41. F up

7.8K 211 22
                                    

"Give your keys to Karen." Sabi ko kay Willard.

"Why? Are we not using my car?"

"No. We're going to ride the MRT." Ngumisi ako at lumabas na sa aking shop.

I know that Karen will handle the shop when I'm away. Naglakad na ako papunta sa station. Kaunting lakad lang iyon mula sa aking flower shop.

Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin dahil ayoko siyang lingunin ngunit panatag ang loob ko na susundan niya ako. It's him I was giving a chance so he needs to follow me. Yes, a chance.

"Seriously?" Bulong niya.

Ngumisi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kalaunan ay naramdaman ko na siya sa aking gilid. Ikinakabisado ko na sa aking isip ang mga tanong na ibabato ko sa kanya kapag narating na namin ang kanilang bahay. Ngayon ay sisiguraduhin ko na wala siyang kawala sa mga iyon.

Pumila ako sa ticketing booth habang siya ay nasa tabi ko at hawak ang kanyang cellphone habang kunot-noong tinnitignan ang paligid ng Taft Station.

"What took you so long to answer, Kimberly?" Iritado niyang bungad sa kausap.

Dahil sa mga matang nakatingin sa kanya ay ngayon ko lang nabigyan ng pansin ang kanyang suot. Simpleng itim na t shirt lang iyon na bumabakat sa kanyang matikas na katawan at jogger pants. Sa paa niya ay sneakers lang din. There is nothing extraordinary on his clothes and yet he has the charms that can capture one's eye.

"I needed you to get my car at Grace's flower shop now."

"Miss, ikaw na." Napakagat ako ng labi nang may lalaking sumiko ng marahan sa aking likod, iritado ang mukha.

"Sor--"

"Don't you dare..." itinikim agad ni Willard ang kanyabg bibig nang lingunin ko siya dahil sa biglaang paghawak niya sa akung bewang. Tumingin siya sa lalaki at tinaliman iyon ng tingin. "Don't touch her."

"Sorry po. Di ko kasi napansin." Sabi ko sa lalaki at inalis ang kamay ni Willard sa akin. Suminghap siya at binigyang pansin ulit ang kanyang cellphone, matalim pa din ang tingin sa lalaki.

"Drop it, Kim. Just go and get it." Iritado din ang kanyang boses.

Binalingan ko ng tingin ang cashier at ngumisi. "Dalawang Ayala."

Salubong pa rin ang mga kilay ni Willard nang makarating kami sa kanilang subdivision. Halatang nayamot siya dahil sa dalawang jeep na sinakyan namin. Kinakagat ko ang aking labi para pigilan ang pagbungisngis. He looks cute, that's why. Bumukas agad ang gate ng kanilang mansyon nang i-swipe niya ang kanyang identification card doon. Akmang kukunin niya ang kamay ko para hawakan ngunit inilayo ko iyon. Not now, Willard.

"Good evening, Sir." Bati sa kanya ng naka unipormeng lalaki.

Naningkit ang mga mata ko. He looks oddly familiar. "Ikaw iyong body guard..."

"Yes, he is, babe." Agarang hinila ni Willard ang kamay ko kaya hindi na ako naka-alma. "Get in. Fast."

"Alright. Alright." Tumawa ako at nagkibit ako ng balikat habang inaalis ang kanyang hawak sa aking kamay.

Too damn possesive fucking asshole.

Una akong pumasok at bumungad sa akin ang makulay na fountain sa gitna ng kanilang malawak na garden. Everything in this place is familiar.

"So damn hot."

Kumunot ang noo ko nang marinig iyon kay Willard at nadatnan ko ang paghubad niya ng kanyang damit. Napalunok ako nang makita ko kung paanong umigting ang kanyang muscles at ugat sa matikas niyang katawan. Napalunok ako.

His Broken-hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon