His Broken-hearted Girl

By athreena

629K 15.5K 1.7K

Buong pusong tinanggap ni Grace ang lahat ng masasamang opinyon tungkol sa kanya ng ina ng kanyang boyfriend... More

His Broken-hearted Girl
Prologue
1. Matitigas
2. Paintings
3. Athena Grace
4. Sobra
5. Wet Kiss
6. Talk about age
7. Inhibitions, Control and Consequence
8. Your man
9. Where to kiss
10. Wounded
11. Ibang tao
13. Cause
14. Hug
15. The boy
16. Multiple
17. Disappointing
18. So bad
19. Three years
20. Which is which
21. Difference
22. Decision
23. Blurred and Impossible
24. Filthy pretty mouth
25. Unang Gabi
26. Aangkinin
27. Blue Balls
28. V neck
29. Okay
30. Stop chasing
31. More and more
32. Piece of
33. Anong nangyari?
34. I'm aware
35. Mama
36. Double Kill
37. Marry
38. Realization
39. We both are
40. Take me
41. F up
42. F u, too
43. Au Naturel
44. You know that
45. Wish You
46. Don't tell me...
47. Stay away
48. Dapat
49. The casualty
50. Not Again
51. His Thoughts
52. Masterpiece
53. Deference
54. Surreal
55. Most Painful
56. Unforgivable
57. Georgia
58. Maria
59. Wait
60. Done
Epilogue
Final Epilogue

12. The broken-hearted girl

11.6K 260 25
By athreena

Damn! I was running late. Kung bakit naman kasi hindi ko namalayan ang oras kagabi. I was jotting down all the notes from the seminar I have attended in Makati and it happened to be the most influential company who sponsored it kaya ako pumunta kahit alam kong may trabaho ako kinabukasan. Minsan lang kasi ang ganoon kaya sulong na agad ako. Marami akong natutunan, mula sa simpleng business planning hanggang sa pag-manage ng isang negosyo. Though it was worth it, I can’t just set aside United Life.

Late akong nagising. Nawalan pa ng tubig sa bahay. Now, I’m all messed up running with my pencil cut skirt and blouse and four-inched high heels. Yeah, great! Tinignan ko ang suot kong relo at nakitang fifteen minutes late na ako.

“Gracie!”

Napatigil ako mula sa mabilis na paglalakad nang marinig ko iyon. Hindi ko na sana iyon papansinin pero pamilyar sa akin ang tinig.

“Running late, huh?” Ngumisi siya at nakapamulsang lumapit sa akin.

Umirap ako sa kanya kahit na gusto ko na siyang yakapin. “Anong kailangan mo? Late na ako. Twenty minutes.” Nagmamadali kong sabi.

“Yeah, twenty minutes. Papagalitan ka lang no’ng manager mong masungit. Better to come with me, Gracie. I missed you.” Lumapit siya sa akin at kinuha ang bag na nakasabit sa balikat ko. Napangiti ako ng pilit. That’s his way of inviting me para daw hindi ko siya matanggihan.

“No, Jervis.” Sabi ko at binawi ang bag ko. “Kailangan kong pumasok, ano ka ba! One month na lang naman ako diyan kaya matitiis ko pa ang ugali ni Manager.” Nginisihan ko siya.

Inginuso niya ang kanyang mala-rosas na labi at sumimangot. He’s wearing a folded v-neck shirt, faded jeans and Nike shoes. Iyong buhok niya ay halatang sinuklay lang niya gamit ang kanyang kamay. Napailing ako nang nakita ko sa likod niya ang kulay asul niyang sasakyan. Inaabangan niya talaga ako.

“What if I’ll wait for you until lunch and then let’s eat outside?” He wiggled his eyebrows. I glared at him.

Huminga ako ng malalim bago tumango. “Fine!” Alam ko naman na hindi ko talaga siya matatanggihan.

Mula sa pagkakasimangot ay ngumiti siya ng malapad. Sinamahan na din niya akong maglakad papunta sa building ng United Life na along the highway lang din. Sinabi ni Jervis na hihintayin niya ako sa loob ng kanyang kotse. Tumango na lang din ako dahil sa pagmamadali.

“Grace!” tawag sa akin ni Hannah nang sa wakas ay makapasok ako sa opisina nang hindi sinisita ng manager. Lukot ang mukha ni Hannah at gulo-gulo ang mahaba at itim niyang buhok. “Kainis! Ako na naman ang pinagbuntungan ni Manager ng ka-late-an mo.” Aniya at ginulo ang buhok, mannerism niya iyon kapag naiinis siya.

