43. Au Naturel

6.4K 176 11
                                    

Tumakbo ako palayo kasama ng puso kong sawi. Pakiramdam ko ay nauulit ulit ang nangyari halos limang buwan na ang nakalipas. Dinadaan ko sa pagtakbo ang sakit na lumalamon sa buong pagkatao ko. For the first time in my life ay nakaramdam ako ng awa sa aking sarili. What I have done to experience this kind of pain? It fucking hurts so bad. So so fucking bad.




"Athena Grace,"




Bumagal ang takbo ko nang marinig ang paos na boses ni Willard Almante. Nakasakay siya sa kanyang kotse kaya naman madali para sa kanya ang maabutan ako. Pinunasan ko ang aking luha at hinayaan ang tumakas na hikbi sa aking bibig.




"B-back off, Will. Please. I don't wanna see you again." Nabasag ang boses ko.




I mean what I said. Ayoko na siyang makita pa. Mahal ko siya ngunit ayoko na. Nakakapagod din pala ang magmahal at magpakatanga. Itinigil niya ang kanyang sasakyan kaya naglakad na lang ako. Wala akong pakialam kung marami ang nakakakita sa akin ngayon sa ganitong istado.




"The woman you saw there is not A-angela." Mahina ang boses ni Will nang sabihin ito. Dama ko na sa aking likod ang kanyang presensya.




Napatigil ako sa paglalakad. Suminghap ako. Another lie again? Sawang sawa na ako! Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.




"I know you're capable of lying, Willard, pero please naman, wa'g mo namang araw-arawin." Sabi ko kahit na ang gustong lumabas sa bibig ko ay malulutong na mura.




Humakbang siya palapit sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at nagdidilim ang kanyang mata. Nakita ko ang panic, sakit at munting galit sa kanyang mata.




"She's Melissa Conjuanco." Umigting ang kanyang panga nang sabihin iyon. Nahinuha kong ang munting galit sa kanyang mata ay para kay Melissa. "Asawa niya ang kaninang kaharap niya. James de la Fuente."




Kumunot ang noo ko. Iba't ibang kaalaman ang lumutang sa aking isip. James de la Fuente, kaibigan ni Mr. Hortaleza, ex ni Trina. Melissa Cojuanco, siya ang anak nang nagmamay ari ng Cojuanco Group of Companies. Isa siya sa mga babaeng hubad na ipininta ni Will! Iyong buntis. That is why she's familiar to me!




Napatakip ako sa aking bibig. Fuck! Does that mean Angela is... "Si Angela, a-anak niyo?" halos isuka ko ang salitang binitawan ko.




Pumikit si Will at kinagat ang labi. Dama ko ang paghihirap niyang sagutin ang tanong ko. Ang sakit na gumuhit sa kanyang matapang na mukha ay naglikha ng kahinaan doon.




"Y-yes..." nabasag ang kanyang boses. Nang imulat niya ang kanyang mata ay tumulo ang kanyang luha. Hindi niya maitago ang sakit na nadarama nang banggitin niya iyon. Nang aminin niya iyon.




Kumikirot ang dibdib ko habang nakikita siyang ganito. Pinapanood ko ang pagkuyom ng kanyang kamao, ang pag igting ng kanyang bagang at ang mariing na pagtikom niya sa kanyang labi. And then I realize, I was loving a stranger. Isang lalaking hindi ko kilala. Isang lalaking wala akong alam maliban sa kanyang pangalan, tirahan at pamilya. All along I was loving a fucking stranger! I am so stupid.




"Angela..." mabilis ang kanyang paghinga nang humakbang siyang muli palapit sa akin. Para bang gusto ng bumagsak nang kanyang katawan nanginginig ang kamao niyang nakakuyom. Tinikom niyang muli ang kanyang bibig na parang hirap sa kanyang sasabihin. "She didn't have the chance to see the world. And... I didn't have the chance to hold h-her."



"W-what..." hindi ko matapos ang gusto kong itanong. I was... flabbergasted. Rumehistro sa aking isip ang Willard Almante na nagluluksa dahil sa pagkamatay ng kanyang anak. Kinukurot ang puso ko.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now