslit. Ngayon ba? Iyon pa rin kaya ang daang tatahakin niya?

Ilang minuto ang nakalipas bago niya nasilayan ang ginawang paglingon ng babae. Pumaling ang ulo nito sa direksiyon ng kusina—specifically sa babaeng walang malay na nakatali sa upuan. Maaring pinanawan ito ng ulirat sa sobrang takot dahil sa nasaksihang barilan sa loob ng mismong tahanan nito.

"Huwag kang mag-alala. Nawalan lang siya ng malay. Pero mas makabubuting lumisan na tayo habang di pa siya nagigising." Nilapitan niya ang may edad na babae at kinalas mula sa pagkakagapos.

"H-hindi ba m-masasaktan si T-tiyang? B-Baka bigla silang b-bumalik..." Iyon ang mga salitang lumabas sa bibig ng babae. Ang boses nito ay matinis tulad ng isang tumutunog na kampana.

"Di nila aaksayahin ang oras nila sa isang sibilyan kung wala ka naman dito. Kaya mas makabubuting lumayo ka muna kung ayaw mong madamay ang mga taong malapit sa'yo," pahayag niya.

Lumunok ang dalaga. Kahit nanginginig ang kalamnan ay pinilit nitong tumayo. "S-saan ako pupunta?"

****

- Amethyst -

Continue Reading

You'll Also Like

63K 3K 40
"This is your fate Daniel... You are one of the chosen to dirty their hands for the sake of those pure souls who never taint their hands with blood...
75.3K 1.4K 22
Juan Manuel La Vista is every single woman's idea of a perfect guy handsome,perfect hunk, and a billionaire. Helena Contreras an orphan and trying...
113K 2.6K 10
PHR # 1319 First impressions last. At paano magiging impressive kay Rachel ang lalaking tila nagpapalipad ng sasakyan nang dumaan sa harapan niya ka...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...