Ngumuso lang ako at umupo na sa pwesto ko. Magkatabi kami ni Hannah ng cubicle kaya siya lagi ang pinagtatanungan ng manager kung nasaan na ako at kung bakit ako late.

Kumunot ang noo ko nang ilapag ni Hannah ang isang sobre sa mesa ko. “Galing na naman sa itaas?” tanong ko at nag-taas ng kilay, ibinababa ang bag sa mesa.

“’Yan ang dapat mong ma-reach na quota para tuluyan kang makaalis dito.” Iniikot ni Hannah ang kanyang itim na itim na mata dahil sa irita.

Kaya hindi din agad ako makaalis sa trabaho ay dahil may quota silang ibinigay and we have one month to reach it. Okay na din naman sa akin iyon basta makaalis ako dito as soon as the soonest.

“’Pag nakaalis lang ako, sisiraan ko ‘tong kumpanyang ito.” Pahabol ni Hannah na tinawanan ko lang.

Alam ko lang naman na sinasabi lang niya iyon kapag naiinis siya. I know she doesn’t mean it. Minsan kasi sa sobrang inis natin sa isang bagay, nakakapagsalita tayo ng masasama. And later on, we’re sorry about it. It’s just a spur of the moment act na hindi na maii-undo but in the good side of it, we will learn how to watch our words next time.

Bago mag-lunch ay inayos ko na ang lahat ng gamit ko. Hindi na ako babalik dahil nabuburo lang naman ako dito. Mag-iisip na lang ako ng sasabihin ko kapag nag-sales talk ako sa mga pwedeng maging customer ko para mapaaga din ang pag-abot ko sa quota.

Bumaba ako mula sa second floor ng building dala ang folders at ang bag ko. Nakita ko ang Manager namin na nakaupo sa information desk. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita ako.

“Hindi ka na babalik, Grace?” Mataray niyang tanong at pinasadahan ng tingin ang bag at ang folders na dala ko.

Ngumiti ako kahit na ayaw ko. “Hindi na, ma’am. May pupuntahan kasi ako.”

Inirapan lang niya ako at hindi na sumagot pa. Nagkibit-balikat lang ako at lumabas na sa building. Nakita ko agad si Jervis na nakasandal sa kanyang kotse, naka-ear phones at naka-shades. Napangiti ako dahil nakikita ko ang pag-kunot ng kanyang noo kapag may lumalapit na babae sa kanya.

“Hi, pogi. Sino ang hinihintay mo dito?” Tanong ng babaeng kakalapit lang sa kanya.

Hindi nagsalita si Jervis pero nag-angat siya ng tingin—doon ay nakita niya ako. Inalis niya ang shades pati na din ang earphones niya sa kanyang tainga. Lumapit siya sa akin at kinuha ang folders at bag ko.

“At last, nagugutom na ako, Gracie.” Aniya pa at binuksan ang back seat, inilagay niya doon ang gamit ko.

Tinignan ko ang babaeng kumausap kay Jervis at nakatikim lang ako ng isang matalim na titig. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-ngisi.

Hinawakan ni Jervis ang bewang ko at iminuwestra ang sasakyang nakabukas para makapasok ako. “Napaka-gentleman talaga ni Jervis.” I teased him, grinning and fastening my seatbelt.

He just chuckled. He started the ignition as soon as he clambers in. “Gusto ko ng seafoods. Royal View tayo?” Sambit niya at bahagya akong nilingon.

Nagkibit-balikat lang ako at tumingin na sa labas ng bintana. Wala naman akong pakialam kung saan ako dadalhin ni Jervis. I know I’m safe with him. I sighed.

It’s been one week since that day with a shitty being happens. Nagtagumpay akong hindi na siya isipin. Sa isang linggo na iyon ay purong trabaho lang ang ginawa ko. Attending business seminars across Metro Manila, orienting potential buyers and making moments with my Mama. Iyon ang pinagkaabalahan ko sa nagdaang isang linggo at masaya naman ako... ata?

Nang lingunin ko si Jervis para sana kamustahin siya ay nakita ko ang biglaang pamumutla ng kanyang mukha, ang sunod-sunod niyang paglunok na parang kinakabahan at ang namamawis niyang noo. Tumaas ang isa kong kilay. I know Jervis very well. Ganyan lang siya kapag may kasalanan o may gagawing kasalanan.

“Problem, Jerv?” I asked him.

