58. Maria

7.4K 237 25
                                    

Dahil wala pa akong kahit na anong papel at dokumento katulad ng Visa (at ang passport ko ay expired na) ay hindi pa ako nakaalis kinabukasan. Nanlulumo akong umuwi sa bahay galing sa American embassy. Ang passport ko ay 30 working days pa bago ma proseso. Hindi na ako makapaghintay.


Pumasok ako sa kwarto ko at dinadama ang bigat ng dibdib ko. I really wanna go and get him back.


“Grace, open the damn or I’ll fucking break it!” narinig kong sigaw ni Fray sa labas ng pintuan ko.


Kumunot ang noo ko at tumayo. Hindi ko namalayan na kanina pa siya kumakatok.


“Lumabas ka daw? Why didn’t you tell me?!” iritadong sabi ni Fray nang pagbuksan ko siya.


Nakasuot siya ng puting khaki shorts at dirty yellow na v neck. Parang katatapos lang niyang maligo dahil naaamoy ko pa ang kanyang aftershave at magulo pa ang basa niyang buhok.


“Don’t over act, Fray. Saglit lang ako doon.” Hindi ko naitago ang pait at tabang sa boses ko nang wala akong napala sa paglabas ko ng maaga kanina.

“Where have you been anyway? For my sanity’s sake, tell me where you’re going dahil mababaliw ako sa kakaisip kung nasa’n ka! You’re being careless. Buntis ka, Grace. Just so you didn’t know.” Irap niya sa akin at pumasok ng tuluyan sa kwarto.


Nahalimuyak ko ang pabango niya. Parang may popormahan ang aking pinsan, ah?


“Why are you here ba? Lagi ka na lang nakasunod sa akin. Aren’t you busy with your harem?” tanong ko at isinarado ang pintuan ko.

Umupo si Fray sa sofa sa gilid ng aking kama at umupo ng pa-number four. “I’m busy following you so I have no time for them. Isn’t it obvious? Tss…”


Ang sungit niya talaga pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng proteksyon sa kanyang inaasta. I’m still thankful that someone’s being true to me. Ngumiti ako sa aking sarili nang may maalala. An idea popped in my head. Lumapit alo kay Fray at umupo sa tabi niya. I leaned my head on his shoulder and he stiffened. Kumunot ang noo ko nang bumulong siya ng malutong na mura. Pinagsawalang bahala ko na iyon.


“I need your help.” Sabi ko.

“What… help?” Bumuntong hininga siya at naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib niya. Why is he acting strange?


Umupo ako ng maayos at hinarap siya. Nag iwas siya ng tingin sa akin na para bang naiintimidate sa aking tingin. May bumubuong ideya sa isipan ko kung bakit siya ganito pero ayaw kong i-accommodate ang ideyang iyon. Kaya binalewala ko na lang.


Hindi siya makatingin sa akin kaya siya na lang ang tinignan ko. “I know you have your ways and connections, Fray. Can you do something para mapabilis ang proseso ng visa at passport ko?” sabi ko, diretso.


Doon ay napatingin siya sa akin. Kumunot ang noo niya na para bang pinoproseso pa ang sinabi ko. Kalaunan ay naging blanko ang mukha niya.


“Georgia…” he said as he stood up. Like he just realized that the favor I’m asking is for Willard. “He’s in Atlanta, Georgia.” Mahina niyang sinabi.


Tiningala ko siya at naghintay pa ng sasabihin niya. I’m silently hoping he’ll consider my favor. I know Will’s in Atlanta. Sinabi iyon sa akin ni Jervis kagabi. Napilit daw niya si Kim na sabihin kung saang banda ang kanyang kapatid sa Georgia. Hindi ko alam kung saan naman siya ngayon sa Atlanta but I’m leaving all my hopes to fate right now.


“Alright. We can leave by tomorrow for Georgia.” Pilyo siyang tumingin sa akin at ngumisi.

Napatayo ako sa gulat. “Fray, hindi pwede! This is my own fight. Hindi kita kailangan doon!”

