47. Stay away

6K 172 16
                                    

"Ano'ng nangyari kay Mama, Fray?!" Frantic na ang sigaw ko.

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa bawat minutong lumipas habang binabagtas namin nila Papa at Fray ang daan kung saan.

"Just calm down..." hindi na masukat ang kaba ni Fray dahil sa boses niyang mahina. Dahil doon ay lalo akong kinakabahan.

"Tsk!" Hinampas ko ang dashboard ng kotse ni Fray at ginulo ang buhok ko. Ayaw sabihin ni Fray kung saan kami pupunta at lalo akong naiinis sa kanya!

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. I am frustrated, worried and my heart is aching!

"Calm down, princess..." sabi ni Papa sa likod ko.

Kasama niya ang kanyang nurse roon. Si Tita Mildred ay naiwan sa bahay. Hinawakan ni papa ang balikat ko at marahang tinapik. Napapikit ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay naririnig ko na sa aking tenga. Lord, please, let my Mama safe.

Matapos ang higit tatlumpong minutong byahe ay inihimpil ni Fray ang sasakyan sa tapat ng matayog na ospital.

"Oh my God!" I exclaimed. Inalis ko agad ang seatbelts ko at binuksan ang kotse ni Fray.

Tumakbo ako papasok sa ospital. Hindi ko na pinansin ang boses ni Papa na tinatawag ako. Ang makita lang si mama na maayos at walang galos ang magpapakalma sa akin. Masama ang impresyon ko sa ospital na ito. I hope nothing happened!

Damn. I can't convince myself that nothing happened!

"Marianna Quijano, please..." nanginginig ang boses ko habang sinasabi ang pangalan ni Mama sa babaeng nasa front desk.

"Check ko po, ma'am." At hinalungkat ang makapal na logbook sa kanyang harapan.

Marami ang mga nurse at doctor na nagmamadali sa paglalakad. Gusto ko silang sundan ngunit pilit ko pa ding kinukumbinsi ang sarili ko na walang nangyari kay Mama.

"Miss, pakibilisan naman oh!" Sigaw ko na sa babae.

"Athena..."

Humarap ako nang marinig ko ang aking pangalan. Nagulat ako nang makita ang mommy ni Willard. Pansin kong katatapos lang niyang umiyak dahil sa mapupula niyang mata. Nakasuot siya ng floral dress at flats.

"Si Willard..." aniya at humagulhol.

Kumunot ang noo ko. What the hell is happening?! Sari-saring emosyon na ang bumubundol sa aking puso. Hindi ko na alam ang nangyayari. Naninikip na ang dibdib ko at pakiramdam ko ay matutunaw na ang aking tuhod sa labis na panghihina.

I opened my mouth to mutter a word but Tito Dan butted in. Nakasuot siya ng itim na slacks at puting long sleeves polo na natupi hanggang sa kanyang siko.

"Hazel!" Nakita kong humahangos si Mr. Tuazon papalapit sa asawa. "Please, don't do anything stupid." Marahan ang boses ni Tito Dan sa asawa ngunit naroon ang galit sa tinig nito.

"I won't do anything, Daniel!" Ani Tita Hazel at yumakap sa asawa. Parang kinukurot ang puso ko. Kitang kita ko sa postura ni Tita ang pagiging mahina at wasak ngayon. Humagulhol siya sa dibdib ng asawa. "My son... please, do everything to save him... Daniel... my Willard needs me."

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin. Humapdi ang sulok ng mata ko. Pakiramdam ko ay napagtagpi tagpi ko na ang lahat. Ayokong aminin sa sarili ko ito. Someting happened to Willard. Pakiramdam ko ay hindi iyon simpleng nangyari lang!

"Ma'am, kasalukuyang nasa ER po ang pasyente."

Napatingin ako sa babae. "What?" Pakiramdam ko ay nabibingi na ako dahil sa kabog ng dibdib ko.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now