Hilaw siyang ngumisi, hindi tumitingin sa akin. “W-wala,”

“Jerv, sini-set up mo na naman ba ako?” Hindi ko maiwasan ang pakitaan siya ng pagka-disgusto sa aking mukha.

Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng restaurant. Nagmadali siyang bumaba para pagbuksan ako. Kinuha din niya ang mga gamit ko sa backseat. Pagkatapos no’n ay sabay kaming pumasok sa loob. Palinga-linga si Jervis nang makapasok kami sa resto. Hindi ko pinansin ang kaba sa kanyang mukha.

“Doon tayo,” He said as he held my hand. Hinila niya ako at habang palapit kami sa mesa namin ay namukhaan ko ang likod ni Tita Mildred.

Binawi ko ang kamay ko kay Jervis. “What the hell, Jerv?!” I hissed at him.

Nagkamot siya ng batok. “Gracie, mom needs to talk to you.” He gently whispered, it’s more like a request.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Tita Mildred. Pansin ko agad ang pag-bagsak ng kanyang katawan, ang itim sa ilalim ng kanyang mata at ang walang buhay niyang pananamit. Simpleng jeans lang at itim na blusa ang kanyang suot. Sa paa niya ay flat shoes. Halos hindi ko na siya makilala. She looks miserable. Wala na iyong mukha niyang mataray at mapangmataas. All I could see now is the weak Mildred Villegas.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. “Grace, please. Dalawin mo si Paul,” Her voice quivered as I sensed plea on it.

Humapdi ang mga mata ko. Nag-yuko ng ulo si Jervis. Nanginig ang buo kong katawan dahil sa lamig na naramdaman ko sa aking mukha.

“Nagmamakaawa ako, Grace.”

Sumikip ang dibdib ko. Napaluha ako at napapikit. Iniisip ko na kasabay ng paglipas ng linggo ay hindi din dumaan sa isip ko si Paul. Pinilit ko siyang hindi inisip at alam ko sa sarili ko na mahirap iyon. Dumaan ang isang linggo na puro ang trabaho at si Mama lang ang inaatupag ko. Kapag pumupunta si Tita Mildred sa bahay ay nagkakataon na wala ako. Kapag hinahanap naman niya ako sa United Life ay hindi ako nagpapakita. Hindi pa kasi ako handang makita siya.

At nang makita ko si Jervis kaninang umaga, naisip kong hindi siya kasali sa nangyayari sa pagitan namin ng mama niya kaya pumayag ako sa gusto niya. Jervis is Paul’s only brother. He’s twenty four years old now. Nung buhay pa ang kuya niya ay sobra kaming naging close. Ikukwento niya sa akin ang mga babaeng nililigawan niya at mga nagkakagusto sa kanya. Itinuring niya akong Ate at itinuring ko din siyang kapatid. Malapit si Paul kay Jervis kaya naging malapit din ako sa kanya.

Dumalang ang pagkikita namin ni Jervis nang umpisang manghina si Paul dahil sa sakit niya. Siya ang tumutulong sa akin para makita si Paul sa ospital noon. Siya ang tumutulong sa akin sa pagtayo kapag lumuluhod ako sa harap ng mommy niya para makita si Paul noong naghihingalo na siya. Hanggang sa wala na siyang magawa sa gusto ng kanyang mommy ay tinigilan ko na din ang pagbisita sa ospital. Hanggang sa mamatay si Paul. Hindi na ulit kami nagkita ni Jervis. Until today, he showed himself to me just to set up me with his mother.

“Gracie, please. Bisitahin mo na si kuya.” Pakiusap ni Jervis. “Hindi mapakali si mommy sa gabi sa kakaisip kay Kuya. She was always telling me how bad she was as a mother. How cruel she is to you. And how she’s regretting what she did to you and to Kuya,” Namula ang mga mata ni Jervis at nag-iwas ng tingin.

“Please, Grace.”

Lumunok ako at humiwalay sa yakap ni Tita Mildred. “Masakit pa din, Tita.” Tinitigan ko ang mukha niya. “’Di ba po ang sakit ng hindi mapagbigyan sa gusto niyo?” Tanong ko sa kanya. Kumikirot ang puso ko dahil sa hindi maampat na luha ni Tita Mildred.

Nag-iwas siya ng tingin nang mapansin ko ang guilt sa kanyang mukha. Pinagsawalang bahala ko iyon.  

“Tinitikis ko si Paul dahil sa galit ko sa inyo, T-tita. Tinitikis ko ang mahal ko dahil sa natitira ko pang pride.” Suminghap ako at tinignan si Jervis. “Jerv, bring me to him.”