“Ouch.” Tawa niya at napahawak sa dibdib niya na para bang masakit iyon. “Kidding, baby. All right, you will go there all by yourself, with your baby I mean. But now…” ngumuso siya at tumingin sa tiyan kong hindi pa masyadong halata ang pagbilog. “We’ll go to your OB first. You know, sabi ni tita Anna.” Mahina niyang sinabi sa huling salita.


Kinurot ang puso ko dahil sa pag aalala pa din ni mama sa baby ko. Kinagat ko ang labi ko at tumango kay Fray. Lumabas siya ng kwarto ko matapos niyang sabihin na hihintayin na lang niya ako sa labas. Pumasok ako sa walk in closet ko at tinanggal ang floral kong dress. Itinira ko ang aking bra at panty at tumayo sa harap ng salamin doon. Tinignan ko ang tiyan ko at napangiti nang makita ang maliit pa ding baby bump ko. Kinukurot ang puso ko dahil sa tuwa. I caressed it like I was really caressing my baby.


“I can’t wait to tell your dad about your existence, baby.” Bulong ko. Pumatak ang luha ko at agad ko itong pinunasan.

“Believe me, anak. I’m happy for you.” Narinig ko ang boses ni mama.


Nang tumingin muli ako sa salamin ay nakita ko ang repleksyon ni mama’ng nakaupo sa kanyang wheelchair. May kaunting ngiti sa kanyang labi na para bang masaya para sa akin ngunit hindi rin naitago ang pait sa kanyang mata dahil sa inaasta ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Agad akong kumuha ng flowy dress at isinuot iyon.


Lumunok ako. “Pinatay mo ang anak ko sa isipan namin ni Will, ma.” Puno ng hinanakit kong sinabi.


Hindi nakaimik si mama sa sinabi ko. Kinuha ko ang aking bag at lumabas sa walk in closet. Suminghap si mama nang daanan ko siya. Palabas na ako ng kwarto nang makita ko naman si papa doon. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang ang kanyang baston ay nakahalik na naman sa sahig. Both of my parents are fragile and I hate myself for hating them now. Hindi ko kasi mapigilan. I tried to justify their reason pero hindi ko talaga maiwasan ang magtampo.


“You’re going to Georgia? I already talked to Fray. I told him to get what you needed. All, princess. Just please be safe.” Walang emosyong turan ni papa at nilagpasan ako.


Dinaluhan niya si mama na humahagulhol na. Pumikit ako ng mariin at tinikom ang bibig ko.


“I’m leaving, ma and pa. Thank you. And I’m sorry.” Sabi ko at lumabas sa kwarto ko.


Iniwanan ko ang mga magulang ko doon at pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasahol na anak sa mundo.


Ngumiti si Dr. Malibay, ang OB’ng tumingin sa akin, nang may marinig kaming tambol o mahinang kabog sa speakers na nakapalibot sa loob ng room kung saan ako kasalukuyang nakahiga. Ang wire o maliit na stick na ipinasok sa aking gitna ay nagbibigay ng munting sakit at kiliti ngunit sinubukan ko iyong hindi pinansin. This is for Will’s baby.


“That was your baby’s heartbeat.” Ngiti ng doktor.


Lumakas ang kabog ng dibdib ko at napaluha habang pinapakinggan ang pintig ng puso ng anak ko. Oh my God! So, it’s true! Ngayon ay lalo ko pang napatunayan na ligtas ang aking anak. Para akong lumulutang sa ere dahil sa sayang nararamdaman ko.


“You’re eight weeks pregnant, Mrs. Van Haughes.” Sabi ng doktor. Kinagat ko ang labi ko.

“Miss, dok.” Pagtatama ko.


Napatigil ang doktor at inalis ang wire at stick sa aking loob. Kinagat ko muli ang labi ko dahil sa munting kirot. Tumingin ako sa monitor at kita ko ang maliit na imahe ng anak ko. My baby’s still unreadable. Maliit na bilog pa lang siya ngunit malaki na ang puwang niya sa puso ko. Pinipiga ang dibdib ko. It would be better if Will’s here.


“I’m sorry for that. Akala ko…” aniya at tumingin sa kurtina’ng nagsisilbing partition ng room na ito at sa mismong clinic ng OB. Nasa labas si Fray at hindi ako pumayag na pumasok siya rito. He’ll over act again. I know.

“He’s my cousin.” Sabi ko at bumangon na. “Was my baby healthy, dok?” tanong ko at isinuot ang panty at dress ko.


Naunang lumabas ang OB at sumunod naman ako. Agad na tumayo si Fray nang makita ako.


“How was it? Are you alright? How was the baby? Can I see his image? Or is he really a boy?” sunod sunod na tanong ni Fray.

Ngumiti ang OB at siya ang sumagot sa mga tanong ni Fray. “The baby’s healthy at hindi pa natin malalaman ang kasarian nito sa ngayon, Mr…” nangapa ang doktor sa apelyido ni Fray.

“Wadsworth…” ani Fray at tumingin sa akin ngumingisi.

Inirapan ko siya at tumingin ulit sa doktor. “I… um, bled one time. Does it affect my baby?”

“Well, it’s normal if it happened the first time. But it’s not normal if it happened again. Mind telling me why you bled?”

“She was pushed by a bitch whore. Normal ba iyon? She bled. Would it be healthy if she’ll travel to Georgia?” si Fray ulit habang frantic ang mukha.


Ngumuso ako at hindi ko napigilan ang paghagikgik ko. Fray is such a cutie. Kung umasta siya ay parang siya ang ama. Well, he’s my cousin and it’s his right to show concern for my baby.


“It is safe, Mr. Wadsworth, as long as Ms. Van Haughes will take her daily dose of vitamins I’ll recommend.” Bumaling ulit sa akin ang doktor. “Malakas ang kapit ng anak mo sa ‘yo, miss. In your case, hindi ganoon kalala ang pagkakatulak sa ‘yo. Moreover, while you’re on plane, igalaw galaw mo ang mga paa mo para walang tumigas na ugat, okay? It was a long trip and I advise that you should at least stand or have a little walk around the plane every hour, if there’s a chance. Ikaw lang ba mag-isa ang babyahe papuntang Georgia? Um… would you mind if I’ll ask where’s the father of your baby?”

“Well, she’ll follow him there. The asshole doesn’t know his baby’s existence yet. He thought that the baby’s dead. Well, it’s a long lovesick story, Dr. Malibay.” Sabad ulit ni Fray.

Napakamot ako ng ulo at umiling.


Bandang alas onse ng umaga ng sumunod na mga araw nang ibigay sa akin ni Fray ang private visa, plane ticket at renewed passport ko. Dahil sa saya ay nayakap ko pa siya. Well, pinagsamang koneksyon ni Fray at ni Papa kung bakit ito napadali.


Ngayon, habang sakay ang kotse ni Fray papuntang airport ay malakas ang kabog ng dibdib ko at hindi ko maintindihan kung bakit. Dahil siguro hinayaan ko lang si mama na umiiyak habang pinapanood akong umalis kanina. I really can’t stand it. I still love her pero hindi ko talaga matanggap. Dapat silang humingi kay Will nang dispensa, hindi sa akin. Aayusin ko ang sa amin bago ang kila mama.


Alas tres ng hapon nang makarating kami ni Fray sa airport. Thanks to the national traffic. I only have thirty minutes before my flight. I was wearing a pair of pink espadrilles and paired it with black leggings and pink loose top. Ang itim na leather jacket ni Will ang napili kong ipapatong dito mamaya kapag nasa loob na ako ng eroplano.


Si Fray ay tahimik na sumusunod sa akin dala ang trolley luggage ko. Isa lang iyon na dala ko at ang karamihan sa laman no’n ay mga magazines para sa mga nagdadalang tao at iilang mga damit ko. Nasa handbag ko naman ang iba pang importanteng gamit ko katulad ng passport, visa, plane ticket, wallet, ilang vitamins na iinumin ko mamaya at ang cellphone kong papatayin ko mamaya.


“I’m gonna miss you, baby.” Sabi ni Fray nang ibigay sa akin ang trolley ko.

