56. Unforgivable

7.6K 222 32
                                    

"Kuya, why is your unit wasn't locked?"


Humiwalay agad ako kay Willard nang marinig ang pamilyar na boses ni Kimberly na nagmumula sa living room ng unit ni Willard. Nakita kong pumikit ng mariin si Willard at bumuntong hininga. Tumalikod siya at kumuha ng jacket sa kanyang rack.


"Cover up, Athena Grace." Aniya.

Kinuha ko iyon. Napangiwi agad ako nang mapadaan sa aking ilong ang kanyang pabango. "Give me an odorless one, please, Willard." At ibinalik ang jacket.


Umigting ang kanyang panga at mariing pumikit. Dumaan ang pagkainsulto sa kanyang mukha bago tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong kumuha ulit siya ng panibagong black leather jacket sa kanyang closet. Ibinato niya sa akin iyon at muling sumimangot.


"You really want me out of your life, huh? That bad, Athena Grace, that you hated my scent already. I remember how you..." Kinagat niya ang kanyang labi at tumalikod na. "Nevermind."

"Willard, mali-" Natabunan ng malakas na pagkalabog ng pinto ng bathroom ang boses ko.


Nairita ako sa sarili ko habang isinusuot ang jacket ni Willard. Mukhang hindi pa niya ito sinusuot dahil amoy ko pa ang natural nitong bango. Mali naman kasi ang iniisip ni Willard. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit sa tuwing naaamoy ko ang pabango niya ay para akong nahihilo o nasusuka.

I used to love his scent before but it makes me feel dizzy now. And I hated that he looked affronted about this. Kinukurot ang puso ko sa kanyang reaksyon. Parang lahat na lang ng gagawin at sasabihin ko ay mali.

"Grace!" Narinig ko ang boses ni Jervis.

Naramdaman ko ang kamay ni Jervis sa aking kamay kaya humarap ako sa kanya. Pagod akong ngumiti nang makita ko ang pag aalala sa kanyang mukha.

"Okay ka lang ba? Dammit! Dapat talaga hindi na kita pinayagang sumama sa kanya kanina." Aniya at nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha.

Jervis and I were okay now. Nag kausap na kami tungkol sa ginawa kong pananakit sa kanya. Batid kong hindi pa din niya nalilimutan iyon pero alang alang sa pinagsamahan naming dalawa ay pinagsawalang bahala niya iyon. Napakabuti ni Jervis. Sana ay makahanap siya ng taong hindi gagawin ang ginawa ko sa kanya.

Umiling ako at hinawakan ang panga niya. "Iuwi mo na ako."

"Kailangan talagang hawakan ang panga niya?"

Binitawan ko ang mukha niya nang marinig si Kim. Nilingon ko siya at matalim ang titig niya sa akin.

"Kim, don't be rude." Angil ni Jervis at inirapan si Kim.

"Sa kanya mo sabihin 'yan. I'm just around and yet she's touching you. Respeto lang sana, no?" Sarkastiko niya akong nilingon.

"I'm sorry." Sabi ko at lumayo ng bahagya kay Jervis.

"Ganyan. Lumayo ka kung alam mong may nagmamay ari--"

"Shut up, Kim!" Sabay na sabi ni Jervis at ni Will na kagagaling lang sa bathroom.

"Fuck, right! Ako na nga ang binastos ako pa ang masama ngayon. Just fucking right!" Irita na siya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Your mouth, Maria Kimberly! Shut the curses!" Mariing sinabi ni Jervis.

Gusto kong ipaliwanag na hinawakan ko lang naman ang panga ni Jervis para pawiin ang pag aalala sa kanyang mukha. Hindi ko alam na big deal pala iyon!

"Iuwi mo na siya, Jervis. Take care of her." Malamig ang boses ni Will. Hindi ko pa din siya nililingon.

Nakita kong nakatitig si Jervis kay Kim habang kunot ang noo. Si Kim naman ay iritadong iniikot ang mata sa kwarto ng kanyang kapatid. Umiling si Jervis na para bang dismayado.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now