**

I closed my eyes as the breeze of cold air enveloped my face. My tear escaped as I realize that it was him—it was Paul—who was cupping my face. Kinakausap ko siya sa aking isip. I was sorry because I didn’t have the chance to see him on his last day. I am sorry because I was not on his side when he breathed his last air on earth. I was sorry because I let my pride took over than to visit him here.

I stared at his carved name. I tasted a bile in my throat. Ang sakit makita ang pangalan niya sa sementong iyon.

I remembered that day when he showed me our name together...

“Mahal ko, tignan mo, oh. Ang ganda ng font na ginamit sa pangalan natin. So lovely as you, mahal ko.” Kindat ni Paul at ipinakita sa akin ang pangalan naming naka-print sa scented paper. It was our wedding invitation.

“Hindi pa alam ni Tita ang tungkol dito, mahal ko.”

Naalis ang ngiti sa kanyang labi nang sabihin ko iyon. Lumukot ang kanyang noo, kinamot ang panga at inirapan ako. Tumawa ako. Nagtatampo na naman siya. Lagi siyang ganyan kapag sinisingit ko ang mommy niya sa usapan.

“Mahal ko, mahal kita, ‘di ba? Kahit bumangon pa si Daddy sa puntod niya kapag sinabihan ko si Mommy na ikaw ang mahal ko, gagawin ko. Mahal kita, Grace ko. I don’t care about mom. I only care about my future with you, soon to be Mrs. Villegas.” He winked. I smiled. He’s always the playful PJ I’ve ever met.

For me, three years is not enough to tie the knots between us. For him, three years is so enough to make sure that I am the one for him. He proposed to me in our third year anniversary. Pumayag ako kasi mahal ko siya. We were friends since high school. He courted me in our College time. And we became together when I turned twenty four, he was twenty six that time. We shared our life together. Mahal na mahal namin ang isa’t isa na wala kaming pakialam kung sino ang may ayaw sa relasyon namin. Well, ang mommy lang naman niya ang may ayaw sa akin. She doesn’t want me for his son because of my financial stability. Absurd as it may sound but it’s true. Hindi iyon binigyang pansin ni Paul.

“Loving you is all that matters, mahal ko.”

“Ikaw at ang pagmamahal mo, iyon lang ang mahalaga sa akin.”

“Mom is just there. It’s not like she’ll disown me if I choose to love you.”

“He’ll just hate me for this. But I know she’ll understand this in the end. Wala naman siyang magagawa kasi ikaw ang mahal ko talaga.”

Iyan ang lagi niyang sinasabi sa akin kapag sinasabi ko sa kanya ang bagay na iyon—na hindi ako gusto ng kanyang ina. Mas minahal ko siya dahil do’n. Dahil sa paninindigan niya sa akin at sa pagmamahalan namin.

Hanggang sa araw sana ng kasal namin.

Naglalakad na ako sa aisle. Naghihintay na sa akin si Paul sa altar na nakasuot ng all white ensemble na tux at coat. His necktie complimented on my gown color—Jade green. Sa tabi niya ay si Jervis na nakangiti sa akin ng alanganin. Kaunti lang ang makakasaksi ng pag-iisang dibdib namin, mga kaibigan ko at kaibigan niya. Si Mama din ay naroon, ngiting-ngiti sa akin. Kahit na hindi kumpleto ang mga magulang namin, itinuloy padin namin ang araw na ito.

“This is the moment when I’ll say my vow to you, mahal ko. My sincere and forever vow.” Sinabi niya ito sa akin bago kami mag-hiwalay kagabi. Napangiti ako.

But all the smiles were faded in our faces when Paul suddenly groaned. His hands were on his head as if catching it. His face is contorted in undeniable pain. I stopped on walking. I got rooted from where I was standing as Jervis came to him.

“Kuya! Kuya!”

Nagkagulo ang mga kaunting dumalo sa kasal namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Limang hakbang nalang—limang hakbang nalang sana para sa pang-habam-buhay namin pero nangyari ito.

“Gracie!” Nabalik ako sa ulirat nang malakas na sumigaw si Jervis. “S-si kuya, t-tawag ka...” Pumatak ang luha ni Jervis.

Kinuha ni Mama ang kamay ko at hinila ako palapit kay Paul. Wala sa sarili akong lumuhod para pantayan siya. Sapo niya pa din ang kanyang ulo. Sa kabila ng sakit na nakikita ko sa mga mata at mukha ni Paul ay ngumiti siya pilit sa akin. My heart squeezed. It’s like he took all his effort to smile at me like that. Binitawan niya ang kanyang ulo at hinawakan ang kamay ko.

