18. So bad

9.7K 237 39
                                    

I was pacing back and forth inside my room. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. My heart was badly thumping inside my chest again. Anong ginagawa ni Willard Almante sa police station ng ganitong oras? Bakit ako ang tinawagan niya imbes na ang abogado niya o sino pa man?

Naglakad agad ako palapit sa aking pinto nang may marinig akog kumatok. Si mama, pupungas-pungas pa.

“Nakita kong bukas pa ang ilaw mo. Bakit gising ka pa, Grace? Aba’y may trabaho ka pa bukas, ah,” tanong ni mama.

“S-si Jervis po kasi tumawag ng hindi ko alam kung ano’ng dahilan. T-tapos...” I bit my lower lip. Mama arched a brow.  “Iyong lalaking kinuwento ko sa inyo two months ago, tumawag din po. Ano...”

Nag-iwas ako ng tingin kay mama nang biglang mag-init ang pisngi ko. Naalala ko na naman iyong paraan ng paghalik niya sa akin kanina. Damn!

“Ano’ng sabi ng lalaking gumahasa sa ‘yo, Grace?” Tiim ang bagang ni Mama, halatang galit.

“N-nasa police station daw po siya,” sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Mama. “Magbihis ka, Grace! Pupuntahan natin ang damuhong iyon.” Sigaw ni Mama.

“Ma, ‘wag na p—“

“Grace! Magbihis ka!” sigaw ni Mama at pinandilatan ako ng mata.

Ngumuso ako at nagbihis na nung umalis si Mama at pumasok sa kwarto niya para magbihis din. Kinakabahan ako. Galit na galit si Mama kay Willard. Wala akong control kay Mama kapag galit siya. Nagbihis ako ng itim na v-neck shirt at skinny pants. I let my hair fall in my back. Hindi na ako naglagay ng kolorete sa aking mukha dahil kinatok na ako ni Mama.

Agad kaming lumabas. Nakabestida si Mama, halatang hindi na niya iyon pinlantsa dahil na din sa pagmamadali. Nagpara si Mama ng taxi. Kahit hindi sabihin ni Mama ay alam kong galit na galit at gigil na gigil siya kay Willard. Gusto kong maiyak pero pinigilan ko. May parte sa dibdib ko na sana hindi ko na lang sinabi kay Mama iyong ginawa ni Willard sa akin no’n. Pero hindi ko naman kayang maglihim kay Mama.

Bumaba kami ni Mama sa unang istasyon ng pulis pero wala doon si Will. Sinabi ng pulis doon na baka sa kabilang istasyon daw siya naroon.

“Nakuu! Malilintikan talaga ang lalaking iyan kapag nakita ko siya.” Galit na sabi ni Mama nang makasakay ulit kami sa taxi. “Siguro nang-halay na naman siya kaya siya nandoon ngayon!”

Hindi na lang ako nagsalita. Ipinagdadasal ko na sana wala na doon si Willard pero hindi pinakinggan ang dasal kong iyon. Nang makabayad si Mama sa taxi ay patakbo niyang tinahak ang istasyon. Nasa likod lang ako ni Mama. Nakilala ko iyong asul na SUV ni Willard na nakapark sa harap ng police station. Kinagat ko ang labi ko at pumasok sa loob.

Nakita ko si Will na nakasandal sa isang upuan doon. Suot pa din niya iyong damit niya kanina, pinatungan lang niya iyon ng black leather jacket. Nakapikit ang kanyang mata, halatang pagod. Pansin ko agad ang putok niyang labi at pasa sa pisngi. Kumunot ang noo ko.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now