45. Wish You

6.5K 187 24
                                    

"You don't know how it feels like being played and betrayed, Kim. You don't know so you better stay out of this!" sigaw ko sa kanya.




Sometimes it's better to keep the pain from yourself because nobody really understands the feeling. Kim is a bitch! And so if he's hurting? Hindi ba pwedeng sarili ko naman ang isipin ko gayung nasasaktan pa din ako sa ginawa ng kanyang kapatid?




Tinalikuran ko si Kim. Ayoko ng makarinig ng kahit na ano pang sasabihin niya tungkol sa akin. I don't care anymore.




Tinungo ko ang daan palabas sa subdivision nila Jervis. After that, I hailed a cab. Inalabas ko ang aking compact mirror at inayos ko ang mukha ko. Pinahiran ko ng concealer ang ilalim ng aking mata. Sa bawat pahid ay naaalala ko ang mga kagaguhan ni Willard sa akin at sa mga kaibigan ko. He took advantage and there is no fucking excuse on that!




Suminghap ako at pinatigil na ang sarili. I should stop! Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Fray. Sa ikalawang ring palang ay sinagot na niya ang aking tawag.




"Hey, cousin! I was about to call you. Where can I pick you up?" baritono ang boses ni Fray.



"Papunta na ako sa Shaw. I'll see you there?" lumunok ako dahil sa panginginig ng aking boses. Fuck! Tears just won't stop!



Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Fray. Parang bang nahihimigan niyang may mali sa akin. "Are you okay, Grace?"



"Of course I am! See you at Shaw." I ended the call and composed myself again.




Humugot ako ng malalim na hininga at pinunasang muli ang luha. Pinahiran ko ulit ng concealer ang ilalim ng aking mata. This can help to cover the evident of pain, huh?




Pansin ko ang mata ng taxi driver na pasulyap sulyap sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror. Pinagsawalang bahala ko iyon.




I sighed again at ibinaba ang compact mirror. Nang humimpil ang taxi sa tapat ng Shaw Complex ay tumahip muli ang kaba sa aking dibdib. Binayaran ko ang taxi driver at ngumisi sa kanya.




Agad kong nakita si Fray Arkhim sa tapat ng glass door ng malawak na complex. Nakapamulsa siya at pabaling baling sa kanyang relo. My cousin is waiting for me. He's in his formal long sleeves and black pants. Ang kanyang buhok ay parang sinuklay lang gamit ang kanyang kamay. Nakakunot ang kanyang noo, senyales na inip na inip na siya.




Lumapit ako sa kanya. Natutunaw ang binti ko. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko ay may ibang mata ang nakatingin sa akin. The feeling is so weird.




"There you are!" anunsyo ni Fray at agarang inilahad ang kanyang siko para maka abrisiyete ako sa kanya. I smiled, though it's very painful.




Naglakad na kami papasok sa complex. Nang maliwanagan ako sa lahat ng sinabi ni Shiya kahapon ay humingi ako sa kanya ng invitation cards para sa last show off ng nude paintings ni Willard. I just think I need to see his paintings... I don't know. Gusto kong ako mismo ang makasaksi sa kung ano ang nagaganap sa Au Naturel. How come I didn't know about this?




Marami agad kaming nakasalubong na banyagang panauhin para sa show off na ito. Nagkalat ang mga volunteer ng Au Naturel na nag a usher sa mga kliyente ngunit hindi ko pa nakikita ang mismong lugar kung saan makikita ang mga likha ni Willard.




"Grace!"



Lumingon ako nang makilala ko ang boses ni Shiya. "Shiya,"



"Nice boob." Bulong ni Fray na agad kong siniko sa sikmura.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now