“J-Jervis, t-tawagan mo... ‘yong pari... i-ikakasal kami ni... G-grace,” Nahihirapan niyang bigkas.

Bumukal ang luha sa aking mata. Para akong binuhusan ng malamig na yelo. “Paul, anong nangyayari? Okay ka lang ba?” taranta kong tanong at hinawakan ang ulo niya. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. I just feel so useless.

“I-Ikakasal t-tayo... mahal ko,” Iyong dapat ay ngiti niya ay naging ngiwi. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko nang sumigaw na naman siya dahil sa sakit.

“Mahal ko!” Sigaw ko, nag-aalala na dahil sa malalakas niyang daing. Halos maramdaman ko na ang nararamdaman niyang sakit sa bawat pagdaing niya. “Anong m-masakit, mahal ko?” Hindi siya sumagot, hinigpitan lang niya ang hawak sa aking kamay. Hindi ako makahinga sa nakikita ko. Hindi ko pinansin ang nanlalabong paningin ko.  “J-Jervis, anong nangyaya—“

“M-may brain tumour siya, Gracie!”

And that washes out all my strength. Nabalitaan ko na lang na lumipad na siya patungo sa America para ipagamot siya ng mommy niya. Pati si Jervis ay nawala na lang din na parang bula. Naiwan ako noon dito sa Pilipinas, iniisip ang nangyari sa mismong kasal sana namin. It just happened so fast. Hindi ako naging handa.

“Alam na niya na may sakit siya, Gracie. Ayaw niyang sabihin sa ‘yo dahil ayaw niyang iwan mo siya. Ayaw niyang kaawaan mo siya. Sinabi ni Mommy na maghahanap siya ng paraan para lumayo ka sa kanya pero binawalan iyon ni Kuya. Sinabi niya na hindi na siya magpapagamot kung gagawin iyon ni Mommy.” Narinig ko ang malalim na hininga ni Jervis sa kabilang linya, batid ko ang bigat ng kanyang nararamdaman. “Nagpropose siya sa ‘yo dahil umasa siya na mawawala na ang tumour sa kanyang utak. Pero hindi. Naalala mo nung ako ang sumundo sa ‘yo sa trabaho mo imbes na dapat ay si Kuya? Dinala siya ni mommy noon sa hospital. Doon naman namin nalaman na malala na talaga ang sakit ni Kuya. Fifty-fifty na. Iyong dating parang butil na bukol ni Kuya ay mas lalong lumaki,”

Humikbi ako at pumikit, inaalala ang bawat araw na hindi ako sinisipot ni Paul sa mga date namin. Si Jervis lagi ang pumupunta sa akin para sunduin at ihatid ako sa bahay namin. Nakakaramdam ako ng tampo noon pero nawawala iyon kapag bibisitahin ako ni Paul pagkatapos ng isang linggo. Bibigyan niya ako ng bulaklak pagkatapos ay magkukwentuhan na ulit kami na parang walang nangyari.

Pagkatapos ng isang taon ay bumalik ang pamilya nila dito sa Pilipinas. Nagkita kami ni Paul. Bumagsak ang dati ay matipuno niyang katawan. Palihim pa din kaming nakikita. Walang araw na pinaparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Ganu’n din siya sa akin. Sinabi ko sa kanya na hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya kahit may sakit siya. Because it’s true, no disease can inflict my feelings for him.

I love him too much that I am ready to hold on in any percent of chance just to be with him. Kahit bawal. Kahit ayaw ng Mommy niya.

Hanggang sa malaman na naman ito ng mommy niya. Kinausap ako ni Tita Mildred na huwag nang makipagkita kay Paul dahil nakakasama ako sa kanya. Iyak ako ng iyak nung araw na iyon.

“Hayaan niyo po akong makita siya, Tita,” Pakiusap ko. Sinumpong na naman si Paul ng kanyang sakit kaya dinala siya dito sa ospital. “K-kailangan niya po ako.”

“Let him be healed, Grace. Hindi mo ba napapansin? Sinusumpong siya ng sakit ng ulo kapag nagkikita kayo!” Sigaw niya sa akin.

“Please po, tita.” Mahina ang boses ko.