Ngumiti ako at niyakap si Fray. “Thank you, cousin.” I said, wholeheartedly.

“Cousinzoned.” Hagalpak ni Fray kaya humiwalay ako sa kanya.

Tumawa ako at sinapak ang dibdib niya. “Arsehole!”

“Well, seriously, take care of yourself.”

“I will! Of course, para sa baby namin ni Will” Tumawa ako.


Napatingin ako sa likod ni Fray at napasimangot din. Hindi sumunod si Jervis? Tinawagan ko siya kaninang nasa kalagitnaan kami ng traffic ngunit hindi siya sumasagot. Tinext ko na lang siya at sinabing paalis na ako. Hindi ako nakatanggap ng reply pero umaasa akong susunod siya rito. Pero wala.


“I’ll go now.” Paalam ko kay Fray.

Tumango siya at umamba pa ng yakap. Hinayaan ko siya at niyakap din pabalik. “Please, be happy, baby.”


Kinurot ang puso ko nang humiwalay ako kay Fray. Pumasok ako sa departure area ng airport nang hindi lumilingon kay Fray. I surrendered my plane ticket and passport when my flight was announced. Nilingon ko si Fray sa pinag iwanan ko sa kanya at nakitang wala na siya. Ngumiti na lang ako at pumasok sa plane. Doon ay isinuot ko ang leather jacket ni Willard. I’ll see you in a bit, babe.


I laid my seat back and closed my eyes until I fell asleep. I woke up after three hours. Katulad ng sabi ng doktor ay iginalaw galaw ko ang mga paa ko. Tumayo ako at nakita ko ang nga kapwa ko pasahero na tulog. I stretched my hand, arms and knees. Nine more hours before stop over and I’m wondering what shall I do. Matapos mag stretching sa bathroom ay bumalik ulit ako sa upuan ko. Ang mala cotton candy na ulap ang dahilan ng pagbigat ng talukap ng mata ko. Nagising ulit ako at nagbasa ng magazines na bigay ni Dr. Malibay.


Nang mag stop over sa San Francisco ay sinipat ko ang oras sa airport at nakitang alas dose na ng tanghali. Of course, San Francisco time. Inubos ko ang apat na oras na waiting time sa paglalakad sa airport, pagkain at pagbabasa ng magazine. I also changed my clothes. Summer ngayon sa Atlanta kaya napili ko ang scoop back dress ko. Inilagay ko ang lahat ng nagamit ko sa luggage ko. Matapos niyon ay bumalik ulit ako sa plane at hinintay hanggang sa puma-ere kami ulit.


Four more hours to Georgia and I’m feeling giddy and excited at the same time.


“Ladies and gentleman, welcome to Hartsfield-Jackson Atlanta International Airport. Local time is 10:00 in the evening. For your safety and comfort, please remain seated with your seatbelt fastened until the Captain turns off the Fasten Seatbelt Sign.”


Nang marinig ang signal na pwede ng tanggalin ang seatbelt dahil take off na ay inayos ko na din ang sarili ko at lumabas sa plane. Hinintay ko ang trolley ko bago pumunta sa arrival area. Ang sabi ni Fray ay may susundo daw sa akin na cab papunta sa apartment na tutuluyan ko kaya tumingin tingin ako sa mga tao sa waiting area.


Ngumiti ako nang makita ang sulat-kamay na ‘Athena Grace, Welcome to Atlanta’ sa isang coupon bond na hawak ng isang oldie na lalaki. His hair is almost gray and he’s wearing an all white uniform of a driver. Kumaway ako sa kanya at sumingit sa ibang pasahero na lalabas na.


“Hi, I am Athena Grace Van Haughes!” malapad ang ngiti ko kahit na nakakaramdam na ako ng pagod.

“Oh, hi! Welcome to Atlanta. Let me help you with your stuffs, madame.” Aniya sa baritono at matigas na ingles. He reminded me of my father and Fray. “I am Quinton and I received an order to pick you up here. Nice meeting you, Ms. Athena.”


Nakipagkamay ako sa kanya at sumunod. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa parking area ng airport. Malamig ang hangin na dulot ng gabi at hindi ko maiwasan ang pagkumpara ng temperature dito at sa Pilipinas. It’s almost the same but here has more peaceful and fresher air.


Mahigit sa tatlumpong minuto ang byahe mula sa airport hanggang sa tutuluyan kong apartment. Pagkarating ay agad kong naramdaman ang pagod. Nang buksan ni Quinton ang pinto ay ipinasok niya ang luggage ko. Nagpaalam siya sa akin nang iabot niya ang aking susi ng apartment.


Huminga ako ng malalim at kumunot ang noo ko nang mahalimuyak ko ang hindi ka-aya ayang pabango. Madilim pa ang paligid ko at ang ilaw lang ng street light sa labas ang liwanag ko dito sa loob.


Hindi ko na binuksan ang ilaw ko at sumalampak agad ako sa sofa sa aking kaliwa. Sa aking harapan ay maliit na center table na gawa sa makintab na kahoy. Sumunod sa center table ay isang maliit na divider. Naroon ang TV sa gitna, sa kaliwang bahagi nito ay isang jar at sa kanang bahagi ay flower vase. Sa itaas ng divider ay mga libro at ibang CD and DVD albums. Sa ibaba nito ay CD players. I think it’s an old apartment.


Humilig ako sa malambot na sofa at huminga ng malalim. Inabot ko ang aking cellphone at binuhay ito. I turned the wifi on and connected it to their wifi here.


Napatuwid agad ako nang upo nang makita ang pangalan ni Jervis na nag-flash sa Facetime. Tumayo ako at sinindihan ang ilaw upang maliwanag akong makikita ni Jervis. Naging klaro sa akin ang living area kung saan ako namalagi. I was right, the interior design of this apartment is kind of Victorian style.


“You fucking shut up, Maria! It is your damn fault!”

“I didn’t know that she’ll actually go there, alright! Dahil akala ko hinahanap lang niya ang kapatid ko para saktan ulit. I thought she won’t go that far for him—“

“She’s gone! Obviously! Because you told her so. Fuck! If something bad happened to her malalagot ka sa kapatid mo at sa akin!” sigaw ni Jervis.

“I know! It was my fault but I… okay. I don’t know where my brother was, right now—“

“Excuse me?” kumalabog ang dibdib ko dahil sa narinig na usapan ni Jervis at Kim. Pakiramdam ko ay bumigat ang nararamdaman ko.


Sa tingin ko ay hindi pa aware si Jervis na nasagot ko na ang tawag niya dahil ang nakikita ko sa screen ay ang suot niyang blue long sleeves polo. Nang marinig akong magsalita ay iniayos ni Jervis ang phone niya at sumalubong sa akin ang galit niyang mukha. Nang makita akong nakakunot ang noo ay lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha.


“Grace…” batid ko sa boses ni Jervis ang kaba.

“I want to talk to Kim.” Malamig kong utos. Nagngingitngit na ang kalooban ko at konti na lang ay sasabog na ako sa galit. “Fucker! Let me talk to her!” sigaw ko nang tumitig lang si Jervis sa aking mukha sa screen na para bang inoobserbahan ang galit kong mukha.

“Grace, I am really sorry.” Hindi ko pa nakikita ang mukha ni Kim sa screen ay narinig ko na ang sinabi niyang ito.

“Well, news flash, Kim. I am pregnant with your brother and if something happened to our baby ‘cause of the risk I’ve took in traveling for almost twenty one hours from Manila up to here in fucking Atlanta just to follow him, because you told me so, forget that you met me, bitch! Fucking bitch!” sigaw ko at hindi ko namalayan ang sarili ko na ibinato ang aking Iphone.


Inihilamos ko ang palad ko sa aking mukha at pilit na kinalma ang sarili ko. Pakiramdam ko ay nawala ang pagod ko at napalitan ng panghihinayang. Nagtiis ako ng halos isang araw sa byahe para saan? Para sa wala?


“Tanginang, Maria!” I mumbled as I wiped the tears off my face. I was frustrated. And mad. And very, very pissed.

His Broken-hearted GirlWhere stories live. Discover now