Napasinghap ako nang iangat ni Tita ang baba ko. “Sabihin mo nga sa akin!” Naghuhuniyaw ng galit ang kanyang mata. “Mapapagamot ba ng pagmamahal mo ang anak ko?” She cried. Yumuko ako at pinunasan ang luha ko. “Hindi, ‘di ba, Grace? Hindi mo ako masisisi kung ilalayo ko sa ‘yo si Paul. You are just too bad on his condition. He’s too damn hard headed. Kinakaligtaan niya ang pag-inom ng gamot kapag hindi ko siya pinapayagan na magkita kayo. Ngayon sabihin mo sa akin, mabuti ka pa ba sa anak ko, Grace? Tinutulungan mo pa ba siyang gumaling dahil sa katigasan ng ulo ninyong pareho?”

Hindi ako nakasagot hanggang sa umalis siya sa harap ko. Kinabukasan ay ganu’n din ang ginawa ko. Nag-hintay ako sa labas ng kwarto ni Paul. Hindi ako makakapasok dahil may security guard na nagbabantay. Nang lumabas si Tita ay agad akong lumuhod sa harap niya.

“Please po, Tita, nakikiusap po ako. Ito na ang huli. Gusto ko lang po siyang m-makita,”

Hinayaan ako ni Mildred Villegas na nakaluhod sa kanyang harap, pinagtitinginan ako ng mga nurse at pasyenteng dumadaan pero wala na akong pakialam. Gusto ko na lang ngayon ay makita na si Paul. Desperada akong makita siya.

“Kung makikipagkita ka sa kanya ngayon, dalhin mo na din siya, G-grace.” Nag-angat ako ng tingin kay Tita. Basa na din ang pisngi niya dahil sa luha. “Basta sisiguraduhin mong gagaling siya kapag nasa tabi mo na siya. S-suko na ako,” Aniya at umalis na. Suko? Saan?

Tumayo ako at nagpunas ng luha. Pinapasok ako ng mga guard. Nagulat ako sa nadatnan ko sa loob ng kwarto ni Paul.

“Hindi niyo ba ako naiintindihan?! Kailangan ko si Grace! Si Grace! Si Grace! Si Grace!” Paulit-ulit niyang sigaw sa mga nurse na nakahawak sa kanya. Nagwawala siya at pilit siyang pinapakalma ng mga nurse.

Tinawag ko ang pangalan niya. Kumalma siya at ngumiti. “Uminom ka ba ng gamot m-mo?” Pinipigilan kong hindi humikbi dahil sa nakikita kong tindig niya ngayon. Naka-hospital gown, payat na pangangatawan at walang buhok ni ulo. Bakit siya pa na kailangan ko sa buhay ang dinapuan ng sakit na ganito? Life is just so unfair.

Ang mga nurse ang nag-iling ng ulo. Kinuha ko sa kanila ang gamot at pinainom kay Paul. Dahil ba dito ay sumuko na ang Mommy niya? Masyado na bang matigas ang ulo niya?

Nagsimula noon ang pagbisita ko sa kanya. Pero natigil ulit iyon nang mas lumala ang malala na niyang sakit. Ipinamukha sa akin ni Tita Mildred na hindi ko kailan man magagamot si Paul. Na wala akong kwenta dahil wala akong pera. Na ang pagmamahal ko ay hindi sapat para sa anak niya. Na siya pa din ang ina at ang masusunod sa huli. Iyon ang pinakamasakit sa lahat. Wala akong nagawa para iligtas siya. Para gumaling siya. Baka nga pinahirapan ko pa siya.

“Gracie, bigay ni Kuya.”

Napatigil lang ako sa pagtitig sa pangalan ni Paul nang kalabitin ako ni Jervis. Pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya. Kinuha ko ang iniabot niyang papel.

“Sinulat niya ‘yan nung araw na sinabi ko sa kanya na hindi ka na pwedeng bumisita sa kanya.” Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. “Mahal na mahal ka ni Kuya, Gracie, pero gusto niyang sumaya ka pagkatapos nito.”

Continue Reading

You'll Also Like

205K 4.8K 54
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
11K 333 60
I never planned to fall in love at a young age, I never thought I could give everything until there was nothing left to lose. The greatest agony in...
459K 10.7K 33
"𝐜𝐡𝐢𝐧 𝐮𝐩 𝐩𝐫𝐢𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐭𝐢𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐥𝐢𝐩𝐩𝐞𝐬" Handmade bracelets on her wrist, freckles on her face and paint on her hands...
2.1K 94 5
This is the Remastered edition of "Forsakened, yet Awoken" Feel free to check out the Original!